Check-up Time: 10:36am
My Gerd!
Halos isang buwan at isang linggo na ang nagdaan sa taon ito pero nganga pa din ang page ko. nyahaha.
Henny waist, maikwento ko lang ang unang ganap ko sa taong ito.
Dahil sa ang clan namin ang pasimuno ang fiesta ng Sto. Nino (sabay sa Sinulog ng Cebu) sa province ng Tatay ko. (Nachika ko na yan sa inyo ng burberry light before). Eh umuwi ako para daw makilala na ako ng lipunan na member ako ng angkan dahil kami na ang susunod na generation na magco-continue ng tradisyon. Tehrey daba? lakas maka maharlikang angkan.
Kahit na Enero ang fiesta ng taong ito eh last July pa lang nag booked na ako ng flight. (wais! para MURAyta ave. lang ang pamasahe).
Mukang ayaw pa ako papuntahin ng mga kamaganak ko dun dahil daw sa dadating si Pope eh cancel daw ang flight achachuchu. Eh di ako nagpadaig at gusto talaga ng PAL na makilala ako bilang member ng Angkan kaya boom! Natuloy ang lakad ko lolz.
Last time na lumipad (may wings talaga? lolz) ako papuntang Tacloban kahit madaling araw may naaaninag ka kapag na sa window side ka, kaso ngayon wala ako talagang maaninag kahit clouds kaya alam ko na medyo hindi masayadong madanda ang timpla ng panahon sa Leyte, not until masabi ang pilot na magla-land na kami kasi ito naman ang nakita ko bago lumapag ng Tacloban.
Kahit wala pa si Pope eh puro na banderitas ni Pope na nagwe-welcome sa kanya ang makikita mo, In fairness ha may simalubong sa akin ang sabi sa akin, "Boss jeep, van o tricycle?". Sweet nila noh? Chars!
Sumakay ako ng jeep papunta sa terminal ng van papunta sa bayan nila Paping, Sobrang tight ng security kahit na day after ko dumating ang pagbisita ni Pope. Kada 3 metro kung hindi ka makakakita ng pulis na naka deploy eh may group ng pulis na may briefing...
Habang nabi-byahe eh nagobserve ako kung kamusta na nga ba ang Tacloban after ng Yolanda. Sa totoo lang may mga establishment doon na hindi na sinubukan pang buhayin ng mga may ari, may mga gusali doon na pinipilit pang isalba, may mga nakarecover na, may mga bahay na 2 ang palapag pero hindi na ino-okupa ang pangalawang palapag at hinayaan na lang, Mga krus ng simbahan na hindi na naayos muli, mga konkreto at bakal na pundasyon ng mga inprastraktura na nabuwal at di na muli pang inayos. Ganito ang nadatnan ko sa Tacloban. Pero ang magandang bagay na makikita mo sa mga tao doon ay nakakaya na nilang tumawa at ngumiti. Nakikitaan na sila ng pag-asa lalo pa at bibisitahin sila ng Sto. Papa.
Tumagal ng 2 oras mahigit ang byahe ko, Pakiramdam ko pagtayo ko wala na akong puwet dahil sa bago ako bumyahe pa-Tacloban eh 8 oras akong nakaupo sa opisina. Nabuhayan na lang ako ng loob na makakatayo na ako ng makita ko ito.
Malapit na ang bayan nila Paping, ito na ang mga sign lolz. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagbaba kasi umay na umay na ang puwet ko sa kakaupo.
Pagdating ko doon eh sakto naman na biglang naging makulimlim ang panahon at medyo nagparamdam na ang bagyong Amang sa amin. Dahil sa tabing dagat sila Paping, eh tinignan ko ang lagay ng baybayin. Nagdrop jaw ako mga Teh! As in! kasi naman ang harsh ng waves galing sa pampang.
Kung tatayo ako dyan, nasa dibdib ko na ang hampas ng alon samantalang sa pampang pa lang yan. Mukang hindi matutuloy ang balak namin ni Paping na magwonder sa bundok na sinasabi nya. This is so epic fail *insert sad face here*.
Kinaumagahan, tanghali na ako gumising, nagkakagulo na ang mga tao sa bahay ng Tita ko dahil sa pabalik an daw si Pope ng airport at di na magmimisa sa isa pa sanang bayan ng Tacloban dahil ang fierce na ng weather. Tinignan ko kung tama nga sila, baka naman kasi ineechos lang ako at pwede pa rin namin itulog ni Paping ang rampage namin.. Pero tama nga sila.
