Wednesday, May 20, 2020

Happy to serve?

Check-up Time: 11:20pm

At nagbabalik at muli pang babalik ng mag babalik pa din ☺

Simula nung nag-lockdown dahil sa pandemic crisis eh nag-simula na din ako mag trabaho sa bahay. Noong una akala ko masaya sya, na isip ko na lang na this is it, ma-e-experience ko na din mag-work sa bahay namin. Like, ito yung isang bagay talaga na I want to try.

1st week okay sya, like feel na feel ko sya kasi kapag lunch ko nakakatulog pa ako nakakasave ako sa pamasahe, nag-wowork ako kahit naka boxer lang ako like wala akong paki kasi nasa bahay lang me.

And then 2nd week medyo narealize ko I was na-i-is-struggle na. Bakit? Before na mag-simula ang lockdown eh nag-shift ako ng support. Ang stressful is sa department namin hindi ko maintindihan kung bakit walang concrete na documented process kung paano gawin ang support nila. Ang document nila is very general na hindi applicable sa lahat ng situation kaya naman kapag nag deadend ka ito yung mga time na mapapa-novena ka na lang.

3rd week ayun na ngapalpak here, palpak there palpak everywhere. Sumakit ang ulo ko dahil sa mga error na sinasabi ko... Yung pag deadend na na hindi mo na alam ang gagawin mo... Yung parang nasa stiwasyon na na nag-e-LBM ka at napunta ka sa CR ng fastfood tapos aabutan ka na pero walang tabong may tubig o tissue. Yung mapapa-pray ka na lang ng ilang Hail Mary at our Father, ganun! Idagdag mo pa ang naging meeting ko sa bisor ko kasama ang nasa quality team namin para idiscuss ang error ko. Alam ko may error ko pero wait, may problema din sa side ng training at ng management. Ang problema lang sa bisor ko hindi muna sya nag root cause analysis bago sya magsalita at mag-bida bida. Sa huli imbes na ma-motivate ka lalo kang nawalan ng gana.

4th week ayaw ko na na nakikita ang laptop na issue ng kumpanya. Nakikita ko pa lang sya drain na ako. Hanggang sa sinabihan ako ng best friend ko na umattend ng isang webinar. Mukang interesting ang topic kaya nag register ako.

1 oras ang webinar ang topic paano mo magagawang mag-ignite ulit ang passion mo sa pagta-trabaho... Interesting di ba? Sa buong tips nila ang huling apat na tip ang pinaka gusto ko. Sabi ng nag conduct ng seminar.  Kailangan samahan o kausapin mo ay ang mga taong positive ang sinaasbi dahil maaring nilang mapagaan ang loob o nararamdaman mo. Sunod tap at the back. Every success o task na natapos mo sa isang araw malaki man yan o maliit is a victory and you need to commend yourself kasi you give your effort to it. Sunod is to treat yourself in every victory. It doesn't need to be grand as long as you feel that you are celebrating your victory and last, if you feel that the last 3 is not working its time for you to move on.... Hindi ka na masaya sa mga nangyayari sayo, at kung maisip mo na umalis ng company pwede mo gawin but be sure na pag-isipan mo munang maigi.

Dahil sa seminar na yan ay nagkaroon ako ng matinding self assessment at matinding pagninilay nilay. Dun ko naramdaman na hindi na ako masaya sa ginawa ko dahil nawawala na ang dating fulfillment na nararamdaman ko nung nag-si-simula pa lang. Ayaw ko dumating sa punto ng career ko I going to drag myself to work.

Sa ngayon ay I live with the last 3 tips na natutunan ko, pero kapag talagang walang nagbago siguro panahon na talaga para iconsider ko ang last tip.

Kayo anong kwentong work from home nyo?


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

10 comments:

  1. nakakatuwa naman na naibalik ka ng webinar na iyon sa pagiging energetic at passionate na rix :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. siguro nasa 50% pa lang hahaha sana lang di ako topakin ☺

      Delete
    2. Yes. Attending that webinar is a form of self care. Alagaan ang sarili, Rix!

      Delete
  2. naku, dito sa Japan, request lang ang mag-work from home.. Laboooo... At ang mga preschools, unlike elementary, jr high and high schools na mandatory closed for a period of time, yung schools namin ay open and operational, BAU lang.. buti na lang wala kaming mga parents na naka-assign sa mga COVID hospitals.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang hirap di ba? School pa ang isa sa mga mahirap din gawan o isipan ng paraan kung paano makakapag operate

      Delete
  3. Mukhang tayong apat na lang ang active sa blogspot. Hahaha. At si Olivr.

    Di ko rin trip ang WFH. Pero ako, mas may acceptance na mukhang magtatagal pa ganito ang work set up ko.

    May mga document ako na wala sa laptop at cloud namin. So talagang imposible yung ilang trabaho. Kapag nagdedemand ang iba na magrpoduce ako ng output kahit alam nilang kailangan ng file na nasa opisina, nireremind ko sila na nasa probinsiya ako. Pwede nila isecure ang copies ng file sa opisina tapos iprocess ko. Lockdown pa rin kami. Kaya imposible na makaluwas ako pabalik sa Kalakhang Maynila.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Boss dito pa po ako Pinoy Trending Lyrics buhay pa since 2012 hehe sana mapansin nyo po ako. sumusuporta ako at nagbabasa sa mga gawa nyo =)

      Delete
  4. Ahahah Oo nga.

    Naku yan ang nakakainis minsan, mahirap ang kumilos kapag kulang kulang ang dokomento mo. Mas lalo nakakastress.

    ReplyDelete
  5. kaya mo yan Rix! Nag-struggle ka lang naman talaga dahil sa WFM pero kung back to normal na baka macontrol mo mga error.. huwag ka sana umabot sa Tip #4 . ingat Rix...

    ReplyDelete

hansaveh mo?