Saturday, May 4, 2013

Patalastas - Part 2

Check-up Time: 2:06pm

Aloha-mora mga pasyente!


Ngayon ay ang mga commercial sa youtube na pinalakas ng facebook ang pag-uusapan natin ok???


Youtube - isa sa pinakapowerful na medium para ipakita sa lahat ng tao sa buong mundo ang isang bagay na di lang basta basta dahil moving objest ang nakikita mo. simula sa archived (hindi lahat) hanggang sa pinaka uso at maging parody ng isang orihinal na pangyayari ay may makikita ka.


Sa totoo lang minsan eh nakakainis ang mga video na shinishare sa facebook na kapag pinanood mo naman eh wala kapararakan, sustansya at bitamina pero ngunit subalit datapwat..... May mga video talaga na sadyang maka-ilang beses kong inuulit-ulit dahil sa iba ang impact ng video na yun....


Recently after lunch namin ng mga kakaopisina ay tumatambay kami sa parking lot ng building para magpababa ng kinain namin. Ang siste din eh konek konek din kami sa "why pie" tapos heto na kung di music video, cover video eh mga kakaibang video ang mga pinag papanood namin 


Ito ang mga nakakatuwang, nakakainspire at nakakaantig na mga commercial na gusto ko na shinare ng kungsino sino sa fesbuk....



1) Powerful ka ba magbukas ng bottled beer? well, itry mo si Ateh...
Babala: wag mag-conclude agad... tapusin muna ang commercial ehehehe:.






2)  Mas gusto mo ba ang malaking dibdib at ayaw mo ng flab na tummy? sana ganito lang kadali hihihi
Babala: Nakakamanha, Mapapa-WOW ka bigla....






3) Isang commercial na walang pinipiling preference sa kasarian.
- Ang commercial na ito ay inilabas ng Mcdonalds sa France upang ipaalam sa mga citizen nila na kailan man ay di ginawa ng kanilang establishment ang mamili ng kasarian ng kanilang customer. Lahat ng tao ay malugod nilang tinatangap sa kanilang store. Kung tulad ng pamunuan nila ang ibang establishment, ay naku hayahay ang buhay....







4) Ito naman ang isa sa mga commercial na kumurot sa taba at bilbil ko puso ko.
Babala: maghanda ng tissue..... dagdagan mo na ng tinapay at palaman... gutom na ako... tiyars :D






5) Inspirational naman ang sunod na commercial maaantig ka sa stragol ng girlalet na ito kung paano nya gustong makamit ang kanyang pangarap para sa mentor nya na nagtiwala sa kanya..
Babala: lagi gumamit ng shampoo na gamit ni ateng because in the long run you will shine...... like a diamonds :D






6) Napaguusapan na rin lang naman ang shampoo eh alam nyo ba mga guys na di tayo dapat gumagamit ng shampoo ng mga babae? Alam nyo ba kung bakit? Panoorin.
Babala: nakaka- vakler






O di ba bongga ang mga commercial na yan. At ito ay hatid sa atin ng....

YOUTUBE, ang TUBE na made just for YOU... charuts!

Na pinalakas ng advertisement ng.....

FACEBOOK, ang tanging BOOK na may FACE... Charuts ulit! hihihi.



O sya, dahil sa mukang pang-bekibells ang last na commercial eh hayaan nyo na lang na sayawan kayo ng beking ito para maaliw kayo. Ito ang isang malaking halimbawa ng confidence na kahit na malaki kang tao eh  walang maliit na espasyo sa malaking tulad nya..

Mabuhay ang mga tiyabiiiiiiiiiiii nyahahahaha.
Babala: Hindi na ito commercial ha.. 




O di ba? kinaya mo ba? Ahaha.. ANGHIT PA!!!


Naku sa susunod na nga baka mamaya video na ng nyorn ang maipost ko :D

'Til next issue mga pasyentes..



Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
 God Bless!

22 comments:

  1. ang galing nung sa huling video. snappy saka graceful siya sumayaw. ayos.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha at naka heels sya dun :D stig di ba? ahaha

      Delete
  2. Sobrang aliw! Ang haba gumawa ng commercial ng Thailand ah. Yun yung girl sa A Crazy Little Thing Called Love diba. Fave ko yung first vid tsaka yung last, nakakatuwa ang lambot ng katawan nung fat guy haha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marj yan din napansin ko meron pa silang magagandang commercial na 9 minutes ang run :D parang mini serye :D

      Di ko sure di ko pa sya napapanood eh ahaha.

      Astig ni ate magbukas ng bottled beer. winner!

      Delete
  3. Ang pinaka ayoko sa napapanood ko ishini-share ng iba ay yung may sisigaw na aswang sa huli ng video. Ang Corny lungs! Di naman nakakatakot.

    1. Antawa ko naman kay ate! Kala ko e... hahaha!

    2. Biglang sexy si ate! Instant! Kung totoo lang sana yon, maraming bibili sa iniindorso nya!

    3. Spoiler ang caption mo. ;)

    4. Napanood ko na sa FB ito at talagang nakakatats nga!

    5. Mala August Rush ang eksena dito. Hahaha!

    6. hahaha! tawang tawa naman ako dito! Ang ganda lang ng buhok ni koya!

    Naenjoy ko ang vids! Thanks for sharing!

    At, may pahabol pa palang Vid. Ang galing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sayaw ka nga ganyan i-vblog mo... dali na 1 time lang.

      Delete
  4. haha napanuod ko na ung last three commercials kaya ung first three na lng pinanuod ko
    napaisip ako sa una ee green minded ko pala hahaha!
    tas sa panglawa aba naku ganun lang pala kadali ee!
    at sa pangatlo! ngiti na lang si kuya sa usapan nila haha! all boys pala!

    at sa dance video parang si ruby rodriguez lang ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha kaya mo ba mag vblog ng sayaw Mecoy? gawa ka din ahahaha.

      Delete
  5. tawa ako ng tawa. at yung last video wagas! ang sexy lang ng tabachuy na yun

    ReplyDelete
    Replies
    1. awts huhuhu... grabe ka sa mga tiyabi. Diyowks lang ahahahaha

      Delete
  6. aliw na aliw ako doon sa mamang mataba...na challenge naman ako haahaha...charut..
    grabe ka saan mo pinag kukuha ang mga yan?
    pero aliw talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha mga ni share lang yan sa amin Gens ehehe

      Delete
  7. #laughtrip

    Gustng-gusto ko ang comedy ng Thailand! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha Gord gusto ka din daw nila :D

      Delete
  8. Nag enjoy nanaman ako ng sobra sa mga commercials mo Rix! more to come!

    ReplyDelete
    Replies
    1. weh? yung totoo? ahahaha joke lang salamat :D

      Delete
  9. ang galing nung last vid. Talagang may pitik at sexy magsayaw ni koya. *applause*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Di ba nga po? ahahaha kulet noh... salamat sa pagbisita sa asylum :D

      Delete
  10. hi!sorry, off topic.

    mots na lang. baka malaman pa ng mga bisor tong pinaggagawa ko sa comics mahirap na. salamat!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sorry Sir ehehehe. thanks po sa abiso :D

      Delete
    2. saaalaaamaaat!cyberhug!!! XD

      Delete
    3. Walang ano man Sir maliit na bagay lang po yun ehehehe:D

      Delete

hansaveh mo?