Friday, March 27, 2015

News ko!

Check-up Time: 6:28am

Good News: Malapit na ang end ng 2nd sem
Bad News: 1st Monday after ng end ng sem eh enrollment na for summer

Good News: Malapit na bakasyon
Bad News: May bakasyon nga ba ako?

Good News: Mag-aaral ako ng Spanish class
Bad News: Wala pa akong pang tuition

Good News: Ready na ako sa mga lakad ko this summer
Bad News: May mga absent nanaman ako sa summer class ko

Good News: Ang sarap kumain ng kumain
Bad News: Diet naman ako :(

Good News: May nabawas na sa timbang ko
Bad News: Parang hindi ko ramdam

Good News: Sabi nila kuminis daw ang muka ko
Bad News: Hiyang ba ako sa stress?

Good News: Ang cute cute ng crush ko
Bad News: Hanggang crush na lang ako


Nakaka-good vibes ang kantang 99 Red Balloons ni Nena ito ang nagpapagood vibes sa akin ngayon. Ito ang ginamit na kanta ng Coke sa commercial nila ngayon. Matanda lang ako ng isang taon sa kantang ito.

Pero syempre ang naririnig nyo sa background music ko ay version ng Owl City at hindi kay Nena ☺ nyahahaha.


Oh dyan na muna kayo, I need to plan my summer get away hihihi....




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Saturday, March 21, 2015

Magulo

Check-up Time: 2:58pm

Sabi ng marami dapat kung may gagawin ka dapat ibigay mo lahat para mag stand out ka.

Maganda nga naman kaso lang minsan sa sobrang pag-stand out ng isang tao lumalabas na parang sobra ang confident nya, nagiging epal ang dating at sobrang lakas ng personality ng tao to the point na marami kang pwedeng maka-clash.

Madalas kontento na ko ng low profile lang. Hassle free, malayo sa chismis at issue.

Yung tipong makakapagkape ka pa habang nag babasa ka ng kung ano ano sa fesbuk. Tatawanan mo ang mga nakakatawang bagay, masho-shock ka sa mga nabasa mo pero HINDI TUNGKOL SA IYO ANG NABABASA MO.

Henny Waste, naniniwala ba kayo ang kaunting tulog kay nakakacontribute sa pag taba ng tao? lolz


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, March 13, 2015

Na-plog din

Check-up Time: 8:02pm

Hola karetela manibela bisekleta makinilya bumbilya....

May ma-entrada lang haha.

Henny waist, medyo bad mood ako pag labas ko ng opisina kanina ng burberry light dahil sa may sapi ang bisor ko at di napagbigyan ang request ko na coaching. Malungkot ako habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Napatingin ako sa kalangitan na parang nagtatanong pero walang makuhang kasagutan. Unti unting nangilid ang luha sa aking mga mata. Eh nahiya, edi di na sya pumatak. Haizt arteng luha.



Hindi ko napansin na nakaismid na ang nasa likod ko dahil sa bagal ko maglakad. Eh kebs lang namo-moment ako eh. Kaya naman pinauna ko na sila bago ko pa sila kalbuhin, char lemeng.

So ito na nga, sa sobrang lungkot ko napabili ako ng 2 nilagang saging. Para naman habang naglalakad ako eh nginangata ko na sya dahil kailangan may laman ang sikmura ko dahil may long test pa ako sa school.

Gosh! as in Gosh Abelgosh! Like I can 't believe na natapos ko ang 2 saging ng wala pang 5 minutes. Charet lang haha. Hindi ko alam kung ilang minuto ko naubos yun namalayan ko na lang kasi na wala na akong nginangasab nung nag-aabang na ako ng  jeep.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari may tumigil sa harap ko na sasakyan nagulat ako. Isang naka kunot na noong lalaki ang bumungad sa akin at sumigaw sya.....





















" Mantrade, MRT, Extension"




Nagtawag sya ng pasahero. Eh yun ang jeep na sasakyan ko so sumakay na ako. Akala nyo kung anong nangyari noh? Eh kasi hindi pa nga ako tapos. lolz


Habang nasa byahe kinuha ko ang telepono ko, Check check ng mga message. Naisipan ko mag login sa fesbuk ng biglang may tumawag ng pansin ko... 
































Ikinatuwa ko at ikinabago ng mood ko ng ng sandaling iyon ang doodle art na gawa ni Kuya Mar ng Unplog sa akin.




Nagsimula lang sa biro biru-an ang request na ito na biglang nagkaroon ng katuparan.

Kuya Mar, Tenchu soooooooo muts! Nagfiesta ang mga fats ko sa katawan simula sa puso papuntang arteries, capillaries, at veins at sa iba't ibang organs ng katawan ko dahil sa galak.

Dahil dyan happy chubby kid si Rixophrenic ay PsychoRix na pala hahaha.

O sya, dyan na muna kayo dahil sa 29 hours na akong walang tulog at ngayon at nakikipag sagupaan sa colds. Natuluyan na akong nagkasakit ng dahil sa kulang sa tulog.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, March 8, 2015

"Random"

Check-up Time: 9:33pm

Hello mga avid readers...

Avid readers? kala mo sikat ahahaha charos lang po yun.

Well its been a while crocodile since I powsted something here masyado madaming hanash ang life ko now. Alam mo yung swerte na ako ng makatulog ako ng 5 hours. Kadalasan 2 to 3 hours lang. Minsan iniisip ko kung gigising pa ba ako. Ching lang.

Henny ways, alam nyo ba ang ibig sabihin nga salitang "RANDOM"?

I'm kindda doubting na kasi if alam ng company ko kung ano ang salitang random ganyan.

Sa loob ng 5 taon kong pagiging isang matino (joke lang) na empleyado ng kumpanyang ito ay ganun din kadaming beses ako naging participants ng kanilang "Random" drug testing (6 na sya all in all kasama na yung sa pre emplyoment requirements).


Tama po kayo nga fwenships. Leyk dabuh? Napakaswerte ko naman sa "RANDOM" drug testing dahil sa lagi akong pasok sa mga choices para sa drug testing. Sobrang hiyang ko ata sa drugs kaya lumobo ako...

Kaya nga sabi ko na lang..




Ginagawa tuloy joke time ng mga kawork ko ang pagkakasama ko sa drug test na yan...

Well ang alam ko may sayad ako sa utak pero hindi naman drug induced yun eh.


Lesson learn: Magdiet ng husto para naman malapit sa katotohanan na para kang addict.

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!