Tuesday, May 28, 2013

Tumbalik.

Check-up Time: 2:48am

Matagal na panahon na din ang ipinaghintay ko buhat ng huli kong maramdaman ng mainit na mga palad na dumampi sa aking pisngi. Halos di ko na matandaan kung ilang araw, linggo, buwan o taon na ang lumipas.

Nasa gunita ko pa ang mga panahon na nakatayo ako sa tarangkahan ng aking silid o tulala sa durungawan. Umaasa na masisilayan ko muli ang mata na nagbibigay sa akin ng kaligayahan, ang ngiti na nag bibigay sa akin ng buhay ang boses na nagsisilbing musika sa aking tenga subalit ako ay na bigo.

Mahabang panahon din na nanatiling buhay ang pag-asa sa aking puso na muli, ikaw ay kakatok sa harap ng aking pinto at iyong tatawagin ang aking pangalan na puno ng paglalambing, subalit nanatili lamang itong pantasya, marahil ito ay dala ng aking pananabik sa iyo.

Madalas kong silipin ang lalagyanan ng mga liham, umaasa ako na baka may liham ako mula sayo na nagku-kwento at magsasabi kung ano na ang nagyari sayo subalit maging ang lalagyanan ay tulad ko rin na nananabik sa balita na galing sa iyo.

Hindi na mabilang ang mga gabi na hindi ako dalawin ng antok dahil sa pag-a-alala ko sa iyo, hindi na mabilang ang mga panahon na kasabay ko na lumuluha ang langit dahil sa kalungkutan, hindi na mabilang ang mga malalamig na gabi na nasabik akong hagkan ka at hindi na din mabilang ang mga importanteng araw natin na ako lamang ang gumugunita.

Panahon ang tumulong sa akin na maging matatag. Buwan ang nag mulat sa akin sa katotohanan. Oras  ang tumulong sa akin para asikasuhin ang sarili ko at natutunan ko na mahalin ang kabuohan ko bawat minuto.

Ilan nga ba ang dumamay? gaano nga ba kadami ang sumaklolo? mabibilang ko nga ba ang mga nag-alala sa akin? maliit o malaki man ang kanilang naitulong lubos pa rin akong natuwa dahil sa unti unti ay nakabangon ako sa labis na pighati na pilit akong nilalamon.

Maliliit na hakbang upang matanggap ang mga naganap. Normal na mga habang para makisabay sa pagbabago. Mabilis na hakbang para sa paglimot at mas mabilis pa na mga hakbang patungo sa nalalapit ko ng kaligayahan.

Bumalik na ang ngiti sa aking mga labi, Puno na ulit ng buhay ang aking mga mata, masigla na ulit ang aking katawan, masayahin ng muli ang aking pagkatao pero sa hindi inaasahang dahilan, ako ay nabigla sa aking nabanaag.

Hindi ako binibiro ni tadhana, hindi din ako niloloko ni pagkakataon. Gusto kong magalit sa kanila subalit maging ako ay walang kakayahang makipagtunggali sa kanila. Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay manalig...







Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Saturday, May 25, 2013

4 pic 1 word

Check-up Time: 4:42am

Halu mga pasyente sa asylum!

I have a butterfly in my stomach... opo may nakain po ako 3 hihihi gutom lang?

Recently, ako ay naging abala dahil sa gusto ko ma-achive. Tignan nga natin kung mahuhulaan nyo, daanin natin sya sa isang laro.

Lets play 4 pic 1 word the asylum edition.. Pagnahulaan nyo ang project na gusto ko i-achive kayo ay mananatili na sa asylum ko forever at di na makakalabas pa.... tyars lungs gusto ko lang po malaman kung kaya nya hulaan... O game na po ba?



Clue: Emotion






Clue: synonymous to travel









Clue: Place in Luzon




Ay naku alam ko naman mahuhulaan nyo yan, ang gagaling nyo kaya, kaya naman deads na ahaha.



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!

Thursday, May 16, 2013

ang pakikibaka ng aking Mata

Check-up Time:10:54pm

Halu mga pasyente!!!!

Kamusta naman? Daming ganap noh? after ng Mother's day eh Election day naman so kaya pa ba ng mga powers nyo? kung keri pa good ibig sabihin mataas ng resistance nyo sa pagod pag hindi na ok lang yan baka signs of aging... Chars!

