Nung nakaraang Biyernes eh balak ko muna umidlip bago sana ang huling shift ko sa trabaho kaso. Ang totoo wala ako sa mood magtrabaho kasi naman weekend mo na ako. Ewan ko ba di ako dalawin ng antokyo Japan.
Bigla bigla na lang ay naisip ko, ang haba na pala ng quarantine days at tunay ngang pang PBB ang eksena ng lahat, kung di lang ako naging alay ng bahay namin na lumabas para bumili ng mga needs essentials namin eh feel na feel ko na nasa bahay ako ni kuya.... Kuya Eddie Charot!
So eto na nga, bigla ko na lang naisip na, simula pala nung nagtrabaho ako matapos ko mag college eh kaunting panahon lang din pala ang naigugol ko sa pamilya ko. Kahit na sabihin ko na may restday ako eh ito namana ng panahon na umaalis din ako ng bahay para magkaroon ng social life at iba pang mga bagay bagay sa buhay and before you know it... Balik work na ulit sa sunod na araw.
Oo may mga panahon naman na kasama mo ang pamilya mo birthday, pasko, bagong taon, espesyal na mga okasyon pero sa araw lang na iyon.
Siguro ang isang bagay lang din na nagustohan ko sa ecq na ito ay ang nakasama ko ang pamilya ko na parang nasa mahabang bakasyon lang na araw araw mong nakakasama at may interaksyon. Bigla tuloy may kumurot chubby kong heart. Naisip ko kasi na kung kasama pa sana namin ang mama ko, magiging napakasaya ko dahil sa sobrang daming bagay na ang namiss ko sa kanya mukang magiging isang maganda sanang oportunidad yun para magkaroon kami ng oras na maenjoy ang presensya ng isa't isa.
Bukas ay simula na ng gcq, madami ang nagsasabi na ito daw ang simula na ng survivor Philippines- the covid-19 edition at sinabi na nila na ang ibig sabihin ng gcq ay "get cremiated quickly". Iba iba ang opinyon ng mga tao sa transition ng lipunan patungo sa gcq may pro may cons. Madami man ang ayaw o madami man ang may gusto isa lang ang malinaw. Hanggang walang vaccine para sa covid walang safe. Lahat ay prone sa sakit at walang sino man ang immune sa sakit.
Sa ganitong panahon isang commercial lang talaga ang naappreciate ko. Yung sa tuwing pakikinggan ko sya parang nagpapaalala sya na kahit na medyo hindi maganda ang nangyayari ngayon eh makakabangon at makakabangon pa din ako... Ikaw at lahat lahat tayo...
Palakasan na lang ito ng loob. Walang susuko dahil babangon tayo ☺
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!