Matagal na panahon na din ang ipinaghintay ko buhat ng huli kong maramdaman ng mainit na mga palad na dumampi sa aking pisngi. Halos di ko na matandaan kung ilang araw, linggo, buwan o taon na ang lumipas.
Nasa gunita ko pa ang mga panahon na nakatayo ako sa tarangkahan ng aking silid o tulala sa durungawan. Umaasa na masisilayan ko muli ang mata na nagbibigay sa akin ng kaligayahan, ang ngiti na nag bibigay sa akin ng buhay ang boses na nagsisilbing musika sa aking tenga subalit ako ay na bigo.
Mahabang panahon din na nanatiling buhay ang pag-asa sa aking puso na muli, ikaw ay kakatok sa harap ng aking pinto at iyong tatawagin ang aking pangalan na puno ng paglalambing, subalit nanatili lamang itong pantasya, marahil ito ay dala ng aking pananabik sa iyo.
Madalas kong silipin ang lalagyanan ng mga liham, umaasa ako na baka may liham ako mula sayo na nagku-kwento at magsasabi kung ano na ang nagyari sayo subalit maging ang lalagyanan ay tulad ko rin na nananabik sa balita na galing sa iyo.
Hindi na mabilang ang mga gabi na hindi ako dalawin ng antok dahil sa pag-a-alala ko sa iyo, hindi na mabilang ang mga panahon na kasabay ko na lumuluha ang langit dahil sa kalungkutan, hindi na mabilang ang mga malalamig na gabi na nasabik akong hagkan ka at hindi na din mabilang ang mga importanteng araw natin na ako lamang ang gumugunita.
Panahon ang tumulong sa akin na maging matatag. Buwan ang nag mulat sa akin sa katotohanan. Oras ang tumulong sa akin para asikasuhin ang sarili ko at natutunan ko na mahalin ang kabuohan ko bawat minuto.
Ilan nga ba ang dumamay? gaano nga ba kadami ang sumaklolo? mabibilang ko nga ba ang mga nag-alala sa akin? maliit o malaki man ang kanilang naitulong lubos pa rin akong natuwa dahil sa unti unti ay nakabangon ako sa labis na pighati na pilit akong nilalamon.
Maliliit na hakbang upang matanggap ang mga naganap. Normal na mga habang para makisabay sa pagbabago. Mabilis na hakbang para sa paglimot at mas mabilis pa na mga hakbang patungo sa nalalapit ko ng kaligayahan.
Bumalik na ang ngiti sa aking mga labi, Puno na ulit ng buhay ang aking mga mata, masigla na ulit ang aking katawan, masayahin ng muli ang aking pagkatao pero sa hindi inaasahang dahilan, ako ay nabigla sa aking nabanaag.
Hindi ako binibiro ni tadhana, hindi din ako niloloko ni pagkakataon. Gusto kong magalit sa kanila subalit maging ako ay walang kakayahang makipagtunggali sa kanila. Ang tanging magagawa ko na lamang ngayon ay manalig...
Tandaan, sa panahon ng kalungkutan: Pa-check up ka sa adik para lumabas ang saltik...
God Bless!
ano po ba ang iyong nasilayan?
ReplyDeleteang lalim ng post, dapat hindi ko muna binasa ngayong puyat ako hehe :)
Naku pasensya Zai. Mukha ngang malalim kasi kahit ako nalalaliman sa kanya.
Deletesabi nga sa kanta. "that's just the way it is." pero anong konek ng sinabi ko? hahah.. nangungulit lang. pareho ito sa entry na nakatakda ko pa lang ipost. may kinalaman sa liham at pag knock-knock sa pintuan. mahusay 'to kaibigan. lalo sa pagtatapos na ginawa mo.
ReplyDeleteoi salamat, tulad ng dati isang entry na puno ng puzzle. Sa puntong ito mukang mahirap hulaan kung ano meron sa entry na yan ahahaha.
Deletenaku hindi. wala nang kapaan doon. para kasi sa mga marine na nasawi sa sulu. mga bayani sila. masasabing kwentong pambata na rin. hehe.
ReplyDeletekaibigan yung serye nasaan na? excited haha.
ahaha doon talaga na compare... Naku kaibigan ang totoo eh baka malunod na ang mga tao sa asylum dahil sa kasabawan ko di ko alam kung makakagawa pa ako ng serye tulad ng dati pero tignan natin :D
Deleted'yan ako hind naninwala. from out of nowhere nga e tumutumbalik ka. haha.. ^__^ okey lng un. ikw prn syempre ang magdedsisyon. asylum mo ito.
ReplyDeletenyahaha sige sige kaibigan tignan natin :D
Deleteang lalim. nag leak sa nostrils yung brain ko.
ReplyDeleteMaraming salamat sa muling pagbisita Cyron... Yan po ang epekto ng stress :D
Deletelalim ahhh! hmm di ko malaman kun positive ba oh hinde eeh haha!
ReplyDeletepero ayun anu ba to love problem? may pinagdadaanan ka b?
hmm pero sa ending sa tingin ko okay namn na diba? keep smiling parekoy
Agad agad Mecoy? ahaha lumabas lang ang kwento na yan out of the blue nung na bored ako sa office parekoy :D
Deletewagas kung umibig! that's some serious shit! good luck na lang! iwas muna ako jan...
ReplyDeleteahahaha siguro nga ganyan ang peg ng nasa kwento :D
Deletesimply mind boggling... may pinaghuhugatan ba toh Rix?
ReplyDeletemind boggling o mind blogging ahahahaha. loko loko ka ahahahaha.
DeleteMay saltik ka nga pre! Haha.
ReplyDeleteOh bakit kay lalim ng iyong likhain? Lol.
Gord ahahahaha matagal na kaya akong on and off sa manda ahahaha.
DeleteMalalim ba? hindi yan mababaw lang yan :D
Ang deep naman nyon...pero ganyan talaga ang feeling kung naiiwan tayo ng mahal natin...a part of us is taken too...:)
ReplyDeletexx!
ehehehe thanks muli sa pagbisita Grah :D. Mukang lahat nalaliman dito hindi ba bagay ang maging deep ako ahahahaha
Deleteang lalim.. parang balong puno ng dilim
ReplyDelete:D galing ako doon minsan ahahaha
Delete