Sploking of resistance, eh sa totoo lang ay ginagawan ko na ng paraan ang problema ng mata ko na na-chika ko na sa inyo sa mga previous hanash ko.

Almost a month ago na nag-undergo ako ng lasik suitability test medyo. Nakakawidang sya. Iku-kwento ko lang ng very slight para naman aware po kayo sa mga pre-test na gagawin. Malalaman sa test na ito kung ano ang procedure na dapat gawin if ever na gusto nyo icorrect ang defect nyo sa mata.

So ito na nga, gumising ako ng 12pm ng Sabado ng hapon dahil ang schedule ng pregnancy test ko ay 2pm, ay mali....lasik suitability test pala yun...

So iyon na nga hinanda ko na ang sarili ko with the help of mga kasama ko sa bahay parang ganito..














Dahil sa mata ko ang ichecheck dapat maayos sya para naman walang reklamo ang doctor kaya naman ayan mayos na maayos sya, parang ganyan....















O di ba? di nakakahiya kay doktora dahil sobrang ayos ng mata ko at di sya masyadong disturbing? nyahahaha.



Henny waste, ito na nga tamang tama lang ang oras ng pag dating ko sa hospital maaga pa kaya may oras pa ako hanaping ang department kung saan gagawin ang check up ko... Nadismaya ako sa unang napuntahan ko. Doon kasi ako dinala ng mga paa ko dahil sabi ng kutob ko iyon ang tamang department eh ang napuntahan ko ala ay...







Oo, tama nga na dito talaga ako nararapat pero mata ang pakay ko that day, so big X sya sa akin... Simula nanaman ng walkaton ko para hanapin ang tamang department. Hindi nagtagal ay nakita ko rin ang Lasik Eye Department ng Asian Hospital. Nahiya naman ako kasi grand entrace ako, parang premier night lang may red carpet at talagang hinihintay pala nila ako....











Vungga di ba? I feel so valued, charut! So, tulad ni Loley sa piktiyur... fill-up fill-up din ng form pag may time so pinaupo muna ako sa very comfy nilang upuan kaso lang pang single lang ang upuan nila so solo ko ang upuan, so casual lang ng upo ko promise ganto lang oh,









Tapos tinawag na ako para mag prepare na daw sa test, so ako naman ay tumayo na at ihinanda ko ang sarili ko para sa test tumayo lang ako sa labas ng silid kung saan iche-check ang mata ko tulad nito.








After a few heto na dinala na ako sa testing room nila. Nagulat ako kasi ang dilim ng room. Tinanong ako ng assistant ko ready na daw ba ako. Tumango lang ako and then..... Pinitik ni assistant ang mga daliri nya at biglang umilaw ang disco ball maya maya may lumabas ng mga girlalet na naka tangga at sumasayaw to the tune of buttons ng pussycatdolls parang ganito lang






Pero shempre tulad ng ussual charut lang yun noh ehehehe.... Pinaupo ako sa isang upuan at may machine sa harap nito sabi ng nag aasist sa akin eh itetest daw nito kung kaya nyang marecognize yung mga primary colors ito yung machine na yun..






Nahihirapan ako sa test na ito dahil sa kailangn ay dilat talaga ang mata mo upang mascan ng machine ang mata ko kukuha sya ng mga imahe ng mata mo. Inabot na ako ng labing walong minuto dahil sa hindi nito makuhaan ng maigi ang mata ko kaya sa sobrang inis ko nung sinabi ng nag-aasist sa akin na "open your eyes wider" ito ang ginawa ko.







"Good shot" sabi ng nag a-assist sa akin. kaya naman pinasunod ako sa kabilang table para sa isa pang test. I-che-check naman daw ng machine na iyon ang kakayahan ng mata ko na masustain ang liwanag. May ripple pattern na liwanag ang machine na iyon at kailangan mo na tumingin sa gitnang ilaw nya tapos nito ay masusukat na ng aparato ang resistance ng mata mo sa liwanag. Ito ang machine na sinasabi ko






Ang sumunod na test ang halos nagpaiyak sa akin. Schirmer's test ang tawag doon kung saan susukatin ang moisture ng mata mo. Sa test na ito ay lalagyan ng espesyal na papel ang dulo ng mata at ito ay tatagal ng limang minuto sasadyain ng papel na ito na paluhain ka dahil sa susukatin nito kung sapat ba ang luha na nagagawa ng mata mo upang manatiling lubricated ang mga mata, tulad nito:





