Musta na? may travel plans na ba kayo this year of the wooden horse?
Sa totoo lang gusto kiz na gilitan ang leeg yung nasa malapit sa station ko dahil sa inis ko sa pagpplano ng mga bakasyon ko sa buong taon.
Gusto ko kasi ipush ang original kong plano na makapag-out of the country at ang ilan pang mga balak ko na bakasyon sa sarili nating bansa na perlas ng singalang pero mukang mababago nanaman ang plans kiz dahil sa isang bonggang blessing na binigay ni God almighty sa family namin.
Last week ng January namin na laman na a 7 weeks ng preggy ang sisteraka in law ko. At dahil first time ko maging Uncle ay sobrang naexcite ako to the nth levels of leverage. Binilang ko na kung ilan pang weeks ang hihintayin namin para makita ang kauna-unahan kong pamangkin at pumatak yun sa buwan na balak ko sanang mag out of the country.
Dahil dito ay kailangan ko mag-adjust dahil ako naman ang may gusto na makita ang unang kiddie meal sa family namin. Dahil dyan ang aking plan na travel this year ay...
Sa April ay aakyat muli ako sa samah capital citey in the nowth.... Begyow Citeyyyyyy!!! Ngayon pa lang ay kasado na ang aking flans sa province na yun kasama ang 4 na first timer mukang ako at ang isa kong kawork ang magiging tour guide nila lolz.
Sa May naman ay maisasakatuparan ko na ang aking 2 taon ng naudlot na plano na pumunta sa isa sa mga surfing capital in the nowth agwen! Baler, Awrowrah!!!!! Same group of people pero may mga sasabit sa trip namin.
Sa October naman bago ako bisitahin ang sa Jaro, Iloilo ang aking pamangkin kami muna ay mag pa-party party with nature sa Baras Bearch, Guimaras, Iloilo City (wish ko lang masakatuparan ito... Lord please!!!)
If ever man na may matira sa budget ko saka na lang ako makikipagbrasuhan sa isa sa bestfriend ko na magout of the country. Nagtatanong-tanong ako kung saan sa Cambodia, Hong Kong or Thailand su-swak ang kakarampot kong budget lolz.
Well sana nga eh mapush ko ang mga lakad na ito at babalitaan ko kayo kung maaachive ko ang mga ito.
Sa mga rampador at rampadora sana makasama ko din kayo sa isa sa mga rampa nyahaha.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!