Thursday, February 4, 2016

Putukan na!

Check-up Time: 10:49pm

Hey! Hey! Hey!

This is it for another plate of pansit! May ma-intro lang haha.

Henny waist!

Sooooooo this is Pebrero ang buwan ng mga puso (Wala nito ang karamihan sa mga pulitiko at masasamang loob dahil madalas sila sabihan na wala silang puso). Ikaw, masaya ba ang heart mo?

So ito na nga, kung para sa mga bitter at mga single pagtapos ng Feb 13 ay Feb 15 agad, para naman sa mga taken at umiibig ang Feb 14 ang super extension ng New year at Chinese new year... Kung nagtataka kayo kung bakit, eh sabi nga ni Shalani.... 1, 2, 3..... Putukan na!!!! Chars!
 
Sigurado madami nanamang tao sa Tagaytay at Baguio. Crowded ng mga mall lalo na sa sinehan. Bonga din ang mga tao sa mga park at restaurant at ang nakakagimbal..... Baka maramdaman mo ang pagyanig sa tuwing dadaan ka ng inn, motel, hotel at appartel. Charut lang!
 
Anyway sa kung paano nyo ipagdidiwang ang araw ng mga puso sana ay i-enjoy nyo ng full blast yan dahil last nyo na yan....



























































This year. Next year na ang sunod... Bakit 2 beses ba sine celebrate ang Valentines? Isa lang naman di ba? lolz 


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 28, 2016

aksidente

Check-up Time: 11:05pm

Pasado 11:30 ng gabi ng binabaybay ko ang kahabaan ng abenida ng Ayala dahil sa dulo noon ay sasakay ako ng bus patungo ng Bicutan.

May mga nakakasabay ako maglakad pero mangilan-ngilan at bilang lamang sa daliri ang mga nakakasalubong ko. Dahil maliwanag naman ang ilaw ng kalsada at ganun din ang mga ilaw ng sarado ng tindahan ay hindi nakakatakot maglakad sa daan.

Medyo may kalamigan ng ihip ng hangin dala na rin siguro ito ng hanging amihan. Dahil sa lamig na nararamdaman ko ay hindi ko rin magawang maglakad ng mabilis magpatakbo ng sasakyan.

Hindi ganun kadami ang mga nagdadaan na mga sasakyan sa kalye palibhasa karamihan ng mga tao sa naturang lugar ay nasa kanilang mga tahanan na at nagpapahinga kaya naman ang ibang mga sasakyan ay mabilis kung magpatakbo.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay naka saksi ako ng isang aksidente na lubha kong ikinabigla.

Tumatawid na sa kalye ang mag-i-ina ng biglang sinalubong sila ng bus. Ilang segundo akong natigil sa kinatatayuan ko dahil sa pagkabigla sa nasaksihan ko.

Hindi ko na namalayan na may mga butil na ng luha na pumatak sa mata ko. Marahil ay awa sa naging biktima.

Patakbo kong nilapitan ang mag-i-ina. Nakita ko ang ina na inaakay ang kanyang anak sa tabi ng kalsada. Medyo nanlalambot ako tuhod ko habang papalapit ako sa direksyon nila.

Hindi ko na napigil ang sarili ko na mangatal ang boses nang tanungin ang ina nila.

"Buhay pa po ba ang anak nyo?" tanong ko.

Tinitigan ako ng ina. Ang tanging nasabi nya lang ay......















 
Meow!





Patok na patok ang kwentong barbero na ito sa opisina. Pero sa hindi ko malamang dahilan bakit ang pusa ang naisip nilang imurder. Lolz.

Matagal tagal ng walang nag-a-add sa pahina ko at mas madami pang nag-unfollow. Pero dahil nga walang permanente sa mundo kung di pagbabago ay hindi ko din mapipilit ang tao na manatili at umalis subalit kung may aalis ay meron namang papalit. Sa aking gunita, eh mahigit kumulang isang taon na ng may huling nag-add sa walang ka-kwenta kwenta kong pahina pero, ngunit, subalit nais kong pasalamatan Si Otap ng Since 2011 at si Nyabach0i ng Mga Kwento Ni Nyabach0i sa pag add sa pahina ko.

Medyo nanginginig ang mga fats ko at lumusog lalo ang manboobs ko sa pag-follow nyo. Welcome sa Asylum ko. Naway maaliw kayo sa kung ano man ang mabasa nyo.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, January 22, 2016

dobol pak!