 Sa totoo lang nahirapan ako sa test na ito dahil aminado akong mahapdi ang papel na nilagay nila dahil sasadyain talaga nila na mairitate ang mata mo. Medyo nakakairita talaga sya at makati sa mata pero awa ni Lord normal naman ang lumabas sa resulta sa test na ito. Ang sumunod na test ay medyo ikinatakot ko kasi kailangan i-check ang thickness ng cornea ako. Ibig sabihin ay tutusukin sya, hindi ba tunog palang eh nakakatakot na dahil sa tutusukin daw. Mas ikinawindang ko nung sabihin na 5 beses daw tutusukin ang mag kabilang mata ko. Aatras na sana ako sa test na iyon pero sinabi ng nag-aasist sa akin na hindi sya ganun kasakit dahil sa ang dulo nito ay malabot at parang foam. Sinubok ito sa balat ko para malaman ko kung ano ang i-e-expect. Ito ang ginamit na gadget sa test na iyon:








Sunod na test naman ay ang normal na test na madalas gawin kapag magpapagawa ka ng salamin at ito ang aparato na iyon:





Pero, nagulat ako dahil mas advance ang gamit ng Asian Hospital dahil sa kaunting adjustment lang ay nalaman agad nila ang ang antipara na gamit ko ay walang grado para sa astigmatism ng mata ko. Tinaasan lang ang grado nito para maging compatible ang parehong mata ko at sinabi nila na ito ang dahilan kung bakit di naco-correct ang grado ng astigmatism ko.

Matapos kunin ang lahat ng datos at gumawa ng report ang mga assistant para basahin ng doktor. Sabi ng doktor sa akin na maganda ang kundisyon ng cornea ng mata ko at nakapasa ako sa lasik suitability. Nirekomenda nila na pwede ako mag undergo ng lasik eye procedure para ma-correct ang astigmatism ko at ma-correct na din ang panlalabo ng mata ko. Sinabi ng doktor na kayang ibalik sa 20/20 ang vision ng ko sa procedure na ito. 

Sa ngayon ay inihahanda ko na lang ang halagang kailangan para sa gagawing lasik treatment sa mata ko. Tulad ng inaasahan ng doktor ko, bago matapos ang taon ay maayos na ang deperesya ng utak mata ko. Sasali muna ako sa game show para magkaroon ako ng pera, mahirap ba mag papalit ng cheque sa bangko kapag ganito kalaki ang cheque mo?



Haist, sige na nga magwo-work muna ako para naman di na ako mag loan sa coop namin para sa treatment ko hihihi.


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!

Sunday, May 12, 2013

Happy Mother's Day...

Check-up Time: 12:12am




Mama, Inay, Ina, Nanay, Mamang, Mommy, Mom, Mamu, Mudang, Mujay, Mudrax, Inang, Mother, Momsie, Mamita, Nanang....

Paano nyo man tawaging ang inyong ina, paki bati sila ng isang....


"MALIGAYANG ARAW NG MGA INA"





Mama, I miss you. I LOVE YOU PO....



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... 
God Bless!

Saturday, May 4, 2013

Patalastas - Part 2

Check-up Time: 2:06pm

Aloha-mora mga pasyente!


Ngayon ay ang mga commercial sa youtube na pinalakas ng facebook ang pag-uusapan natin ok???


Youtube - isa sa pinakapowerful na medium para ipakita sa lahat ng tao sa buong mundo ang isang bagay na di lang basta basta dahil moving objest ang nakikita mo. simula sa archived (hindi lahat) hanggang sa pinaka uso at maging parody ng isang orihinal na pangyayari ay may makikita ka.


Sa totoo lang minsan eh nakakainis ang mga video na shinishare sa facebook na kapag pinanood mo naman eh wala kapararakan, sustansya at bitamina pero ngunit subalit datapwat..... May mga video talaga na sadyang maka-ilang beses kong inuulit-ulit dahil sa iba ang impact ng video na yun....


