Monday, August 28, 2017

TV series

Check-up Time: 9:39am

Ang Buhay ng tao parang tv series...

Maaksyon sa pakikibaka sa buhay. At dahil sa ikaw ang bida sa sarili mong series, kahit na gumapang ka sa putik. Tumalon sa mga matataas na bakod, tumakbo ng malayo, magpasirko sikro eh gandang ganda/ gwapong gwapo ka pa din sa sarili mo.

Madramang tunay. Daming obstacles sobra. Yung tipong di ka pa nga tapos sa ibang pasanin sa buhay may kasunod na agad. Tapos nasa queue pa yung ibang problema hinihintay ang turn nila. Mga traidor.

May romansa. Hoyyyyyyyyyyyy Alam ko yang iniisip mo.... Not that romansa... Yung love life ganyan. Yung tipong kahit super haggard ka na, super bugbog sarado na, yung kahit gutay-gutay na ang pagkatao mo, dahil may lovelife ka nagbabago ang mood ng eksena at paligid mo kasi nga hindi mo nakalimutan lumandi in spite of all the haggard.

Suspense at horror. lalo na kapag ang katabi mo lagi sa work eh pang horror araw araw parang araw ng patay. May gerd its skeri!

Makomedya din. Alam mo naman ang mga Pilipino dahil sa likas tayong masayahin kahit na anong dagok ng buhay sa atin kahit masakit na ang bumbunan mo sa dagok eh nakukuha mo pa rin magsaya lalo na kung may kasama kang mga baliw at may sayad...


Hay ito na ang epekto ng panonood at paghahabol ko ng episode ng series na sinusubaybayan ko. Minsan sa sobrang stress ko may na sisiko na lang ako ng di sinasadya... Charot lang!

O sya manonood muna ako ang isa pang episode bago matulog at mat shift pa ako mamaya...


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, August 7, 2017

Note to myself

Check-up Time: 8:24

Note to myself:


Don't expect everyone will like you because you can't expect that you will like everyone too...


No automatic alt text available.



Love! love! love! (inset Kris Aquino lolz)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!