Check-up Time: 12:05am
Halooooooo... loooowww... lowwwww.... loowwww... looooowwww... loooooowww
Apple Bottom jeans, Boots with the fur ♪♫♪♫ (with the fur)... kumanta ba? lolzzz Kamusta na ho?
Malapit na ang araw na kinatatakutan ko pero ganun pa man kay ikinatutuwa ko din. Magulo ba? ehhhhhhh wag nyo na ako kontrahin, basta hihihihi.
Sem break na kaya naman medyo maluwag-luwag ang sched ko pero wait but wait mukang hindi ko masyado mararamdaman ito dahil sa magiging busy pa rin ako sa bago kong pinagkakaabalahan... O ang gulo ulit noh? di pa kayo nasanay sa akin.... hihihihi ulit.
Ang dami ko ng pagod siguro 3,756 sya lahat lahat... chars lang. Bukod sa nakikicoordinate ako sa mga kaibigan ko para humungi ng mga pre-loved stuff para sa bazaar ng PBO sa mga susunod na weekends ng October eh busy din ako sa pakikipag coordinate sa kasal ni Diko.
Buti naman at natapos ko ng ayusin ang program ng reception nila at ako na din ang mag-emcee. Ito ang pangatlong beses ko na maging emcee sa isang okasyon. Nakakakaba pero sabi nga nila bahala na Batman (mukang magagalit na sa akin si Bruce sasabihin nanaman nya sa akin na sya nanaman ang ipangsasangkalan ko sa mga ganyan).
May na-score na din ako ng barong na isusuot ko sa araw ng kasal nya ang problema ko na lang ay ang gagamitin kong panloob. Gusto ko kasi eh unique ang kamiseta de chino ko bilang best man ang utol ko. Gusto ko isunod sa motif nila... "melon pink" lakas maka-bektas noh? eh wala naman kami magawa yan ang gusto ng mapapangasawa ni Diko. Ewan ko ba pwede naman kasi na simpleng kulay na lang.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung paano pumunta sa Christmas Village sa Sampaguita Garden sa Aklan. Gusto ko kasi muna magdrop by doon ng makita ko ang Christmas museum bago kami dumerecho ng Boracay after ng kasal ni Diko, Magta-travel na lang din ako lubos lubusin ko na ang mga pwede puntahan o makita sa mga lugar na madadaanan ko.
.JPG)

Nagdadalawang isip pa rin ako (amf! lagi ko na lang sinasabi na hindi nga applicable sa akin ang dalawang isip dahil wala nga ako nun pero lagi ko pa rin sinasabi... haist!) kung ibo-book ko nga ang isang room sa isang villa na nakita ko para tuluyan namin ni Paping at Bunso sa Bora. Kasi naman sa 3rd day na stay doon eh ako na lang mag-isa. Kasi maagang uuwi si Paping at Bunso dahil sa may mga aasikasuhin sila ako naman eh bakasyon grande mode. Ayaw ko talaga mag-isa kasi baka may magpakita eh hindi ko pa naman alam kung talagang meron akong gift baka mamaya ikamatay ko pa kung may makita ako. Pero iniisip ko naman na ito na ang chance ko to enjoy the night in Bora na mag-isa lang ako. Haist! Bruce bahala ka na ulit ha...

Hayzt, sana ganito pa ako kapayat sa pagpunta ko ng Bora... Ito ang panahon na wala pa akong makain kundi mga dumi sa kuko ko. Yung tipong amoy lang ng food tapos inom ng tubig ang peg, ganyan. Sana maibalik ko ang katawan kong ganyan tapos hardcore na workout na lang sa biceps, chest at abdominal para masaya.
O sya nag-update lang naman ako ng mga ganap ko, next update ko baka repost po kasi busy busyhan ako sa ibang mga ganap... magre-repost po ako ng about sa holloween basta mga kwentong takutan na may halong kabaliwan po tayo sa mga susunod na post ha....
Bago ko tapusin ang entry na ito, kami po, na volunteer ng PBO ay tumatanggap pa din po ng mga pre-loved items na pwede nyo idonate para sa PBO bazaar na gagawin sa October 19, 20, 26 at 27 sa ganap na ika-7 ng umaga hanggang ika-7 ng gabi sa Quezon City Memorial Circle. Para po sa ibang mga detalye pwede po kayong makipag ugnayan sa mga member ng PBO (tulad ko) or i-click lamang po ang icon ng PBO sa itaas na parte ng pahinang ito para po dalhin kayo sa PBO page sa facebook. O kaya naman po ay maari po kayo na pumunta sa mismong bazaar upang suportahan ito. Ang lahat po ng malilikom na pondo sa event na ito ay gagamitin para sa susunod na outreach na gagawin ng mga katoto natin sa PBO.

Maisingit ko na lang din po na para sa mga nagpareserve ng kopya ng unang libro ni Glen ng
Wickedmouth at ng Ilustrator po ng Libro na si Titser Mots ng
Teacher's Pwet na may title na Wickedmouth, Unang putok, nasabi po ni Glen na pwede nyo po i-claim/i-pick up ang kopya ng libro during the bazaar. So ayan maraming mga bagay na nakalaan para sa atin ang hatid ng event na ito kaya po sana maka-dropby po tayo...
Sa lahat ng magaabot ng kani-kanilang tulong, ngayon pa lang po ay nagpapasalamat na po ang inyong lingkod...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!