Saturday, March 16, 2019

Condolence Heart

Check-up Time: 4:30pm

Sadyang ganito na yata ang lahat
Ang pagtingin mo sa lahat ng meron tayo ay maalat.
Wala na ang tamis na tulad ng dati
Matamlay at hindi na totoo ang iyong mga ngiti.

Nawawala ang malulusog na damuhan sa lambak.
Ang lupa ay tuyo na at bitak-bitak.
Ang dating kay lusog na mga halaman ngayon ay nangamamatay na.
Parang ang damdamin mo sa akin na malapit ko ng ipagluksa.

Dati ay kaligayahan mo ang sa twina tayong magkasama
Ngayon ay mas gusto mo na limitado ang ating pagkikita
Ang dating saya sa iyong labi na puno ng ligalig
Naglaho sa isang iglap at ngayon ay parang nyebe na kay lamig.

Parang ilang libong kilometro ang iyong distansya
Kahit na sa totoo lang ang layo mo sa akin ay iilang pulgada
Nakikita mo lang ang ngiti sa akin labi
Pero ang kalooban ko ay nawawasak na ng unti unti.

Marahil ay kasalanan ko ang lahat ng ito
Pero di pa ba sapat ang lakas at enerhiya na ginugol ko para bumawi sayo?
Sadyang ganun nga siguro ang kasabihan nila
Umaangat ang maliit na mantsa sa puting tela.

P.S. Iba talaga ang nagagawa ng sariling emosyon at karanasan. Minsan nakakagawa ka ng Obra. CHAROT!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

4 comments:

  1. Wow naman. Galing mo pala sa verse : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha may napiga sa ako na creative juice siguro

      Delete
  2. sadyang may pag iiba pagtagal....parang walang forever...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami qng darating pero iilan lang ang nananatili

      Delete

hansaveh mo?