Parang TV series lang ang title ng post no?
Kasi naman this past few weeks eh panay ang dagok, batok, sampal, suntok, tadyak at kung ano anong pananakit sa akin ng life.
Hay, hindi ko na mabilang kung ilang gabi ng nakikita ko ang sarili ko na wala sa sarili habang nakatingin sa labas ng shuttle namin at hindi ko maintindihan kung ano ang nagaganap. Bakit? Eh kasi wala nga ako sa sarili ko di ba sinabi ko na? Ikaw talaga.
Ilang beses na din akong nagkakamali mali sa ginagawa ko sa trabaho at inuulit ito dahil pinagsasabay ko pagmuni munihan ang nagaganap sa buhay ko habang ginagawa ang trabaho ko. Alam mo ba kung ano ang epekto ng pagsabayin mo ang pag-i-isip ng dalawang bagay? Eh di nagkakamali mali ka, Sinabi ko na yun di ba? Ikaw talaga.
Ilang araw na din ba akong di makatulog ng maayos dahil sa kakaisip ng mga bagay kung bakit ba nangyayari sa akin ito. Oo nag o-overthink ako dahil parang hindi ko maubos maisip kung bakit ako lang ang sumasalo ng mga unfortunate events na ito. At alam nyo ba kung ano ang epekto ng kaka-overthink ko? Syempre di ako makatulog ng maayos. Nasabi ko kaya sya kanina di ba? Ikaw talaga.
Ilang araw ko na din iniisip na may matinding dahilan kung bakit sunod sunod ang mga hindi magandang event sa buhay ko. Iniisp ko na may magandang darating. Pero lumipas ang mga araw pero parang dadagdagan lang sila. Iba ito. Ang tindi. Walang pahinga. Sa tingin nyo ba may magandang mangyayari talaga sa akin dahil sa mga sunod sunod na di magandang event? O wala na akong sinabi... Kayo nga ang tinatanong ko. Charot!
Well muka naman talagang tama ako sa iniisip ko. Kahit nga sabihin ko na di ko na kailangan ng sex life dahil life is fucking me everyday eh may maganda naman nadulot ito. Hoy! Hindi yung sex life. Yun unfortunate events ng buhay ko. Ikaw talaga.
Kahit hesitant ako na mag-apply ng promotion dahil sa hindi pa ako qualify dahil wala pa akong isang taon. Eh tintry ko pa din dahil sa I have a great knowledge sa post na inaapplyan ko. Alam mo ba kung anong post yun? Nakatayo lang. Chos!
So ayun na ang naganap. After mag-fill up ng application at mag submit ng required docs eh nag-strike a pose talaga ako para sa post na yun. After series of interviews, selections and all those stuff eh nag-shine ako at ako na napili para kumatawan sa Pilipinas sa gaganapin na..... Wait mali pala yung nakwento ko. Chereng! What I mean is ako ang napili ng operation to fill the post na vacant.
Effective October 25th eh mag-sisimula na akong harapin ang bago kong trabaho at bago kong boss. Challenging pero ganun siguro talaga. Kaya mabigat ang mga unfortunate event sa akin dahil mabigat din ang timbang ko. Charot ulit.
Kaya naging parang tv Series yung title ng entry ko kasalanan ni Kalansay Collector ito na TV series ang drama sa buhay ahaha.
Iyan na siguro ang season ender ng unfortunate events ko, Baka iba na ang maging flow ng series ng life ko after ng 25th ng buwan na ito. Sana ay maging exciting nga ito bilang early birthday gift na sa akin ang promotion ko.
Wala na ako pasakalye para tapusin ang post na ito. Di ba sinabi ko na na tapos na ang series. Ikaw talaga. Chos!
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!