Friday, March 13, 2015

Na-plog din

Check-up Time: 8:02pm

Hola karetela manibela bisekleta makinilya bumbilya....

May ma-entrada lang haha.

Henny waist, medyo bad mood ako pag labas ko ng opisina kanina ng burberry light dahil sa may sapi ang bisor ko at di napagbigyan ang request ko na coaching. Malungkot ako habang naglalakad papuntang sakayan ng jeep. Napatingin ako sa kalangitan na parang nagtatanong pero walang makuhang kasagutan. Unti unting nangilid ang luha sa aking mga mata. Eh nahiya, edi di na sya pumatak. Haizt arteng luha.



Hindi ko napansin na nakaismid na ang nasa likod ko dahil sa bagal ko maglakad. Eh kebs lang namo-moment ako eh. Kaya naman pinauna ko na sila bago ko pa sila kalbuhin, char lemeng.

So ito na nga, sa sobrang lungkot ko napabili ako ng 2 nilagang saging. Para naman habang naglalakad ako eh nginangata ko na sya dahil kailangan may laman ang sikmura ko dahil may long test pa ako sa school.

Gosh! as in Gosh Abelgosh! Like I can 't believe na natapos ko ang 2 saging ng wala pang 5 minutes. Charet lang haha. Hindi ko alam kung ilang minuto ko naubos yun namalayan ko na lang kasi na wala na akong nginangasab nung nag-aabang na ako ng  jeep.

Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari may tumigil sa harap ko na sasakyan nagulat ako. Isang naka kunot na noong lalaki ang bumungad sa akin at sumigaw sya.....





















" Mantrade, MRT, Extension"




Nagtawag sya ng pasahero. Eh yun ang jeep na sasakyan ko so sumakay na ako. Akala nyo kung anong nangyari noh? Eh kasi hindi pa nga ako tapos. lolz


Habang nasa byahe kinuha ko ang telepono ko, Check check ng mga message. Naisipan ko mag login sa fesbuk ng biglang may tumawag ng pansin ko... 
































Ikinatuwa ko at ikinabago ng mood ko ng ng sandaling iyon ang doodle art na gawa ni Kuya Mar ng Unplog sa akin.




Nagsimula lang sa biro biru-an ang request na ito na biglang nagkaroon ng katuparan.

Kuya Mar, Tenchu soooooooo muts! Nagfiesta ang mga fats ko sa katawan simula sa puso papuntang arteries, capillaries, at veins at sa iba't ibang organs ng katawan ko dahil sa galak.

Dahil dyan happy chubby kid si Rixophrenic ay PsychoRix na pala hahaha.

O sya, dyan na muna kayo dahil sa 29 hours na akong walang tulog at ngayon at nakikipag sagupaan sa colds. Natuluyan na akong nagkasakit ng dahil sa kulang sa tulog.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

14 comments:

  1. oo nga ito yung nakita ko sa blog ni super m kahapon.. ikaw na malakas sa kanya haha.. anung ulit ng kwento mo ha. akala ko kung anu na...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Luh! hindi naman. Sa katuwaan lang po nagsimula yung paggawa nya ng doodle art.

      Delete
    2. Igawa mo daw si Axl ng doodle hahaha

      Delete
    3. Yun lang ba kuya Mar? Ok lang hahaha

      Delete
  2. Ganda naman. Kita mo sa gitma ng lungkot ay may kasayahan. Matulog ka naman at mag pahinga, baka hindi na kayanin ng powers mo. Ingat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi na talaga kinaya. Ngayon ay panay ang tulo ng uhog ko dahil sa kinapitan na ako ng sakit dahil panay puyat. :(

      Delete
    2. Tao ka po, hindi robot. Take care!

      Delete
    3. Sana nga marealize ng katawan nya yun :(

      Delete
  3. bigay ko sayo yong original copy pag nagkita tayo sa mata hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tenchu ng burberry hard kuya Mar hahaha. Ipi-frame ko ito pramis :)

      Delete
  4. ha ha kawawa naman ang 2 saging , minadali mo ang buhay nila ha ha ha .... ganda ng doodle .... doodle pa lang yan ha eh pano na kung totoong artworks , mas maganda he he ....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Truth! ang I can't wait na makita ang art work ng original.

      Delete
  5. Sa likod ng mga ulap ay may sinag ng araw.

    Ang ganda ng doodle. Sana may gumawa din sa'kin niyan (uy nagpaparinig. chos lang!)

    Pwede na 'yang pang-blog header. Bonggabels!

    ReplyDelete

hansaveh mo?