Friday, February 27, 2015

Hay traffic!

Check-up Time: 7:55am








Oo, yan post ko sa FB na yan ay nungkasagsagan  People Power Revolution. Umalis ako sa bahay ng 3:20 ng hapon at nakarating ako ng Makati ng 6:12 ng gabi. Asan ang katarungan?

Dumugo na ang tenga ko sa pakikinig ng Stay with me ni Sam Smith nung kasalukuyan din akong nakikibaka sa trapiko nung araw na iyon.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. Isn't it ironic na ang ipinaglalaban ng mga nagrarally na yan ay ang hindi pagsulong ng demokrasya at hustisya, habang ang mga sasakyan ay hindi rin umaabante. hay nako... ang espiritu ng EDSA, isang multo, or better isang halimaw sa anyo ng traffic na araw-araw na natin hinaharap pero siya pa rin ang nananaig.

    Yan siguro ang isa sa ilan na hinding hindi ko hahanap-hanapin habang nandito ako sa Italy. hahaha! Grabe! Isipin mo, muntik pa ako ma late sa flight ko gawa ng traffic.

    isang bagay lang ang positive- AT LEAST TOTOONG MAY FOREVER. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku sa totoo lang nayayamot ako dahil araw araw akong nakikibaka sa traffic na hindi ako alam ang dahilan nya. Ang sarap mamektus.

      Delete
  2. Naku. Sinasabi ko na nga ba. Di ko pa man nararanasan 'yang trapik jan sa Maynila ay parang nakaka-trauma na.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kunga magagawi sa sa city magdala ka ng rosary.sigurado tapos ka na magpray hindi mo pa nalalagpasan ang traffic

      Delete
  3. praning lang kase masyado si Pnoy. pinasara ang maraming roads leading to EDSA.
    takot na magka-edsa people power revolution ulet XD (you know, nasa hot seat pa rin siya until dahil sa Mamasapano incident)
    eh ang nangyari naman sa 29th celebrations ng people power eh isang certified flop lol
    hindi masyado dinagsa ng mga tao.

    ReplyDelete
  4. Para ka na palang bumiyahe ng Mla to Bkk sa haba ng oras. Tatlong session na yan ng thai massage, ha,ha,ha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha totoo ba? naku eh di sana nag bkk na lang ako instead of Makati hahaha

      Delete
  5. Wala talagang tatalo sa trapik sa maynila. Kahit kalalabas mo lang ng simbahan at gumapang ka mula pintuan ang hanggang altar upang maghugas ng sins, mapapamura ka with downy passion. Framis! Charoz!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Chrew! nakakapanginig ng bilbil sa katawan.

      Delete
  6. mabait sa'kin ang traffic gods at di ko naranasan ang sumpaaaa! mabuti na lang malapit lang din ang office sa balur. hehe

    ReplyDelete

hansaveh mo?