Daig ng tamad ang masipag! Naniniwala ka ba beshie?
Kung naniniwala ka dito itaas kanang paa kumanta ng bahay kubo sa saliw ng leron leron sinta. Charot!Ang ibig ko sabihin kung naniniwala ka dito ay malamang sa alamang eh isa ka sa mga tao na nagagawa ng maayos at very efficient ang trabaho mo pero nadadagdagan at laging pinatutulong sa mga kasama mo sa work na tamad at hindi seryoso sa trabaho.
Naiisip mo ba ang reason mo kung bakit ka nag ra-rant? Naiisip mo ba kung bakit ka nanggagalaiti sa galit? Naiisip mo ba kung bakit ganun na lang ang inis mo? Malamang hindi pa kasing linaw ng sabaw ng buko ang lahat dahil dama mo pa ang galit mo habang pinagmumuni munihan mo ito.
Galit na galit ako nung nasa sitwasyon na ito pero bigla akong napatigil at napatulala... Dumaan kasi si crush. Charot!
Seryoso na kasi eh... So ayun na nga. tumahimik ako at pinagmuni munihan kung bakit ba ako na gagalit. Nagagalit ba ako kasi instead na petiks na ako eh may gagawin pa akong hindi na sana sakop ng trabaho ko? Nope kasi additional learning sa akin ito. Magiging advantage ko pa sya kaso lang wala naman dagdag na sahod. Chareng! Mas mainam na lang ata na umalis na sila sa trabaho nila dahil liabilities lang sila ng kumpanya. Isang malaking sakit ng ulo.
Well siguro malaking part na yan ng kinagagalit ko kasi alam ko naman na mahusay ko na nagagawa ang trabaho ko at naging responsable ako sa mga dapat gawin kahit na sinasabayan ko ng panonood ng ilang episode ng mga series sa netflix at paglalaro ng 2 magkaibang online games. Natatapos ko ang mga kailangan kong gawin sa isang araw pero may mga nakakaimberna talagang mga katrabaho ka na 2 oras kung mag yosi kada break at 2 oras din kung matulog ng lunch break tapos mag rereklamo na tambak ng trabaho.
Kayo alam nyo kaya kung bakit?
P.S. For the record ang number ng ticket na tinatrabaho ko as of today ay 6 na lang samantalang ang katrabaho ko ay isa 386 tickets at ang isa naman at 367 tickets.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!