Sunday, September 13, 2015

Stereotype

Check-up Time: 6:05pm

Hello mga mars and pars!

Naranasan nyo na ba na i-tag sa isang bagay na hindi mo naman talaga gawain? Na-judge ka ba agad dahil sa background mo kahit hindi ka pa kinikilala ng ibang tao? Biktima ka ba ng stereotype?

Graduating na ako sa school at hindi ko masyado pinagsasabi sa mga kaklase ko kung ano ang trabaho ko. Basta alam nila nagtatrabaho ako. Pero dahil sa may isang prof ako na nagtanong sa akin kung ano ang work ko, Napilitan akong ilabas ang identity ko..... Na ako talaga si 













































Charot lang!

Napilitan ako sabihin nasa call center ako nagtatrabaho. Dito na nabuo ang samut'saring speculation at kung ano anong stereotyping sa mga nagta-trabaho sa BPO. Sa totoo lang nakakapagod sila sagutin.

Ang call center agents english ng english kahit nasa jeep.

- Hindi lahat. Masakit na nga sa ulo ang 8 oras ka na mag-english lalo na kapag queuing. kaya hanggang dun na lang yun. Kalimitan sa amin wala ng extension ang english since 8 hours lang na english ang bayad sa amin araw araw.





Ang call enter agents ay mga sosyal.

- Hindi din lahat. Madami din ang simple lang ang umasta sa amin. Yung kaibigan ko nga na Operation Manager kasama ko mag food trip sa fishball-an sa ihawan o lugawan. Kumakain din kami sa turo turo/jolijeep. Umoorder ng tuyo at daing pag meron sa pantry. Kaya maupo sa gutter ng mga kalye at nakakapag shopping sa divisoria at tutuban.





Ang call center agents laging naka starbucks.

- Ito ang isa sa mga pinakamalalang mentalidad ng ibang tao sa mga nag tatrabaho sa BPO. Akala nila araw araw ito ang kape ng hinihigop ng mga nagtatrabaho sa call center. Hindi nila alam may mga ahente na trip lang kung magkape sa coffee shop na ito dahil kadalasan, 3-in-1 na kape ay sapat na at ilan kami sa team namin ang patunay nyan.





Ang call center agents ay madalas kumain sa fine dine na restaurant.

- Por Dios! Hindi po totoo yan. Hindi naman po masama na paminsan minsa ay maranasan ng sino man ang kumain sa fine dine na restaurant. Sa dami ba naman ng mga call center sa Manila at sa ilang libo ang ahente sa call center natural may pagkakataon na sabay sabay kung kumain yan sa restaurant na fine din. Sa totoo lang madalas sa mga call center agent ay hindi nakakakain ng healthy dahil mas sanay sila kumain sa fast food.





Ang mga call center agents ay matataas ang sahod.

- Hindi din! hindi lahat ng BPO company ay mataas magpasahod dahil nakadepende naman ito sa bilang ng taon na nagtatrabaho ka sa ganitong industriya o sa kung saang line of business ka mabibilang at mas lalo kung saan kumpanya ka nagtatrabaho. Isa pa kung mataas ang sahod nila bakit may mga ahenteng may asawa na nag-sasabi na hindi sapat ang kita nila para mapunan ang pangangailangan nila sa buhay gayung simple at payak lang ang pamumuhay nila?






Ang mga taga-call center ay maraming pera.

- Hindi naman po totoo. Nakadepende ito sa tao. Kung marunong ka humawak ng pera may maiipon ka. Kung wala kang sinusuportahan kundi ang sarili mo lang maaari, pero hindi nangangahulugan na kapag nasa ganitong industriya ka eh madami ka ng pera at para kang ATM kung maglabas ng pera. May iba pa nga sa kanila nakukuha pang sumide line na mag tinda ng kung ano ano sa mga ka-team mate nila pandagdag lang sa bi-monthly na sahod.





Ang mga taga-call center mayayabang purke magaling mag english

- Alam naman nating halat na hindi ang lingwahe ng tao ang batayan para sabihin na magaling sila. At hindi lahat ng mga tao na nasa ganitong industriya ay masasabi na nating magagaling. Sa totoo lang kahit ang linguwahe na ito ang puhunan ng mga tao sa BPO, may mga nagkakamali pa rin, may ilan na hirap pa rin pagdating sa construction of thoughts, may iba na pilipit pa din ang dila at may iba na minsan eh masakit pa rin sa tenga pakingan.






Bakla ang mga nag-ta-trabaho sa call center.

- Huh? May issue po ba kayo sa mga nasa LGBT? Eh ano naman po kung may mga lesbian at gay sa BPO? Wala pong discriminasyon sa sexual preference ang mga nasa BPO as long as kaya mo magtrabaho at i-deliver ang hinihingi ng client nyo, Go for gOld lang mga teh at koya. Kahit nga edad ng isang tao ay hindi batayan para i-hire ka ng kumpanya. Isa pa, Kung ang lalaki ba ay kayang mag salita ng direchong english bakla na? So ang mga polito, abugado, business man, Managers at iba pang propesyon na nakuha ng isang lalaki at kaya nya magsalita ng english bakla na agad? Oh come on!!!! Wag judgemental.


