Check-up Time: 01:02 am
Heleeww! Helleeeww unebersss! Sawadeka!
O di pa nakaget over? Lalo na ako sa last na lakwatsa ko.
It's been a while crocodile! Madaming mga kwentong napanis na na di ko na naichismis sa blog na ito.
Been doing a lot lately pero more on work naman sya. Na stress drillon talaga ako makipag bakbakan sa mga counterpart namin na mayaman sa curry powder kaya naman nag uubos ako ng leave credit kesa naman sa itakbo ako sa ICU.
I'm in seach talaga for a place where I can relax, and since very hype sa mga soc med ang Coto Mines sa Masinloc sa Zambales ay lumipad ang aking team para tignan ang sinasabi nilang gem of Masinloc. Pero tsarut lang yung paglipad masyado ako mabigat para lumipad.
The trip and experience is very memorable sheeesh english dahil ito ang unang pagkakataon ko na mag-travel na masama ang pakiramdam or to sum it up, may lagnat ako. Naramdaman ko lang talaga na pa lagnat na ito nung nakarating na kami sa villa namin. Nag "for the experience" pa kasi ako mag top load dahil di ko na ranasan ito nung nag-Sagada ako, natagtag ata lalo ang malusog kong katawan kaya body pain and lagnat si waving.
Inisip ko na lang baka kapag napawisan ako sa mga activity na gagawin namin eh baka mawala din sya plus ayaw ko naman masayang yung pinunta ko dun. First stop, is yung river banks which gives a very twilight vibes
And if you will ask kung saang part ng twilight yun, ito ay nung hinahabol ang mga wolf at mga Cullens si Victoria...
Si Victoria kasi na kalaban hindi yung asawa ang football player...
Di ba, parang same yung vibes? |
And then, punta kami sa old water pipe na nag susupply ng tubig sa kabilang side ng river. Medyo shaky ang kuha dahil nakakatakot na kumuha ng pic o video talaga sa lugar na ito dahil kapag nagkamali ka, mag-a-eye ball na kayo ni St. Peter kaya, inadjust ko na sya, inistabilze ko na yung kuha ng guide namin.
At apart from that ay kumuha din ako ng sarili kong shot para ako mismo first hand ang maka experience how difficult it is to take a video sa spot n ito. Nag-e-english talaga? Dun ka sa far away. Ginagalit!
So ito na nga kahit na until now may fear of heights ako, haha tumransition pa ako kahit na scarry underwood na ako, di halata noh? Galing kasi ni Ogie Diaz mag coach sa acting eh. Tsar!
Maganda din sa area sa ilalim ng old water pipe, may mga pine tree dun na kyut magkuha ng picture.
After nun bumalik na kami sa villa namin para mag lunch. After namin umatake ng pailalim ng lunch nag rest in..... rest in your own phase kami. Masama yang iniisip mo, but I like it.
Then pumunta na kami sa isa main attraction ng Coto mines...
Hindi yan, yung cliff jump kasi...
Ito ang pang 5 beses ko na mag cliff jump. Una sa Siquijor, then Hundred Island, then Villa Colmenar, sa Daranak Falls tapos dito na. Medyo mababa sya compare sa Siquijor pero may kalalimang taglay yung sa Coto. And let as speak to the good fart! Are you go? I am go, here I go!
Nilalagnat na ako nyan ah! Pero di talaga napipigilan ng lagnat ang mga taong makakati ang talampakan.
After ng pagkuha pa ng sandamukal ng picture, social studies sa mga kasama sa trip at sharing ng mga swimming skills balik na kami sa villa para mag rest habang hinihintay ang dinner.
After ng dinner nag kulong na ako sa tent ko kasi giniginaw na ako I know any moment mag chichill na ako. Kaya naman inunahan ko na mag abiso sa gc ng team namin na if magkakasakit ako eh baka di ako masapasok. Kaya naman.....
Pero wait, papunta pa lang tayo sa exciting part. Umulan ng burberry hard at ang tent ko ay facing sa direction kung saan galing yung hangging. So feeling ko para akong ham na nasa freezer. Buti na lang tumalab yung gamot na ininom ko na may kaunting witchcraft.
Kinaumagahan! I feel so fine, I blow my mind, wala na akong lagnat aftermath na lang. Medyo masakit na lang ang headache ko, tapos may snot na lang na sobrang labnaw (bahala ka na umintindi dyan). Pero di pa din ako napigilan na mag me time sa lugar at napaka narcissist kaka selfie. Pagbalik ko, nag breakfast lang ako at naligo to prep na para umuwi..
Ito lang siguro ang cons and pros ko sa Coto (may pagrereview hindi naman bayad. Emeh!)
Pro
- What you see is what you get. Kung gaano kalinaw ang tubig na nakikita mo sa pics at video ganun kalinaw mo sya dadatnan. Mas malinaw pa sya sa budhi mo.
- Kids will enjoy the place dahil may mga area na parang may mga mini pools na for your bagets. Kung wala kapang bagets, eh di sorry!
- If you're up for adventure this is the place to be.
- Nature lover ka! Para sayo ito kahit wala sa nature mo.
- You want a peaceful place (go sa sementeryo, tsarut lang!) na you can hear running river. Ito na yun.
Cons
- CR! It takes 1 hour para lang makaihi ka, sa haba ng pila sa cr. Sana gumawa sila ng wash area para sa mga mag hihilamos at mag totoothbrush para lahat ng mga kailangan gumamit ng shower at cr talaga lang ang need pumila
- Medyo expensive ang ibang bilihin sa lugar. Which is given na sa kahit anong tourist destination. Hindi lang sa final destination.
- Walang kuryente! Wag kang mag expect na makakapagcharge ka dito. Powerbank is an essential thing sa to bring list mo.
- Kung mahina ang pulmon mo, wag ka mag babad sa tubig. Mas malamig pa sya sa mga nararamdaman ng mga single sa darating na Pasko.
- The place for me is not for mga pasyente type ng person, mga pabebe at mga Disney princess. Magiging obligasyon ka ng mga kasama mo. Dapat harabas ka dito.
Anyway, this trip is made possible by Kapitana The Explorer... nakita ko lang din ang tour na ito sa tiktok vid ng isa sa mga guide nila (Hmmm sana pala pinagtiktok namin sya ng may pakaldag. Ems lang!). Yes po nag joiner ako. Ayos na ito para sa mga singol na gusto maglakwatsa. You can reach out to Zach para sa details and mabilis na pag respond sa queries.
Wag nyo na itanong sa akin kung magkano... dadagdagan ko yan para may komisyon ako. Tsarut lang!
O sya sya hanggang sa muli nating kulitan. Tah! Tah!
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!