Sunday, September 13, 2015

Stereotype

Check-up Time: 6:05pm

Hello mga mars and pars!

Naranasan nyo na ba na i-tag sa isang bagay na hindi mo naman talaga gawain? Na-judge ka ba agad dahil sa background mo kahit hindi ka pa kinikilala ng ibang tao? Biktima ka ba ng stereotype?

Graduating na ako sa school at hindi ko masyado pinagsasabi sa mga kaklase ko kung ano ang trabaho ko. Basta alam nila nagtatrabaho ako. Pero dahil sa may isang prof ako na nagtanong sa akin kung ano ang work ko, Napilitan akong ilabas ang identity ko..... Na ako talaga si 













































Charot lang!

Napilitan ako sabihin nasa call center ako nagtatrabaho. Dito na nabuo ang samut'saring speculation at kung ano anong stereotyping sa mga nagta-trabaho sa BPO. Sa totoo lang nakakapagod sila sagutin.

Ang call center agents english ng english kahit nasa jeep.

- Hindi lahat. Masakit na nga sa ulo ang 8 oras ka na mag-english lalo na kapag queuing. kaya hanggang dun na lang yun. Kalimitan sa amin wala ng extension ang english since 8 hours lang na english ang bayad sa amin araw araw.





Ang call enter agents ay mga sosyal.

- Hindi din lahat. Madami din ang simple lang ang umasta sa amin. Yung kaibigan ko nga na Operation Manager kasama ko mag food trip sa fishball-an sa ihawan o lugawan. Kumakain din kami sa turo turo/jolijeep. Umoorder ng tuyo at daing pag meron sa pantry. Kaya maupo sa gutter ng mga kalye at nakakapag shopping sa divisoria at tutuban.





Ang call center agents laging naka starbucks.

- Ito ang isa sa mga pinakamalalang mentalidad ng ibang tao sa mga nag tatrabaho sa BPO. Akala nila araw araw ito ang kape ng hinihigop ng mga nagtatrabaho sa call center. Hindi nila alam may mga ahente na trip lang kung magkape sa coffee shop na ito dahil kadalasan, 3-in-1 na kape ay sapat na at ilan kami sa team namin ang patunay nyan.





Ang call center agents ay madalas kumain sa fine dine na restaurant.

- Por Dios! Hindi po totoo yan. Hindi naman po masama na paminsan minsa ay maranasan ng sino man ang kumain sa fine dine na restaurant. Sa dami ba naman ng mga call center sa Manila at sa ilang libo ang ahente sa call center natural may pagkakataon na sabay sabay kung kumain yan sa restaurant na fine din. Sa totoo lang madalas sa mga call center agent ay hindi nakakakain ng healthy dahil mas sanay sila kumain sa fast food.





Ang mga call center agents ay matataas ang sahod.

- Hindi din! hindi lahat ng BPO company ay mataas magpasahod dahil nakadepende naman ito sa bilang ng taon na nagtatrabaho ka sa ganitong industriya o sa kung saang line of business ka mabibilang at mas lalo kung saan kumpanya ka nagtatrabaho. Isa pa kung mataas ang sahod nila bakit may mga ahenteng may asawa na nag-sasabi na hindi sapat ang kita nila para mapunan ang pangangailangan nila sa buhay gayung simple at payak lang ang pamumuhay nila?






Ang mga taga-call center ay maraming pera.

- Hindi naman po totoo. Nakadepende ito sa tao. Kung marunong ka humawak ng pera may maiipon ka. Kung wala kang sinusuportahan kundi ang sarili mo lang maaari, pero hindi nangangahulugan na kapag nasa ganitong industriya ka eh madami ka ng pera at para kang ATM kung maglabas ng pera. May iba pa nga sa kanila nakukuha pang sumide line na mag tinda ng kung ano ano sa mga ka-team mate nila pandagdag lang sa bi-monthly na sahod.





