Check-up Time: 2:48am
Kailangan ko po ng advice. Napapansin ko po kasi na yung partner ko , laging may kausap sa phone at sa tuwing lalapit ako binababa nya kaagad. At na papansin ko rin na lagi nya syang gabi umuuwi at sa tuwing tatanungin ko sya lagi nyang reason na nag oovertime sya sa work nya pero chineck ko yung payslip nya wala naman syang overtime fee at nagtataka ako na thrice a month daw silang nagkakaroon ng team building kaya nag punta na ako sa boss nya at nagtanong kung ganun nga yung ginagawa nya pero sabi ng boss nya 1 beses pa lang nag ti-team building. Sabi ng mga co-officemates ng partner ko minsan absent pa daw sya. The next day aalis nanaman sya para umattend sa meeting kaya sinundan ko sya at di kalayuan sa lugar namin nakita kong may nagaantay sa kanya. pinatay ko yung makina ng motor ko pra hndi marinig , at nung aalis na silang dalawa , susundan ko dapat pero pag kambyo ko, biglang namatay ehhhhhhhhh....
Saan po kaya ang problema nun? Sparkplug po kaya o sa main engine?
Yung totoo muntik nang hanapin ng taong nagtanong nyan sa akin ang ulo nya sa payatas nung sapukin ko sya,
Natuwa akerz dahil hindi lang pala akerz nag iisa. May Baliwag, Bulacan pa pala na tulad ko how-Eva Fonda, slightly scared akerz kasi mukang mas malala ang pagka baliwag nila sa akin (pero parang same lang din naman ng level, ganern!)
Nasabi ko na lang sa kanya ay sira ang ulo nya. Bakit agad sya kumambyo eh hindi nya pa nasususian ang motor nya. Saka bakit sya kumakambyo eh babae sya (lalaki lang ang makakaintindi nito. Pero teh, kung girlalet ka at alam mo iterz... Wagi ka!) Pero pinalakpalan ko sya ng 3 beses para sa effort nyang magisip ng eksena para magtanong sa akin.
Bweno! nawa'y may napulot kayo sa walang kakwenta kwentang isinanguni sa akin ng damuhong kaibigan ko.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!