Check-up Time: 12:13am

So ito na nga....

Unang Pak!

After ko makigulo sa fiesta na Sto. Nino sa probinsya ng tatay ko eh hagard na hagard naman ako sa pag-aayos ng thesis ko dahil kailangan namin mag defense agad agad.

Hindi pa nga nawawala ang saya ko nung kasama ko si Bashengay na mamasyal sa Hindang Cave and Wild monkeys eh nakikipagbuno naman ako sa mga estudyante ngayon para lang makuha na ang mga data na kailangan namin para sa data gathering.



Anyway, highway, Broadway, Norway, there's no other way... I did it myyyyyyyyyy way!!!!!!!

Lumusog nanaman ang chubby kong heart sa another nomination na nakuha ko kahit na hindi ito pang Grammy o pang Golden globe awards. Cheriz lang!

Tenchu veyi much Sir Jep ng KORTA BISTANG TIBOBOS at Anonymous Beki ng Mga Chika ni AnonymousBeki sa pag nominate sa akin as berzatale vlogah!!!



Hindi ko sher kung ito ang unang beses ko na makareceive ng award na ito pero kers lang naman.

Dahil dito obligado ako magshare ng pitong bagay na tungkol sa akin kaya ito sisimulan ko na sya...

1) Hindi ko kaya manood ng mga morbid na pelikula. Nanlalambot ako dahil pakiramdam ko at nararamdaman ng chubby but fragile kong katawan mga nararanasan ng mga biktima.

2) Simula ng maranasan ko maglakwatsa mag-isa ay nagtuloy-tuloy na ang pangangati ng talampakan ko. Kaya naman naglalaan talaga ako ng panahon para maglakwatsa.


3) Madaldal ako sa text, chat or any chat apps pero ubod ako ng tahimik sa personal. Totoo yun! Promise maging senador man si Alma Moreno.


4) Makulit akong tunay kaibigan o kakilala na matagal o madalas ko ng nakakasama pero mahirap para sa akin makipagkulitan sa tao na nakasama ko pa lang ng 1, 2 o 3 beses.


5) May 2 pa akong blog ngunit dahil sa sobrang busy ko sa trabaho at sa pag-aaral eh nahihirapan ako na i-update sila. Pero dahil sa malakas ang pakiramdam ko na matatapos ko na ang pag-aaral ko ay babalik din ako sa music room at ang pagiging eksplorador ko.



6) Appreciative ako sa mga tao na nagbibigay ng regalo sa akin. Gaya ng nasabi ko noon bihira ako makakuha ng regalo kaya para sa akin ang paglaanan ka ng panahon para isipan o hanapan ng regalo o bigyan ng kung ano nakakapagbigay ng pakiramdam sa akin na mahalaga ako para sa kanila.




7) Nag-aral ako ng Taekwondo noong elementary ako pero isang taon ko lang ginawa ang kalokohan na yun. Naawa ako sa sarili ko dahil pumapasok ako noon na may blackeye, may bali ang braso o masakit ang buong katawan. Nung hindi ko na matagalan ang mga pangyayaring ito hindi ko na inatim na magtagal pa ng isa pang taon.




Dahil po sa liit ng mundo ko sa pagbablog at ganun din ang karamihan sa mga tao na sumusubaybay ng pahinang ito ay tila yata nilisan na din ang pagsusulat ay nahihirapan ako mag-nominate sa kategoryang ito at kinalulungkot ko dahil hindi ko alam kung kanino ipapasa ang korona este ang award na ito. Gayun pa man para sa akin ay may kanya kanya tayong katangian para matawag na versatile na blogger.


------------------------


Pangalawang Pak!

Hey! 3 taon na din akong gumagawa ng walang kabuhay-buhay at walang kakwenta-kwentang mga kwento na kadalasan eh trip trip ko lang.

Sana ay sipagin pa ako na magsulat at umabot man lang kahit dekada lolz.


( credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, January 15, 2016

4am

Check-up Time: 7:48pm

Hindi ko inaasahan ang pagbabago ng schedule ko sa trabaho dahil sa kailangan daw sa negosyo kaya naman na-move ang schedule ko ng alas-siete ng gabi hanggang alas-cuatro ng umaga.