Recently after lunch namin ng mga kakaopisina ay tumatambay kami sa parking lot ng building para magpababa ng kinain namin. Ang siste din eh konek konek din kami sa "why pie" tapos heto na kung di music video, cover video eh mga kakaibang video ang mga pinag papanood namin 


Ito ang mga nakakatuwang, nakakainspire at nakakaantig na mga commercial na gusto ko na shinare ng kungsino sino sa fesbuk....



1) Powerful ka ba magbukas ng bottled beer? well, itry mo si Ateh...
Babala: wag mag-conclude agad... tapusin muna ang commercial ehehehe:.






2)  Mas gusto mo ba ang malaking dibdib at ayaw mo ng flab na tummy? sana ganito lang kadali hihihi
Babala: Nakakamanha, Mapapa-WOW ka bigla....






3) Isang commercial na walang pinipiling preference sa kasarian.
- Ang commercial na ito ay inilabas ng Mcdonalds sa France upang ipaalam sa mga citizen nila na kailan man ay di ginawa ng kanilang establishment ang mamili ng kasarian ng kanilang customer. Lahat ng tao ay malugod nilang tinatangap sa kanilang store. Kung tulad ng pamunuan nila ang ibang establishment, ay naku hayahay ang buhay....







4) Ito naman ang isa sa mga commercial na kumurot sa taba at bilbil ko puso ko.
Babala: maghanda ng tissue..... dagdagan mo na ng tinapay at palaman... gutom na ako... tiyars :D






5) Inspirational naman ang sunod na commercial maaantig ka sa stragol ng girlalet na ito kung paano nya gustong makamit ang kanyang pangarap para sa mentor nya na nagtiwala sa kanya..
Babala: lagi gumamit ng shampoo na gamit ni ateng because in the long run you will shine...... like a diamonds :D






6) Napaguusapan na rin lang naman ang shampoo eh alam nyo ba mga guys na di tayo dapat gumagamit ng shampoo ng mga babae? Alam nyo ba kung bakit? Panoorin.
Babala: nakaka- vakler






O di ba bongga ang mga commercial na yan. At ito ay hatid sa atin ng....

YOUTUBE, ang TUBE na made just for YOU... charuts!

Na pinalakas ng advertisement ng.....

FACEBOOK, ang tanging BOOK na may FACE... Charuts ulit! hihihi.



O sya, dahil sa mukang pang-bekibells ang last na commercial eh hayaan nyo na lang na sayawan kayo ng beking ito para maaliw kayo. Ito ang isang malaking halimbawa ng confidence na kahit na malaki kang tao eh  walang maliit na espasyo sa malaking tulad nya..

Mabuhay ang mga tiyabiiiiiiiiiiii nyahahahaha.
Babala: Hindi na ito commercial ha.. 




O di ba? kinaya mo ba? Ahaha.. ANGHIT PA!!!


Naku sa susunod na nga baka mamaya video na ng nyorn ang maipost ko :D

'Til next issue mga pasyentes..



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
 God Bless!

Friday, May 3, 2013

Can we still be friends?

Check-up Time:  5:41 am


HALUUUUUUUUUU!!!!!!


Nagulat ka ba dahil nagparamdam ako sa asylum ko? Parang hindi naman...


Henny waste! Lets move on to the topic,


Possible ba na maging magkaibigan kayo ng "EX" mo matapos ang mga pinagdaanan nyo?


Well para sa iba yan ay isang million dollar question. Eh para sa iyo? Pag-out of the blue ay tinanong ka ng ganyang tanong ano ang isasagot mo?

Sa may mga access sa music room ni Maestro Sinto-Sintonado, tara kantahan tayo to the tune of "Can We Still Be Friends" ni Mandy Moore at tignan natin ang isang makatas na pananaw ni Maestro sa usaping iyan...


Nais ko din po na ipabatid sa inyo na natapos ko na din sa wakas ang manuscript ng kwentong nilikha ko para sa kahilingan ng kaibigan sa panulat na si Jondmur.


Malapit na ako mag pa-enroll at sabik na akong magkaroon ng student discount. Yahoooooo!


Pasensya na din kayo kung limitado ang pag u-update ko sa asylum, medyo tinatamad kasi ako eh di ba Fiel? nyahahahaha.


Bago ko tapusin ang entry na ito ay nais ko pong pasalamatan si 



sa pagpapa-check up sa baliw na inyong lingkod.




Hanggang sa susunod at sana po ay may mga susunod pa hihihi.....


Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik... God Bless!