So hindi ko na din pinilit baka nga naman mabuwis pa ang malusog kong buhay! After noon nakarecieved kami ng text sa pinsan ko, stranded daw sila sa Matnog sa Bicol, 2 days na silang hindi pinapayagan ng Coast Guard na tumawid ng dagat. Kawawa naman sila, Balak pa naman nila ma witness ang fiesta sa probinsya. Nung gabi ng araw na iyon ay 8th day ng Novena para sa Sto. Nino kaya nagpray ako na sana pumayat na ako... Chars lang! na sana maging ok ang panahon bukas...
Kinabukasan, Wow! answered prayer, ang ganda ng panahon. Ginsing ako ng Paping para maghanda na daw sa mass at after noon eh ipaparada naman ang Sto. Nino sa baybayin. Yep sa baybaying dagat. At bakit doon?
Kaya kasi naging patron saint ng lugar na iyon ang Sto.Nino eh noong nasa 30's pa lang ang tatay ng Lolo ko eh kasama nya ang pinsan nya na nangingisda sa laot. Noong panahon daw na iyon ay may bagyo ang berburry light. Tumaob ang bangka nilang magpinsan. Dahil wala pa namang light house noong panahon nila hindi nila alam kung saang dereksyon sila lalangoy papunta ng pampang. Nakakita sila ng ilaw galing sa gasera sa pampang. Iyon daw ang sinundan nila ay nung malapit na sila sa pampang eh naaninag daw nila na bata ang may hawak ng gasera at ng unti unti daw nilang lapitan nawala yung bata. Nung umaga na iyon, narealize ng magpinsan na kapistahan ng Sto. Nino. Naisip nila na baka ang batang Hesus ang nagligtas sa kanila kaya naman nabuo doon sila nagsimula na magpasalamat sa poon at sya na ang gawing patron ng lugar na ito at idaos ang fiesta doon sabay ng Sinulog.
After ng misa ay naghanda na ako dahil sasama din ako sa parada. Medyo mainit na ang panahon noon pero medyo maalon pa rin ang dagat kaya naman alalay lang ang tito ko sa pagpapatakbo ang bangka.
|
hindi ko na tinag ang shades ni Paping lolz |
|
ito ang faerry boat na madalas magparada sa Sto. Nino sa laot |
|
ito ang bundok na pupuntahan namin ni papaiong after ng fluvial parade. |
Hinihintay na ng mga tao sa pampang ang pagdating ang Poon.
After ihatid ang Santo sa kapilya, paspas naman kami ni Paping sa pagpunta sa bayan pare rumenta ng habal habal na magdadala sa amin sa Hindang cave and wild monkeys ☺. Wild monkeys? yep kasi may mga wild monkeys sa bundok na ito.
|
On our way to Hindang. |
|
buwis buhay shot sa habal habal lolz.
|
Kilala ang lugar na ito dahil sa dito nagtago ang mga guirilla noong panahon ng mga kastila. May mga kweba dito na open lang at yung ibang matatarik ang daan eh hinarangan nila para hindi maaksidente ang mga tao.
Pagnarating mo ang gitnang parte nito ay makakakita ka ng mga stalactites ay makakarinig ka ng medyo maingay na tunog at hmmm medyo off na amoy. Malapit na kasi kami sa bat cave. Akala ko nga mame-meet ko na din si Batman hihingi ako ng paumanhin kasi pag naaalangan ako lagi ko sinasabi bahala na sya. Charut lang.
Sabi nila may wild monkeys daw eh wala naman ako natanaw. Yun pala may time slot ang pagpapakita ng mga unggoy ahaha. Hindi man lang ako nakapag pa-arrange ng appointment lolz.
So punta na kami ni Paping sa 2nd level ang bundok, sa totoo lang yung dila ko aabot na yata ng dibdib sa hingal nakakapadog umakyat hahaha.
Nung marating namin ang area kung saan magsi-zipline doon kami nakakita ng mga locals na nagpapakain ng mga group ng unggoy. Yung dalawa gusto makipagclose sa mga new comers lolz.
After ko magpahinga ng very light, nagsabi na ako na magsi-zipline ako at sinuotan na ako ng gear.
At ito na, ang 45 meters high at 650 meters long na zipline ay magsisimula dito.
At after nito ay ang login ako sa logbook nila na nagtry na mag zipline sa kanila hihihi.
Sabi nga mga kasama ko sa work after nila makita ito ay sasama daw sila sa akin next year. Eh sana lang makauwi ulit ako hahaha kasi gusto ko ulit itry mag zipline ☺.
Maaliwalas ang panahon ng makauwi kami ni Paping, nagaagaw na ang liwanag at dilim ang sarap panoorin ang paglubog ng araw.
Hindi ko na dapat sabihin na babalik ako dito, eh probinsya naman namin ito lolz.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!