Saturday, April 7, 2012

Aliw sa Liliw!

4:02 pm (sok)

Was upset dahil sa di makakasama ang taong nag request na mag-set ng lakad for summer specially this holy week.

Naikasa ko na ang leave ko nung February pa, gusto ko man i-cancel ang leave ko, pero wag na pagkakataon ko na rin para makapag out of town.

Ilan na ba ang nasa listahan ko noon hmmmmmm..

1)      Wawa Dam ng Montalban, Rizal
2)      Noah’s Park nga Montalban, Rizal
3)      Puerto Galera sa Mindoro

It so happen na yung mga kaibgan ng mga ka-team ko ay nagkaroon ng team building sa Liliw Resort sa Liliw, Laguna.

We check the place and I find it so interesting. Isinama ko sa listahan ko ang lugar na ito dahil di lang sya mukang relaxing, at out of town trip, nature tripping pa… Astig!

So eto na, a week before the holy week ay nasabi ko na sa ibang mga kaibigan ko… Si Erin lang ang nag confirm sa akin. Dahil sa may problema sya sa trip nya sa vorakey, join the club sya sa akin.

Night before kami magkita, sinabi nya na sasama si Toshi sa amin. 2 beses ko na nakasama si Toshi, nung birthday ni Erin at nung gumimik kami sa Anonas sa BK101. Walang kaso kay Toshi, sya ang tipong go with the flowing water kaya walang problema. At dahil ugali na naming ni Erin ang gawing looban, siguradong magiging masaya ito.

Friday, April 6, 2012, 6:00 ng umaga nasa Starbucks na ako sa Araneta Center dahil doon ang meeting place. Iba na ang pakiramdam ko… Di ko magawang maramdaman ang chakra ni Erin. Minis call ko sya… “The telephone number you dial is out of coverage area”, hala sya!!!!!… Matapobre na sya, din a ma-reach… kinakabahan ako, pakiramdam ko mag-tyu-tyunami walk si Ms. India at mukang mauuwi ako sa bahay at magiging isang epic failure ang leave ko. Deym!

Alas-syete ng umaga, pumuputok na yung ugat ko sa pagtayo wala pa ring Erin na nakikita ako. Sinubukan kong tumawag, answered prayer, nag-ring ang telepono nya. Ilang minuto nag-text si walang hiya ng - jwu. Waaaaaaaaaaaaaaaah! Kagigising lang ni kolokoy.

Nag-text ako – double time po, ang sagot sa akin – okay go! Sinamantala ko ang pagkakataon, wala pa akong sabon at shampoo (di ko rin naman nagamit, yung dala ni Erin at ni Toshi pang 3 days na stock). Wala akong magawa kaya pumunta ako sa KFC sa Tyiapwis para kumain ng konti.

Dumating na ang Erin at Toshi, sa wakas tuloy na ang Liliw.

Sa likod ng Shopwise ay may sakayan ng bus papuntang San Pablo, matapos bumili ng kaunting mga bagay bagay ay umakyat na kami sa bus at naghintay na umalis ang bus.

Habang nasa bus, kwentuhan konting picture taking at nung medyo naumay na kami sa ginagawa namin ay naidlip ang dalawa. Gustohin ko man na gawin yun eh talagang di ko magawa kasi fun talaga ako na tignan ang paligid na nadadaanan ng bus namin.



Ako, si Erin at si Toshi

Pagbaba ng SM San Pablo, pumunta muna kami ng Seven Eleven para bumili ng pagkain. Nagulat kami dahil binigay sa amin ang pinamili namin sa loob ng isang paper bag. Patay! hirap sa pagbibit nito at nagpapawis pa ang bote ng binili naming miniral water… ang ending kawasaki ang mga paper bag at hagardan festival ang pagdala sa mga gamit na binili namin.



Pumara kami ng tricycle para dalhin kami sa sakayan ng jeep papuntang Liliw, medyo mahaba pa pala ang byahe nung nasa jeep na kami. Nung narating na namin ang sakayan ng tricycle papuntang gate 2 ng Liliw Resort eh excited na kami dahil tanaw na naming ag bundok ng Banahaw. Ang ganda tignan ng bundok… Payapa sana ang mga pakiramdam naming ganun din… Chumacera!






Sa wakas narating na naming ang lugar, matapos magbayad ng tutuluyan naming at ng entrance ay sinamahan na kami ng katiwala sa “house of the rising sun”ang tutuluyan namin. Shushal!






Matapos mailagay ang mga gamit namin at kaunting survey at picture taker, para may remember nagpasya kami mag hanap ng makakain.

Patay! Wala kami makitang eatery, kaya ang napagkasunduan… mabuhay sa delata! total sanay naman kaming taga-looban sa ganyan nyahahahaha.

2 hokaido, 1 century tuna na hot and spicy, isang yelo ang nabili namin. Deym! walang kanin… Gamit ang aming natatagong charm, abilidad sa pagsasalita at convincing power napakiusapan namin ang tindahan na binilhan naming ng delata na kung meron silang kanin eh bibilhin na lang namin. Na-touch kami kay mother dahil sa iniisip nya na baka di daw magkasya ang kakainin namin nagbalot sya ng niluto nyang pansit at binigay sa amin.. see? Yan ang charm. Echoz!

Nang matapos namin ang tanghalian, inisip namin na oras na para magtampisaw sa malamig na batis.