Unang araw ng pagbabago ng schedule ko medyo hirap ako kasi medyo kakaunti pa lang ang sasakyan na bumabyahe. Idagdag mo pa ang mga lugar kung saan ka sasakay na mapapa-sign of the cross ka dahil sa sobrang nakakatakot dahil ubod ng dilim.






Nakakatakot na baka tabihan ka na lang ng kung sino at tutukan ng kung ano at magdeklara ng hold-up. O kaya naman ay bigla na lang lapitan ka ng isang manyakis at bigla ka na lang rape-in.... wait gusto ko yun! Charot lang! O kaya naman ay may magpakita sayo ng kakaibang nilalang na hindi na nabibilang sa mundo natin.

Scary di ba?

Medyo praning ako sa pangatlong bagay na binangit ko dahil ilang oras bago ako tumayo sa sakayan ng jeep papuntang Bicutan ay nakikipagkwentuhan pa ako ng nakakatakot na karanasan sa mga katrabaho ko.






Inabot ako ng halos 20 minuto sa pagaabang ng masasakyan dahil ang mga dumadaang jeep ay hindi dadaan ng DOST kaya naman ganun din katagal akong praning at kung ano ano ang iniisip.

Sa wakas nakakita din ako ng jeep may sign board na DOST Bicutan Halos mag twerk ako sa tuwa ng makasakay na ako ng jeep.

Dahil sa maaga pa halos 10 minuto lang eh narating na namin ang Bicutan. Hindi ko alam kung hindi lang din bet ni kuya driver na magsakay pa ng pasahero, kung natatae sya at nagmamadali pumarada o talagang tanggap nya ng maluwag sa puso nya na sobra pang aga kaya matumal pa ang pasahero.

Ayos na ayos! Isa na lang ang hinihintay ng tricycle at aalis na ito. Nag-abot muna ako ng bayad bago ako tuluyang umupo sa tricycle at matapos nun ay umarangkada na ang sasakyan namin. Nang mapadaan kami ng PUP-Taguig nagtanong ang driver ng tricycle kung may bababa daw ng PUP. Laking pagtataka ko dahil wala pa namang alas-sinco ng umaga pero nagtatanong na sya kung may bababa sa naturang unibersidad.



Gusto ko sana syang tanungin kung seryoso sya sa tanong nya pero nakita ko ang muka nya na medyo balisa. Medyo hindi ko gusto ang vibes na ito kaya nanahimik na lang ako. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumaba na din ako at naglakad papunta ng bahay amin.

Dahil nasa probinsya na ang tatay ko (taon taon sya umuuwi ng Leyte para sa fiesta ng Sto. Nino na patron din ng kanilang probinsya) kaya ako at ang kapatid ko lang ang nasa bahay. Sobrang vocal ako na merong entity sa bahay namin kaya naman sa mga naganap kanina ay aaminin ko na nilulukuban ako ng kaba at kaunting takot.

Pagpasok ko ng bahay ay nagsindi agad ako ng ilaw at sinalubong ako ng aso namin. Matapos kong ibaba ang bag ko ay hinubad ko na din ang sapatos at medyas na suot ko. Nagtungo ako ng kusina para uminom ng tubig.

Pagsindi ko ng ilaw ay....






























































































wala naman masyado bago sa kusina kaya okay lang. Pumunta ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig ng biglang......
































































Nagulat ako at halos gusto ko sumigaw dahil sa.....











































































































































Natapakan ko ang tae ng aso ko...
Ang saklap! Nakakabadtrip!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, December 31, 2015

Apey nu nyer!

Check-up Time: 4:00 am

Yes isang taon nanaman ang lumipas tulad ng marami sa gutom ko at ngayon ay haharapin naman natin ang panibagong taon...

May mga planner na ba kayo kahit na wala naman kayong plano sa buhay? Charot lang!

Para maiba naman ano nga ba ang mga hindi ko nagustohan at nagustohan ko ngayong taon?

Well! Well! Well! ito ang Pasok sa banga at mga lumuwa sa bangang pangyayari sa akin this year. Uumpisahan ko na ang mga luwa sa banga..


1) Haggard ang June til December kong sched sa totoo lang ito ang major challenge ko dahil sa back to back thesis ko at mga demanding na prof. Idagdag mo pa ang OJT na matakaw din sa oras. Ngunit, subalit, datapwat parang di naman daw ako mukang haggard. May nagtanong pa nga kung ano daw ginagawa ko. Ang sagot ko... "Prayers lang po!" charot lang!

