Sunday, May 31, 2020

Tara, Bangon tayo!

Check-up Time: 7:05pm

Nung nakaraang Biyernes eh balak ko muna umidlip bago sana ang huling shift ko sa trabaho kaso. Ang totoo wala ako sa mood magtrabaho kasi naman weekend mo na ako. Ewan ko ba di ako dalawin ng antokyo Japan.

Bigla bigla na lang ay naisip ko, ang haba na pala ng quarantine days at tunay ngang pang PBB ang eksena ng lahat, kung di lang ako naging alay ng bahay namin na lumabas para bumili ng mga needs essentials namin eh feel na feel ko na nasa bahay ako ni kuya.... Kuya Eddie Charot!

So eto na nga, bigla ko na lang naisip na, simula pala nung nagtrabaho ako matapos ko mag college eh kaunting panahon lang din pala ang naigugol ko sa pamilya ko. Kahit na sabihin ko na may restday ako eh ito namana ng panahon na umaalis din ako ng bahay para magkaroon ng social life at iba pang mga bagay bagay sa buhay and before you know it... Balik work na ulit sa sunod na araw.

Oo may mga panahon naman na kasama mo ang pamilya mo birthday, pasko, bagong taon, espesyal na mga okasyon pero sa araw lang na iyon.

Siguro ang isang bagay lang din na nagustohan ko sa ecq na ito ay ang nakasama ko ang pamilya ko na parang nasa mahabang bakasyon lang na araw araw mong nakakasama at may interaksyon. Bigla tuloy may kumurot chubby kong heart. Naisip ko kasi na kung kasama pa sana namin ang mama ko, magiging napakasaya ko dahil sa sobrang daming bagay na ang namiss ko sa kanya mukang magiging isang maganda sanang oportunidad yun para magkaroon kami ng oras na maenjoy ang presensya ng isa't isa.

Bukas ay simula na ng gcq, madami ang nagsasabi na ito daw ang simula na ng survivor Philippines- the covid-19 edition at sinabi na nila na ang ibig sabihin ng gcq ay "get cremiated quickly". Iba iba ang opinyon ng mga tao sa transition ng lipunan patungo sa gcq may pro may cons. Madami man ang ayaw  o madami man ang may gusto isa lang ang malinaw. Hanggang walang vaccine para sa covid walang safe. Lahat ay prone sa sakit at walang sino man ang immune sa sakit.

Sa ganitong panahon isang commercial lang talaga ang naappreciate ko. Yung sa tuwing pakikinggan ko sya parang nagpapaalala sya na kahit na medyo hindi maganda ang nangyayari ngayon eh makakabangon at makakabangon pa din ako... Ikaw at lahat lahat tayo...




Palakasan na lang ito ng loob. Walang susuko dahil babangon tayo ☺

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, May 20, 2020

Happy to serve?

Check-up Time: 11:20pm

At nagbabalik at muli pang babalik ng mag babalik pa din ☺

Simula nung nag-lockdown dahil sa pandemic crisis eh nag-simula na din ako mag trabaho sa bahay. Noong una akala ko masaya sya, na isip ko na lang na this is it, ma-e-experience ko na din mag-work sa bahay namin. Like, ito yung isang bagay talaga na I want to try.

1st week okay sya, like feel na feel ko sya kasi kapag lunch ko nakakatulog pa ako nakakasave ako sa pamasahe, nag-wowork ako kahit naka boxer lang ako like wala akong paki kasi nasa bahay lang me.

And then 2nd week medyo narealize ko I was na-i-is-struggle na. Bakit? Before na mag-simula ang lockdown eh nag-shift ako ng support. Ang stressful is sa department namin hindi ko maintindihan kung bakit walang concrete na documented process kung paano gawin ang support nila. Ang document nila is very general na hindi applicable sa lahat ng situation kaya naman kapag nag deadend ka ito yung mga time na mapapa-novena ka na lang.

3rd week ayun na ngapalpak here, palpak there palpak everywhere. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga error na sinasabi ko... Yung pag deadend na na hindi mo na alam ang gagawin mo... Yung parang nasa stiwasyon na na nag-e-LBM ka at napunta ka sa CR ng fastfood tapos aabutan ka na pero walang tabong may tubig o tissue. Yung mapapa-pray ka na lang ng ilang Hail Mary at our Father, ganun! Idagdag mo pa ang naging meeting ko sa bisor ko kasama ang nasa quality team namin para idiscuss ang error ko. Alam ko may error ko pero wait, may problema din sa side ng training at ng management. Ang problema lang sa bisor ko hindi muna sya nag root cause analysis bago sya magsalita at mag-bida bida. Sa huli imbes na ma-motivate ka lalo kang nawalan ng gana.

4th week ayaw ko na na nakikita ang laptop na issue ng kumpanya. Nakikita ko pa lang sya drain na ako. Hanggang sa sinabihan ako ng best friend ko na umattend ng isang webinar. Mukang interesting ang topic kaya nag register ako.

1 oras ang webinar ang topic paano mo magagawang mag-ignite ulit ang passion mo sa pagta-trabaho... Interesting di ba? Sa buong tips nila ang huling apat na tip ang pinaka gusto ko. Sabi ng nag conduct ng seminar.  Kailangan samahan o kausapin mo ay ang mga taong positive ang sinaasbi dahil maaring nilang mapagaan ang loob o nararamdaman mo. Sunod tap at the back. Every success o task na natapos mo sa isang araw malaki man yan o maliit is a victory and you need to commend yourself kasi you give your effort to it. Sunod is to treat yourself in every victory. It doesn't need to be grand as long as you feel that you are celebrating your victory and last, if you feel that the last 3 is not working its time for you to move on.... Hindi ka na masaya sa mga nangyayari sayo, at kung maisip mo na umalis ng company pwede mo gawin but be sure na pag-isipan mo munang maigi.

Dahil sa seminar na yan ay nagkaroon ako ng matinding self assessment at matinding pagninilay nilay. Dun ko naramdaman na hindi na ako masaya sa ginawa ko dahil nawawala na ang dating fulfillment na nararamdaman ko nung nag-si-simula pa lang. Ayaw ko dumating sa punto ng career ko I going to drag myself to work.

Sa ngayon ay I live with the last 3 tips na natutunan ko, pero kapag talagang walang nagbago siguro panahon na talaga para iconsider ko ang last tip.

Kayo anong kwentong work from home nyo?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!