Nawalan ako ng gana kumuha ng pagsusulit para magkaroon ng lisensya sa bago kong kurso. Marami sa amin ang hindi natuwa sa desisyon ng college namin na limitahan ang mga kukuha ng pagsusulit para lang lumabas na mataas ang passing rate ng unibersidad namin. Isang makasariling desisyon.
Dahil dito parang gusto ko na lamang dalhin ang TOR ko sa PRC at ipa-evaluate sa kanila ito para makapagrekomenda ang mga asignaturang dapat kong kunin para makakuha ng sertipikasyon sa pagtuturo at makakuha ng pagsusulit upang maging lisensyadong guro.
Parang gusto kong gawing part time ang pagtuturo. Bagamat ito ay isa pa lamang balak, malay mo ay magkaroon ng katuparan. At kung magkakaganun man, laban para sa pangarap.
Hindi ko alam kung saang sulok ng taba ko kukunin ang gana para magpatuloy pa sa trabaho ko. Itong mga nakaraang buwan kahit na namamayagpag ang stat ko sa team namin eh biglang nawalan ako ng gana dahil sa politika sa trabaho. Lalo pa nung nalaman ko na dalawa at kalahating taon na pala akong kuwalipikado para makakuha ng mga dagdag na bonus pero hindi inaaprobahan dahil sa malalang politika.
Talagang napakadumi ng politika, buset! Samahan pa ng mga utak talangka mong mga katrabaho na purke ikaw ang nasa taas ay hahatakin ka pababa eh talaga nga namang nakakawalang gana magtrabaho.
Mukang ito na ang senyales na hinihingi ko... Kailangan ko na lang hintayin ang ikapitong taon ko sa trabaho, pagtapos nito ay magbibigay na ako ng resignation ko. Pero hanggang di pa dumarating ang ataw na ito laban lang...
Naghahanap ako ng kanta na mapaghuhugutan ko ng inspirasyon ko para lang gumaan ang pakiramdam ko ng bigla kong mapanood ang kwento ang isang kalahok ng America's got talent na si Calysta Bevier na isang survivor ng stage 2 ovarian cancer sa edad na 16 na taong gulang. Dahil sa laban nya sa buhay ay nasabi ko na maswerte pa din ako dahil sa ang mga nauna kong sinalitype lang ang mga pinagdadaanan ko sa ngayon kumpara sa kanya. Kaya naman isinama ko na sa playlist ko ang kantang "Fight Song" na ang audition piece nya para sa natitang patimpalak.
Ito ang story ni Caly (Hindi na ako naglagay ng BGM para naman marinig ang magandang tinig ni ate)
At dahil di gumagana ang Spinnr sa bago kong telepono napilitan na akong mag dowload ng Spotify at mag-subscribe sa sebisyo na ito at simula pa kahapon ay daang beses ko ng pinakikinggan ang kantang ito. Sana ay magenjoy kayo at ma-inspire din.
Life is like a rock.... Its hard!
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!