2) Dahil sa busy sched ko ito din ang naging dahilan ng pagbigat ng timbang ko. Haizt! frustration ko pa rin magkaroon ng ganitong katawan...




























Charot lang! hahaha. Pero kers lang yan. At least kahit wala akong pera muka pa rin akong may pambili ng pagkain ahaha.

3) I really hate APEC summit yan ang naging isa sa naging dahilan ng pagdudusa ko pumasok sa trabaho dahil sa nagmistulang malaking parking lot ang mga kalsada. Wala akong makitang bright part dyan.

4) Simula ng linsyak na APEC summit na yan ay nag dere-derecho na ang traffic sa letsugas na Magallanes area sa Makati. Wala tuloy ako choice kundi sumakay ng PNR araw araw at makipag body slam-an sa mga construction worker. Minsan iniisip ko na kailangan ko ng deodorant kesa pabango dahil paglabas ko ng PNR pakiramdam ko amoy kilikili ako.

5) Dahil sa linsyak pa din na APEC summit na yan nawala sa akin ang cellphone ko. Ang pinanghihinayangan ko ay ang mga picture sa memory card ko. 4 na taong memories din yun. Haizt! *bagsak balikat*. Hudyat na din ata ito to start a new life... Sige pa Rix artehan mo pa yan! lolz

6) Nagbago ng scheme ang payday sa amin at ganun din ang pagbibigay ng bonus. Ok ang scheme ng sahod eh kahit papaano naka-adjust ako pero yung scheme ng bonus potek! ang hirap. Isang beses pa lang ako nakakakuha. Pero ayos na rin. Iniisip ko na lang na ok lang na walang bonus kesa naman sa walang sahod.

7) Naiiyak ako sa hirap ng OJT ko bilang 3 ang setting na kailangan namin pasukan. Isa sa guidance office, isa sa HR at isa sa clinical institution. Susko ang hirap magipon ng mga requirements at mga documents na kailangan para ipasa idagdag mo pa ang sobrang demanding na prof.

8) May mga dadating talaga sa buhay ng isang tao at may mga mawawala. Hindi mo man kayang manatili ang lahat pero isa itong paalala na dapat ay lagi kang handa sa mga ganitong pagkakataon.

So ayun na nga. Matapos ng mga luwa sa banga eh dumako naman tayo sa mga pasok na pasok sa banga.

1) Unang beses ko mabigyan ng imbetasyon para sa taonang outing para sa mga pinakamagagaling na ahente sa kanya kanya nilang programa sa kumpanya namin. Nakakatuwa dahil hindi ko inaasahan ito at nakaka-proud dahil masasabi ko na sa wakas nagbunga din ang mga effort ko.


2) Enjoy ako sa first ever 5 days 3 provinces (Dumaguette, Siquijot at Cebu) travel adventure ko nung summer. Gagawin ko ulit ito


3) Naranasan ko din maging regular na student kahit isang sem lang. 2 subject na lang ang tinatapos ko magkakadiploma na ulit ako. Sa wakas!

4) Nakasama ako sa video clip ng krispy kreme nakakatawa dahil halos buong floor namin eh panay ang tanong sa akin tungkol sa clip na yun. Sana man lang binigyan ako ng Krispy Kreme ng isang taong supply ng donut. Charoz!



5) Sakauna unahang pagkakataon eh naranasan ko na bigyan ng award sa opisina. Kahit ang saya na makatanggap ka ng plaque of appreciation pero mas kailangan ko talaga ng cash. Choz lang!


6) Naulit ang out of town namin ng family ko. After ng birthday ko ay nagpunta kami ng Baguio. Kung nung una ako lang mag-isa ang pumunta ng dun at nung pangalawa ay mga katrabaho ngayon ay pamilya ko naman ang kasama ko. Sa sunod kaya lovelife ko na ang kasama? hmmm


7) Naranasan ko na kalabanin ang takot ko sa matataas na lugar nung nagpunta kami ng Siquijor. Unang beses ko gawin ang mag cliff dive at kahit natatakot ako ay nagawa ko na ma conquer ang fear ko sa hieghts

Inuulit ko ulit pasensya sa salbabida sa loob ko sya sinuot hahahaha

8) Kahit paano ay natutuwa ako sa takbo ng karera ko dahil sa kahit na may trabaho ako ay nagagawa kong hindi bumagsak sa mga subject ko sa pag-aaral ko. Bagay na lagi ko naman pinagdadasal

9) Nakasama namin si Diko ng ilang buwan at dahil sa bahay sya naglagi nung mga panahon na wala sya sa UAE kasama namin ang pamangkin ko at asawa nya. Nakakatuwa dahil marunong na sya maglakad at madaldal na. Kailangan ko pilitin maka punta ng Iloilo next year para makabonding ang pamangkin ko.