Malamig ang tubig galing sa bundok ng Banahaw, malinaw naman at nakakatuwang pakinggan ang lagaslas nya papunta sa mababang parte ng batis. May apat na baitang ang munting talon ng Liliw Resort at ang napwestuan naming ay ang ikalawang baitang. Napansin namin na may mga dumi gaya ng balat ng candy, chichirya, sigarilyo, plastic na lumulutang sa batis, dahil sa gusto naming magkakaibigan ang lugar at gusto namin na malinis ang batis, nagkusa na kami na kuhanin ang mga basura at ilagay sa lugar kung saan malilinis ng katiwala ang dumi.

Medyo madulas ang mga bato gawa ng lumot nito, naging biktima ako dahil sa nadulas ako at tumama ang kanang bewang ko sa bato at nahiwa sa matalas na bato ang balat ng kanang hinliliit ng paa ko. Ok lang ehehehe, kasama yan sa mga ineexpect ko...



Meryenda time, nagulat kami at may nag titinda ng balot at penoy sa loob, may tindahan din na nag bebenta ng tubig, mga chichirya at pasalubong, oha! Matapos mag meryenda…. Ligo ulit.

Penoy
Nang nagpasya na kami umahon ang naisip namin ay ang kakainin sa hapunan, isang challenge nanaman ito sa amin, may nabili na kaming cup noodles pero ang malaking sulirananin ay…… Mainit na tubig!

May tindahan na malapit sa amin, nagtanong kami kung saan pwede humingi ng mainit na tubig. Sa taas daw, sa entrance hanapin naming ang nag bebenta ng bibingka. Bago pa yun ay sinabihan kami na tanungin ang mga ginoo na gumagawa ng vampire (tawag ni Erin sa bonfire) sa harap namin dahil anak daw ng natitinda sa malapit sa tinutuluyan namin ang isa sa kanila. Naisip namin na mas mukang may pag-asa kami sa tubig na mainit pag umahon kami sa bibingkahan. Pagakyat namin wala na ang nag bebenta ng bibingka.. SHATTERED DREAMS! Di kami nawalan ng pag-asa may nakita kaming tindahan, ako ang nakipag-usap sa tindera gamit din ang talent sa pakikipagusap at konting charm (konti lang ha) eh nakabili kami ng mainit na tubig para sa cup noodles namin.

Hokaido ulit, cup noodles, itlog na maalat para sa hapunan.. solve nanaman kami. Dahil sa may dala din kaming the bar ay shumat kami na konti, dahil sa di namin gusto ang amoy ng lemon and lime ay napagpasyahan naming na ibigay na lang sa mga ginoo sa tapat ng tinutuluyan namin.

Di namin inaasahan na lumapit ang isa sa kanila para humingi ng tubig. Pinatuloy namin sya at sinabi namin na kunin nila yung the bar at sila na ang umubos dahil di namin gusto ang lasa. Ang ending pati kami nakitagay.

Nagkaroon kami ng instant na kakilala na taga Liliw si Oliver, Pen pen, Ivan at si Leo. Sinabihan nila kami na susunod na pumunta kami doon may kilala na kami.

Sila Pen pen at ang tita ni Oliver ay may tindahan/pagawaan ng esfadreyl nagsabi kami na gusto naming bumili. Sabi nila itext naming sila bukas para naman masamahan kami, pero di na namin inabala dahil alam namin na medyo late na rin kami natapos sa pag-shot.

Kinaumagahan pagtapos naming magkape, napagpasyahan naming na magtampisaw kami ulit bago magprepare na pumunta ng bayan.

Bago umalis konting picture at bili ng pasalubong…

Unang ginawa naming nung kami ay nakarating ng bayan ay ang pumunta sa simbahan na tila isang cathedral (cathedral nga ata),

matapos manalangin at magtirik ng kandila, ay nag picture picture ulit kami para may remember.

Naghanap kami ng spadril pero nakaramdam kami ng gutom, nauwi kami sa isang kainan ang Mang Pabling’s. Napag pasyahan naming an omorder ng half chicken, isang order ng pansit canton at halo halo.

Ang sarap ng manok nila, nag-complement ang gravy sa manok kaya malasa ang manok. Ganun din ang pansit canton nila, malasa din at malambot ang mga karne. Tama sa luto ang gulay at di pucho pucho ang order. Akala naming good for 3 sya pero good for 4 ito. Maraming klase ng pansit ang nasa menu nila (di ko na kuhaan ng picture) pero wala pang isang daan ay may pansit ka na na good for 4. Malaki din ang servings ng halo halo nila. Sobrang nakakabusog ang pagkain sa kanila. Isa sa mga dapat ilagay sa mga “to do list” ito pagpupunta kayo ng Liliw, ang bisitahin ito at kumain dito.


sa loob ng Mang Pabling's









At ang adventure naming sa spadril ay ipinagpatuloy naming, ang ending kami lang ni Erin ang may spadril dahil walang kasya kay Toshi. Natuwa ako dahil sa halagang 530 ay may nabili akong 2 spadril. Kung sa Manila ito isang spadril lang ito.

ito yung una kong nabili yung isa di ko nakuhaan ng pic  c",)
3:40 ng hapon, April 7, 2012 ako nakarating sa bahay naming agad kong sinimulan ng binasaba mo dahil excited much lang mag kwento.

Liliw mukang babalik kami dyan.

Wait lang…..




- It's my opinion... so? -