Monday, February 29, 2016

Tiyabi

Check-up Time:2:22am

Hindi ko alam pero lately eh madami akong nakikita na couples na either yung lalaki ang chubby tapos sexy ang babae o chubby ang babae pero hunk o slim ang lalaki.

Sa totoo lang bilang isang chubby natutuwa ako makakita ng mga ganito dahil lumalakas ang loob ko na may pag-asa ang mga tulad naming chubby na makatagpo ng tao na tanggap ang bawat layers ng fats namin, umaalog naming mga tyan sa bawat hakbang namin at ang mga pumuputok naming mga tyan.



Sa totoo lang bata pa lang ako ay tabain na talaga ako. Ewan ko ba napakasarap naman kasing kumain. Nung nasa elementary ako, sinama ako ng teacher ko bilang benificiary sa gift giving activity ng mga taga-Don Bosco (proxy ako kasi may sakit yung ka-klase ko) para sa mga malnorished na estudyante. Medyo hesistant ang nagbigay ng lootbag na may lamang bigas, noodles at delata sa akin. Sa tingin nyo bakit kaya?

Kahit na nung nagkasakit ako at nasa hospital, may gerd! nahiya ang mga pasyente sa ward namin dahil ako lang ang may sakit na magana kumain.

At dahil sa tamad ako noon sa mga gawaing bibigay ka ang todo todong effort eh hindi natatagtag ang taba ko at di na nila ako tinantanan since then. At dahil sa paglobo kong ito ay unti unting nawala ang self confidence ko dahil sa alam ko na hindi ako yung tipo na kayang magpakuha ng litrato ng naka topless (Ewan ko lang kung di mabigla ang makakita ng picture ko na nakatopless sa laki ng manboobs ko. lolz!).


Lalo  pang nag pababa ng kumpiyansa ko sa sarili ay ang discriminashen sa mga tiyabi. Dati kapag tiyabi ka wit ka pwede maging bida. Di ka pwede ka magka-lablayp ng maganda at sexy / gwapo at hunk. Hindi ka pwede maginarte kasi nga mataba ka dapat ang mag iinarte lang yung mga petite ganown.

Ilang beses na din ako na hopia kapag sasabihan ako na ok lang daw kahit na chubby ako, masarap naman daw ihug (stuffed toy?) pero hanggang salita lang yun dahil mafe-friendzone ka lang o kaya naman eh bigla na lang mawawala at di na magpaparamdam. Pero ayos lang naman yun, Mahirap ang ipilit mo sa tao na tanggapin ka kasi alam mo na hindi pure ang lahat ng ginagawa nya sa iyo unlike sa tao na ikaw na ang umaayaw eh sila ang lumapit sayo kasi tanggap ka nila kahit na sangkaterba ang cellulite mo.

Pero ewan ko, sadya nga siguro nagbabago ang mga trip ng tao (O yung iba nakikiuso lang). Bakit????

Nang una akong makapunta sa Boracay natuwa at na amaze ako sa mga tao dun. kasi yun lang ang lugar na napuntahan ko na hindi nadiscriminate ang taong mataba kasehodang nagmumura ang mga cellulite nila sa binti, braso at sa tagiliran ng katawan. Deadma sa sa earth kung pang patatim na yung binti mo basta fierce ang swim suit mo. Keri lang kung nauuna ang tyan mo sa dibdib mo kapag suot suot mo ang very sexy mong trunks at ang pinakanakakalurkey dun eh ang makita mo na naglalakad ang mga couples na nakaholding hands na either si girl o si boy ang chubby.


Nasabi ko tuloy sa sarili ko "Shet! may pag-asa pa pala ako na may makalambuchingan sa beach". Laki ang pasasalamat ko kay Leonardo DiCaprio kahit na hindi ko sya masyado bet (alam ko naman na di nya rin ako bet so fair enough! choz lang) ng dahil sa kanya nauso ang dadbod pero hindi ko maconsider na dadbod ang katawan ko dahil hindi mukang daddy ang katawan ko, muka akong tao na may salbabida sa loob ng damit hihi.


Sa totoo lang iba din ang respeto ko sa mga tao na napili na magmahal ng mga chubby (o masasabi ko na mataas ang respeto ko sa kanila), dahil sa mundong ito na madami ang matang mapanghusga ay pinili nila ang kagustohan ng puso nila na mahalin at makasama ang tao na gusto nila sa kabila ng malalaki nilang size kesa sa isipin kung ano ang sasabihin ng publiko sa kanila.

So ano nga ba ang pinaglalaban ko dito sa post kong ito?????


























Wala naman

gusto ko lang sabihin na chubby ako!













Utang na loob hanapan nyo na ako ng love life...........















Charot lang! Sa totoo lang masayang masaya ang puso ko hihihi.

(credits to the owner of the pics)


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. Feel na feel ko itong post na ito. Mabuhay ang mga differently sexy! Hahaha! Nice trunks! Ang fierce! Hehehe!

    So now I know na sa boracay pala ako dapat pumunta. Hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lolz dyan lang ako nakapag trunks sa totoo lang.

      Yep you should try visiting the place. Ang beach na for all body types nyahaha

      Delete
  2. Talaga namang may surprise lagi sa bandang ending ng mga post. Wag kang mag alala, marami akong kilalang chubby at chubby din ang kanilang lovelife. Minsan nga kapag nagkukuwento sa akin, ayaw nila sa payat ang naiisip ko. Pero hindi ako gagawa ng post dahil sa pagiging payat dahil wala akong trunk pic na ipapakita, ha,ha,ha! Toothpick lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha!

      cute kaya ng chub to chub na couples ☺

      Delete
    2. I mean chubby yung kakilala ko at chubby yung lovelife nila. :)

      Delete
    3. Yep cute din naman ang chub to chub eh hihihi

      Delete
  3. Hahaha Hoy naka relate ako dito haha chubby people unite.

    ReplyDelete
  4. Chubby here , present he he ... but nung teens me super payatot me as in parang palito ng posporo , lately lang lumobo na ang tiyanenat ko he he ... INF type ko yang song mo ha isa sa fave ko yan Dreams by The Cranberries : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. May pambili ka na ng food? Nyahaha.

      Delete
  5. Tampok sa blog post na ito ang picture na nakatalikod. Haha!

    ReplyDelete
  6. Natawa ako sa ang pwede lang mag-inarte ay ang mga petite :)

    Sa pagkakatanda ko sa aking buhay hahaha, parang halos lahat ng mga "tiyabi" (gaya ng sabi mo) na aking nakilala ay mga masasayahing tao, hindi ko alam if likas ba talagang ganun :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha.

      Dinadaan na lang namin kasi lahat sa tawa ☺

      Delete

hansaveh mo?