Hindi talaga maiiwasan ang stereotyping lalo na kapag walang idea ang mga tao sa isang bagay at kung makikinig lang sya sa sabi sabi. Minsan yan ang mahirap sa atin. Mas maganda siguro na medyo slightly mag-investigate muna tayo ng kaunti para may idea tayo saka natin i-confirm kung may katotohanan para hindi natin mastereotype ang isang bagay... Ano sa tingin nyo?



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, September 6, 2015

Effortless

Check-up Time: 5:59pm


Hi mga mars at pars! Kemeste nemen keye? O na-effortan ba kayo mag-basa nyan? Kers lang! Yung iba nga dyan wang ka-effert effert megbese ng genyen lelz.

Well speaking of effort, ano nga ba yun? Yun ba yung nilalandingan ng irplen? Chars lang... I know it of course, main course.

Minsan talaga masasabi mo na unfair ang buhay noh? Madaming bagay na dapat i-appreciate mo pero nature na ata talaga ng tao ang hindi makuntento. Yun bang may ok naman sa iyo pero gusto mo mas fabulous pa, ganern!

Haggard akis mag-effort mag-work out para naman maimprove ko ang itsura ng chubby kong katawan. Kaso lang, emerged!!! Phurang makakalas na ata ang mga joints, tendons, at kung ano ano pang connection ng mga ligaments ng katawan kis parang wala akis nakikitang resulta. Sadyang malaki talaga ang nadudulot ng hindi well rested ang katawan mo sa paglobo ng timbang mo. Pero may ibang mga tao sa gym na parang naglalaro lang pero kagaganda ng kurba ng katawan. Walang ka effort effort.



Minsan naghahanap ako ng puwesto na hindi ko sila masi-sight kasi minsan gusto kong balian ng mga buto ang mga taong itez ng makagabol naman ang kaawa-awa katawang chubby kiz sa kanila. Harsh ba? Syempre charot lang yun. Yun nga lang hindi mo talaga maiiwasan na madismaya kapag nararamdaman mo ang sobrang challenge na... You know what I mean?

Okay naman na akiz sa kulay ko. Kaso lang sa country natin na mas mataas ang tingin sa tao na phurang ginulat at na mutla sa puti eh minsan na iisip ko na why not try din magpaputi? Subok lang... Kaso lang its sooo mahal ng glutah ha at mahirap pa sa mga kababayan natin i-meynteyn kapag nagstart ka na. 





Pero bat may mga tao na kahit mag bilad sa araw parang kers lang nila. Phurang wala man lang bahid ng sunburn. Tapos pag titignan mo yung mga balat kakikinis. Minsan ang sarap sugatan para naman hindi masyadong perfect ang skin nila. Lolz bitter again??? Ehhh bakit hindi nyo ba minsan naramdaman yun? Aminin!!!

Alam mo yung tao na likas yung talino? Yun bang hindi katulad ng iba na kailangan patayan ang pagre-review para lang makapasa pero yung iba babanjing banjing lang pero susko naman baka lumagpas pa ng 100% ang grade. Minsan mapapaisip ka kung may social life ba yun mga taong ito. Habang ikaw dumudugo na yung utak mo kakareview.





Minsan sarap ipatumba ng mga ganitong tao kasi super dami ng alam (sindikato? Charot lang) pero minsan nakakainis talaga isipin na bakit sila parang effortless ang pagrereview sa kanila.

Na-experience mo na ba yung kumanta ka tapos biglang may sumabay sayo tapos may sumabay pang isa... Ano ito glee????? Tapos ng masakit pa sa kalooban mas magaganda pa ang boses nila sayo tapos parang hindi man lang kakikitaan ng kahirapan sa kanila kantahin yung kinakanta mo habang ikaw mapapatid na ang litid mo maabot lang ang tono ng kinakanta mo?

O di ba nga? Bakit sila effortless kung kumanta... Eh bigla ko na realize mga singer talaga sila tapos akiz, marunong lang kumanta pero hindi ko naman sinabi na maganda ang boses ko di ba? Pero basta unfair pa din. Maipilit ko lang ang pinaglalaban ko nyahaha.




Yung iba napaka-effortless nila gumawa ng sobrang flawless na entry sa blog habang ako tuyo na ang cerebral fluid ko wala pa ako na iisip... Tulad nito? Isa nanaman walang kakwenta kwentang post Lolz.


Hay naku eexit na nga ako. Mukang yun lang ang effortless sa akin nyahaha. Hanggang sa muli mga fwends kong may mga katok din hihihi.


(Credit to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!