"Ang mga hayop parang may built in na GPS sa katawan, kapag niligaw mo sila sa malapit sa bahay nyo makakauwi pa rin sila... Buti pa sila, ang ibang mga mister hindi nila alam kung paano sila uuwi"
Yan ang opening ni Father sa mass nya sa office nung ash Wednesday. Sa true lang daming nawindang dyan at nag-react. Kaya sabi na lang ni father mukang hindi maganda ang simula ng sermon nya.
Habang nagsesermon sya eh naisip akey na may point si pudra, now-a-days eh kaswal na ang ganyan.... Hmm wag mag react ng violent dyan... Affected? Charot lang.
Kung di ka naman magrereact di perfect! Dahil mas loyal ka pa sa mga nakatanggap ng loyalty award sa school. Chos lang.
Iba ang impact sa pores ang muka ko yung sinabi ni pudra sa mass nya. Hindi lang naging eye opener pati na din can opener (charot lang) yung message nya. No matter what happen we should know how to get home.... ganern!
very poetic lang daw yung hanash na "Remember that you are dust, and to dust you shall return" kasi mas maganda daw na pakinggan ang God created us from dust and we will return to God. Davah? Artihan sa english ito.
Hindi purke nakangiti ang isang indibidwal ay wala na syang pinagdadaanan. Baka hindi mo lang alam kung gaano kabigat ang kanyang pasanin. Hindi mo alam? Wala kang alam? Ganyan ka eh! lagi ka na lang ganyan.... Charos lang! Sadya lang sigurong marunong syang magdala kaya maging sensitibo ka.... At ano ang connection nun dito? Wala sinabi ko lang.
May mga bagay talaga na kahit anong pilit natin na gayahin eh hindi natin kayang gawin at panindigan. Kaya naman mas maigi na lang na makuntento tayo sa kung ano ang meron tayo at i-enhance na lang ang mga magagandang features natin. Aba, iba pa rin kung may sarili kang identity noh hindi yung nakilala ka lang dahil sa mga kasama mo na pilit mong ginagawa...O saan galing yang hugot ko? Sa bituka ko haha.
Hindi mo na kailangan na ipangalandakan kung ano man ang narating mo. Sapat na ang masasabi mong handa ka sa kung ano man ang haharapin mo kesa naman sa ipinagmalaki mo na sa lahat kung ano ang narating mo at pagkatapos nganga ka naman kapag may pinagawa o ipinagkatiwala sayo. Minsan tuloy maiisip mo na buti pa ang bagyo may low pressure... Ikaw laging presure na pressure..
O nalito ka nanaman kasi hindi mo nanaman masundan kung ano ang sinasabi ko? Hay naku hindi pa kayo nasanay sa kin. Kayo talaga ahaha.
Medyo masama ang loob kasi dumadalang na talaga ang pagkeme ko dito sa blog ko pero ang nasabi ko na lang sa sarili ko atleast bumabalik ako pata magsulat pa din.
Ilang kembot na lang Semana Santa na, kung may Semana Santa may Semana Santo din ba? Charot lang...
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!