Ang mga taga-call center mayayabang purke magaling mag english

- Alam naman nating halat na hindi ang lingwahe ng tao ang batayan para sabihin na magaling sila. At hindi lahat ng mga tao na nasa ganitong industriya ay masasabi na nating magagaling. Sa totoo lang kahit ang linguwahe na ito ang puhunan ng mga tao sa BPO, may mga nagkakamali pa rin, may ilan na hirap pa rin pagdating sa construction of thoughts, may iba na pilipit pa din ang dila at may iba na minsan eh masakit pa rin sa tenga pakingan.






Bakla ang mga nag-ta-trabaho sa call center.

- Huh? May issue po ba kayo sa mga nasa LGBT? Eh ano naman po kung may mga lesbian at gay sa BPO? Wala pong discriminasyon sa sexual preference ang mga nasa BPO as long as kaya mo magtrabaho at i-deliver ang hinihingi ng client nyo, Go for gOld lang mga teh at koya. Kahit nga edad ng isang tao ay hindi batayan para i-hire ka ng kumpanya. Isa pa, Kung ang lalaki ba ay kayang mag salita ng direchong english bakla na? So ang mga polito, abugado, business man, Managers at iba pang propesyon na nakuha ng isang lalaki at kaya nya magsalita ng english bakla na agad? Oh come on!!!! Wag judgemental.


Hindi talaga maiiwasan ang stereotyping lalo na kapag walang idea ang mga tao sa isang bagay at kung makikinig lang sya sa sabi sabi. Minsan yan ang mahirap sa atin. Mas maganda siguro na medyo slightly mag-investigate muna tayo ng kaunti para may idea tayo saka natin i-confirm kung may katotohanan para hindi natin mastereotype ang isang bagay... Ano sa tingin nyo?



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. I used to work in a call center for 3 months but the shifts were killing me. I felt like a zombie

    ReplyDelete
    Replies
    1. Zombie, vampire, werewolf lahat na ata ng mga creatures of darkness pwede maging ikaw kapag nasa BPO ka lolz

      Delete
  2. Totoo naman mga sinabi mo Rix dahil I use to work in a call center environment 3 years ago at agree ako sa mga sterotypical connotations sa mga call center agents lalo na ung mga gays at saka ung maraming pera at malaki sahod he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay naku yan mga yan ang isa sa mga paulit ulit na bagay na nakakasawa na sagutin lolz

      Delete
  3. Nung bagong graduate pa lang ako, sa mga call center ako unang nag-apply.
    Nung nakita ko yung ilang mga call center agent, na-aastigan ako sa kanila :)
    Ang cool ganun, saka yun nga feeling ko sosyal ang level nilang lahat hehehe.

    I admire them kasi mahirap kaya ang puyatan and if ever magchange ako ng work, mag call center ako, kasi feeling ko napak diverse ng mga tao sa ganyang industriya, parang ang saya! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. If ever na gustohin mo na mapunta sa ganitong industria sir Jep, look for a good company ☺

      Delete
  4. #ifeelyou a lot. i'm a BPO person myself and siguro tayo na talaga ang pinaka "judged" sa lahat ng empleyado. what people don't realize and still cant accept is that we're almost running this country. if not for us, baka fourth world country na ang Pilipinas. it's sad why some people can so easily say bad things about something they don't even understand or have not experienced yet. #hugot hahaha. no offense to anybody.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha uu nga parang lahat na lang may iuugnay sa atin lolz. Malala ang hugot ha ☺

      Delete
  5. Normal na tao din ang mga nagtatrabaho sa mga BPO companies. Nai-stress, napapagod, nagkakasakit... hindi sila mga Superman at di rin mala-Bill Gates ang yaman haha!

    ReplyDelete
  6. Kainis yung mga taong nage-stereotypes.

    ReplyDelete
  7. may ganun talagang mga tao. wag na lang pansinin. :D

    ReplyDelete
  8. well sa lahat ng mga bagay may stereotype. the world is full of labels and that is so sad.

    ReplyDelete

hansaveh mo?