10) Masaya ang puso ko. Period!



Kahit paano marami pa ding masayang bagay na nangyari sa akin ngayon taon kesa sa hindi maganda na dapat ko pa rin ipagpasalamat. Kung datirati madalas ko sabihin na bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod na taon, ngayon ay excited ako sa mga darating, adventure, blessing at mga supresa sa darating na taon. Sana puno ng swerte ang susunod na taon para sa atin.



Maaga na akong babati sa inyo ng.......



















Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, December 21, 2015

Faster, Faster!!!!

Check-up Time: 10:00am

Hello!!!

It's me. Its so typical of me to talk about myself I'm sorry.

Welcome back kay Ate Adele. Lahat na ata ng nagmemessage sa akin ng hello ay kinakantahan ko ng latest nyang song.

I soooooooooooooo misss my page. Kumusta naman kayo mga blogero at blogera? Pasensya tagal na tenga pero let me make a short run kung ano at bakit tahimik ng pahina ko.


APEC Summit

- Hate na hate ko ang event na ito dahil sa ilang oras lang ang naitutulog ko dahil sa sobrang traffic. Dahil din dito ay nawala ko ang cellphone ko na binili ko kay Kalansay Collector

OJT

- Akala ko eh kaya ko lang laru-laruin ito pero hindi. Hindi ako nagwagi sa balak ko. Ako pa nga ang lumabas na luhaan dahil sa mas maunti pa ang tulog na nakukuha ko. Kinabahan tuloy ako sa research na nabasa ko na people who always have less than 6 hours of sleep dies younger. Susko paano na lang ako?


Outreach

- Yes, I did it! akala ko hindi ko na magagawa na bigyan ng oras ito pero dahil sa kagustuhan na din ni Lord na makapagbigay ako ng kaligayahan sa institution kung saan ako madalas na volunteer eh nagkaroon naman ito ng katuparan. Sa pangalawang pagkakataon sa tulong ng mga katrabaho ko kay naging successful naman ang inorganize namin na outreach.


Social Climbing Activity

- I'm so happy dahil nakuha ko na ang ticket ko para sa play ng Les Miserables. Kailangan ko ng maghanda para sa social climbing activity na ito.



Simbang Gabi

- Nalulungkot ako dahil may 3 absent na ako sa simbang gabi gawa ng bad weather. Pero ayos lang yun naniniwala ako na kapag hindi mo nagawa na perpekto ang isang bagay may opportunity ka pa rin na bumawi. Dahil dyan next year kailangan pilitin ko na matapos ang Simbang Gabi.

Prepared

- Prepared na ako sa pasko. Kayo ba?


Isang walang kwenta ang post na ito pero sa susunod kong post I will try my best to make it as juicy as before.

Magiging maaga ang pagbati ko sa inyo ng....


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, November 1, 2015

mabilisan

Check-up Time: 9:14pm

Sa mga taong nag-i-isip ng Haloween costume susko sabihin mo ang tanging costume na maisusuot mo ay "COMMITMENT" tutal madami ang taong takot sa commitment.

Sa mga taong naging single na, puntahan mo ang Ex mo, sabihin mo sabay nyo dalawin ang NAMATAY NYONG PAG-IBIG.

Walang kakwenta kwenta ang post ko ngayong haloween dahil sa sinasabaw ako lolz Hanggang ngayon naka-bakasyon mode pa din ako at hindi pa ako maka-move on sa weather ng Baguio kaya sinisipon at in-o-ubo pa din ako pero hindi kami napigilan ng weather, nakapaglamyerda pa din kami ni Bunso at Paping sa Baguio.

P.S.

In-update ko talaga ang post na ito dahil sa status ko sa efbi hahaha.




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!