Tuesday, August 21, 2012

Matalino nga ba o malabong kausap ang Pinoy?

7:25pm (sok)

Matalino nga ba o malabong kausap ang Pinoy?

Tanong: kumain ka na ba?

ano ang isasagot mo?

a) hindi pa
b) oo
c) mamaya na
d) busog pa ako

Marahil ang unang 2 letra ang maari mo isagot, pero sa realidad marami ang gumgamit ng natirang huling 2 sagot.

Tanong: Anong oras na?

a) Maaga pa
b) sasabihin kong ano ang eksaktong sagot

Marahil ang huling sagot ang piliin nino man, pero sa realidad madalas ang unang letra ang sinasagot ng taong tinatanong mo?

Malabo ba o matalino ang Pinoy? kung pilosopo ang taong kausap mo ay maari nyang sabihin na mangmang ka dahil di mo kayang sagutin ng tama ang tanong na Oo o Hindi lang ang sagot. 

Pero bakit nga ba malayo ang sagot natin sa mga simpleng tanong? Sagot? Dahil sa maatalino tayo. Di pa man nagtatanong ng kausap natin ng pangalawang tanong eh sinagot na agad natin ito sa unang tanong pa lang ng isang bagsakan.... Paano?

Unang halimbawa:

Tao 1: Kumain ka na ba?
Tao 2: Oo.
Tao 1: gusto mo kumain ulit?
Tao 2: mamaya na.

*** Pinaiksi: ****
Tao 1: Kumain ka na ba?
Tao 2: mamaya na..
- tapos ang usapan -

Pangalawang halimbawa:

Tao 1: Kumain ka na ba?
Tao 2: hindi pa
Tao 1: tara, kain tayo
Tao 2: busog pa ako...

*** Pinaiksi: ***
Tao 1: Kumain ka na?
Tao 2: Busog pa ako..
- tapos ang usapan -

Marahil ay di mo napapansin na tinatanggap mo ang sagot ng kausap mo kahit na malayo ang sagot sa tanong mo. Ito ay dahil sa matalino ka din at naiintindihan mo ang nais nya ipahiwatig sa mga sagot nya at ganun din, di mo rin napapansin na kapag tinanong ka ng kausap mo ay ganyan ka din sumagot sa kanila...

Sabi nila pangit ang pangunahan mo ang tao sa mga iniisip nila kasi kadalasan eh di ka naman sigurado kung ano talaga ang iniisip nila, pero dahil sa minsan o kadalasan ay ayaw natin ng maraming satsat at usapan kaya madalas ay ginagawa nating maiksi ang usapan...

Mali nga ba na pangunahan ang tanong o dapat muna alamin ang nasa isip ng iba bago mo ibuka ang iyong bibig at magsalita?????






- It's my opinion... so? -

Sunday, August 5, 2012

Ano nga ba?

6:10pm (sok)


Ikaw Jesus... 

ang tinapay ng buhay...

binasbasan, hinati ay inialay....


Ano nga ba talaga ang gutom na nararamdaman ko?
gutom na pisikal o espiritual??????

isang panahon para mag nilay.





- It's my opinion... so? -

Thursday, August 2, 2012

Say What?


6:29 pm (sok)

It came to my attendance that theres a lot of user friendly in the nearbys. Connect me if im wrong... why do they needful of that? can they not use themselves to be useful not to ask others help?

Open Chimes, someone will textmate you and they will asking you ouch, you will say yeast and go out for dating.. after all the airports and all, he will lives you alone. you will cried buckles of tears.

suddenly a blessing in the sky will comes. you will meat a friend... a friend that can swallow the fried just for you. then you will realization that when it rains it four because that friend stay with you not only for good times as a mother of fact for bad times as swell..They will not feel that they are brother by you. And yeast, this is true good to be true, everything swell to pieces.

treasured dose friend that comes and appreciate you.. ok? that is final.. there you ghost..


- It's my opinion... so? -