Check-up Time: 2:32pm
Bakit nga ba ngayon kapag nagagalit sa sangkapuluan sa isang tao o group laging ang tanong eh kung ano ang ambag nyo?
Hoooy di naman ako na inform na palagi pa lang may handaan sa pilipinas at kailangan laging may handa.
Nung nag sisimula pa lang ako maghanap ng trabaho nahihirapan ako sagutin yang tanong na yan, kulang na lang sabihin ko "wala pa po akong pangambag, sa sahod na po kapag tinanggap nyo ako" kaso baka lalo ako di ako makuha sa inaapplyan ko.
Big deal na pala ngayon ang ambag ng mga tao sa lipunan, paano na lang ang mga walang pera at walang maambag? Kawawa naman sila.
Okay lang naman kahit di sosyal ang ambag di ba?
Next time nga kapag tinanong ako kung ano ang ambag ko, makikiusap na lang ako kung pwede pancit canton na lang muna kasi wala pa akong pera..
Emeh!
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!