Wednesday, February 7, 2018

Feb-ibig

Check-up Time: 6:59am

Hello February!

Ito nanaman ang February eh, susko makakaramdam nanaman tayo ng mga pagyanig sa mga madadaanan nating mga inn, motel at appartel at may mga lalabas sa mga establishment na yun ng pagod. Alam nyo na siguro ang naganap. May nag-gym sa loob. Charot lang!

Bakit ba kapag ganitong buwan ang daming bitter? Hindi ba tayo pwedeng maging masaya sa mga taong extended ang new year? Chareng! O sumama na kayo sa ampalaya festival kung ka-career-in nyo maging better.

Mageemote naman ang iba na Self Awareness Day. Sige na nga aware ka na sa sarili mo... Aware ka ng single ka at walang mababago dun. Kung di ka kikilos at gagawa ng paraan mananatili kang single kaya naman landi landi din o para paraan din kapag may pagkakataon dabar?

Hindi ka gustohin kaya ka walang partner? Naku ha kung maganda/gawapo ka at yan ang linyahan mo pwede ba? Don't me! In denial ka pang choosy ka lang kaya wala ka pang partner. 

Ganyan din ba ang linyahan ng mga tulog nung nagsabog ng kagwapohan/kagandahan si Lord sa lupa? Pwes don't me din! Madami na ako kakilala na masakit na nga sila sa mata tignan pero sila pa may gana mag loko at di lang 2 minsan higit pa dun. O dinaig ang gwapo/maganda? Eh di kayo na ang takot maubusan at gutom sa pagmamahal. Galit na galit? hahaha


Sobrang depress na ba mamshie at papshie dahil wala kapang partner since birth? Susko makaramdam ka! Ibig sabihin lang nito ipinanganak kang independent (pero kawawa ka talaga, belat! Charot lang hahaha) Wag kang umarte na end of the world na dahil wala ka pang partner. Nabuhay na nga since birth na wala kang partner eh, ngayon ka pa mag-gi-give up? Laban lang mamshie at papshie.


Imbes na hanap ka ng hanap ng signs kung sino magiging partner mo, bat di sya ang hanapin mo at di yung kung ano anong signs. Wag mo masyado pahirapan ang sarili mo mamshie/papshie sabi nga ni Zenaida Seva may sarili tayong free will gamitin natin ito. Elaborate ko pa ba?

O dahil Valentines nanaman nag-babalik ang mga ginalingan video clips ng Jolibee ng tungkol sa pagibig. In fairness may kurot naman talaga sya sa puso at makakaramdam ka ng kilig. Mga manhid lang talaga ang hindi makakarelate dito. Kurutin kaya sila sa fes ng nailcutter ng makaramdam din sila. Chos! hinihintay ko na lang mabuhay sa hukay ang mga video kinembot ng Mcdo.

At dahil puro pagkain ang huli kong nabanggit, nakakaramdam ako ng very very light na gutom. So alam nyo na. Ngayon Valentines day ikakain ko na lang ito. Tulad ng laging linyahan ni Mr. Tripster na tambak ang labada nya hahaha. Wala an akong paki sa mga bilbil ko.

Muli kong paalala, hindi lang sa dapat sa araw ng mga puso ipinararamdam ang pagmamahal sa inyong mga parter. Dahil kung mahal mo sila dapat ipinararamdam yan whole year round. Okay? Alright? Okay alright?

O sya dyan na kayo, mag bebenta pa ako ng ballon sa labas ng mga motel at inn para dagdag kita. CHARENG!


(ctto of the comic)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. ganun talaga bes dapat may isang araw para mas mainternalize ng mga single kung bakit sila single hahaha joke lang! i love the song on this blog :-D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga ba? Hindi pa ba enough ang malamig nilang pasko? Hahaha. Gusto ko din ang bgm ko ngayon hehehe

      Delete
  2. I tried to find time para makabisita sa blog mo. Between sa tambak kong labahin at plantsahin ngayong araw na ito, gusto ko mag unwind dito sa blog mo. Charot!

    Sa case ko, hindi naman ako choosy. Hindi lang ako nageeffort iparada ang monstrous beauty ko kung saan saan. Minsan napagkamalan na rin kasi akong prostitute sa daan isang gabi. So i guess, mabenta naman din ako. hahaha!

    Sige na. Gotta go back sa gawaing bahay. Ok naman ako today. Isang daang katol ang sinindihan ko para hindi ako pagpiyestahan ng lamok. LOL!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha go lang Mr. T baka naman pwede ako magpalabada sayo? Hahaha

      Delete

hansaveh mo?