Monday, October 6, 2014

I'm alive again

Check-up Time: 9:48am

Hello mga psycho friends!

Mga psycho? Nidadamay kayo sa kondishen ko lolz ahaha.

Kamusta naman kayo? Ako hindi pa masyadong well oh well.

Dahil sa pag aasikaso ko ng aming  booth sa Science Fair eh natuluyan na akong magkasakit. Til now eh inuubo at sinisipon pa ako.

Sa loob ng matagal na panahon eh ngayon lang ulit ako nakapag-participate sa ganitong event...










Halatang bang pagod na ako? Nakabusangot ang mukha ko sa pagod. Buong araw akong nakatayo dito para iexplain ang project namin, kung para saan siya at kung ano ang benifits niya. Ofcourse Sinabi ko sa kanila na ang project namin is known by many of the netizen na mga health conscious at marami pang ideas ang makukuha doon (pasensya na sa lumusog kong katawan. Alam mo yung sa sobrang stress mo dahil halos 3 hours lang ang tulog mo lagi eh nadaan mo na lang sa paglamon ang lahat kahit ang Lasema Experience ko na kinuwento ko sa Rixcovery mukang walang effect ahahaha). Haizt sana maging ok na ang pakiramdam ko dahil gusto ko ng magsimulang magpapayat. Goodluck sa tiyabing si Rix.

=== *** ===

Kahit masama ang pakiramdam ko natuloy ang Oral Presentation namin ng group ko last Saturday isa kong major subject. Kung tutuusin magandang practice ito dahil sa kami na mga possible na mapunta sa industrial setting eh kailangan matutunan ang mga tamang ways kung paano mag interview ng mga aplikante sa isang kumpanya. Naging beneficial din naman ito sa mga graduating student namin dahil preparation na ito sa kanilang pag a-apply pagtapos nila grumadweyt.

So ito na nga, tinanong kami yung may naganap na practice. Sabi ko wala, alam nga mga participants namin ang gagawin namin pero hindi nila alam ang itatanong namin sa kanila. Nagustohan ni Ma'am ang batuhan namin ng tanong at ang sequence ng tanungang naganap kahit na wala kaming usap usap kung ano ang gagawin namin (bilang ako ang medyo matured sa group namin at ako lang ang may work gusto nila na may brain storming pa na maganap... Eh hindi nga ako pwede dahil nag-aapoy na ang katawan ko sa lagnat.) Pero may mga magandang ugali ng mga kasama ko.. Alert, may presence of mind at marunong mag-isip ng rebuttal question kaya ang ending kami ang highest.

Sabi ni Ma'am, nakikita nya daw ang group namin na pwedeng maging asset sa loob ang HR office. Well, di ko lang sure. Sa tingin ko madami pa din ako dapat matutunan. Alam ko naman kasi na hindi ito isang pitik lang alam mo na lahat.

=== *** ===


Pag-gising ko kanina sabi ko gusto ko makinig ng Christmas song pam-pa good vibes, wala naman masama doon kasi Christmas season na technically.

Isa sa mga kinaaaliwan kong kanta na kinakanta ng mga Choir eh ang kantang Carols of the Bell, so yun ang hinanap ko ng nabigla ako sa group na Pentatonix natuwa ako sa version nila ng kanta (yung version nila ang nagp-play sa background.



O dahil Chirstmas season na ano na ang mga Chirstmas Song na inaabangan mo mapakinggan?

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

19 comments:

  1. Buhay ka pa naman noh dahil active na active sa FB. Galing naman ng grupo mo, nung nag aaral ako, sa akin nakatoka ang lahat dahil mas 'matured' ako sa lahat ng kaklase ko ( my thrid course in the university). Alam ng prof na akin lahat ng effort so ako lang ang nakakuha ng all 4. Anyway highway, inaabangan ko ang Christmas dahil bakasyon yan for me, he,he,he. Take care!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha salamat Sir Jonatahan.

      Excited na din ako ☺

      Delete
  2. Yey, good to know na maayos na ngayon ang pakiramdam mo Rix :)

    and congratumaleytions sa Oral Presentation nyo XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks lolz. Pero medyo tumatagas pa din ang uhog ko

      Yuck ahaha.

      Delete
  3. Pagaling ka Rix! Saka kakain sa tamang oras! Nawindang ang katawan mo sa konting tulog sobrang pagod at maling oras ng kain hahaha...

    ReplyDelete
  4. Fave Christmas carol ko ang Do They Know Its Christmas ng Band Aid at Mary's Boy Child ng Boney M ... walapa ring papantay sa version ng All I Want For Christmas Is My Two Front Teeth ng Chipmunks

    ReplyDelete
  5. Christmas in the air!!!

    Oh my!! Ampayat mo na... Pero please wag paka-haggard! :D :D

    ReplyDelete
  6. oh science fair, always loved to attend one. :)

    ReplyDelete
  7. NAKS! suma-science fair na. :D

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
  8. Sana maging klasmeyt kita Rix hehehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi masipag ka, sana lagi kitang ka-groupmate hahaha alam na lols :)

      Delete

hansaveh mo?