Friday, January 31, 2014

Kung Hei FAT Choy!

Check-up Time:

Xin Nian Kuai Le sa lahat ng mga kapanalig sa kabaliwan na Instik at Happy Chinese New Year naman sa mga kapanalig sa kabaliwan na tagalog!!! (Rated K? may translation? lolz)

O napansin nyo ba na taging word na fat lang ang higlighted sa title?

Masaya kasi ako kasi parang tinatantanan na ako ng mga body fats hihihi... Ganito kasi yan...





Sa totoo lang masasabi ko na ang sinisimulan kong pagbabalik ng dati kong timbang ay nararamdaman ko na.

Ayaw ko na na tawagin itong balik alindog program dahil baka tanungin ako ni Denggoy Palaboy kung may alindog ba akiz na dapat ireturn of the comeback eh eversince the world begun its already gone Charlz!

So tatawagin ko na lang syang "Oplan Balingkinitan" O di ba maipilit lang. So heto na ang hanash, kanina magwowork out ako at suot ko na ang pang workout chever kong toxedo at slacks na pants (kayo na bahala mag imagine) ng sinipat ko ang nagmumura kong Tiya Nena. Biglang nagbanatan ang mga wrinkles ko sa muka dahil sa natuwa ako ng very hard ng makita na umimpis ng 15% ang Tiya Nena ko. Super interview ako kay Bunso kung napansin din nya pero gusto ko lang sya pangahan sa sagot nya sa akin... "Hmmmmm well, infairness WALA". Irita muts akiz sa sagot nya pero kumabig si loko "Lagi naman kasi tayo nagkikita kaya di ko pansin no". Sige na nga pagbibigyan ko sya. Pero feeling kiz na its finally coming chrew na.

Super na inspire ako bumalik sa gym last year nung nag plano kami ng hard, harder, hardest na magpartee partee sa Vorecey!!! Syempre Pinangarap ko na magtrunks man lang o mag topless sa Vorecey tulad nito...












awtsu, wrong piktiyur lolz




















Medyo lang na close dito lolz

Kaso mahihiya naman ang alon ng dagat sa alon ng mga bilbil ko sa tyan kung gagawin ko yun. So I hit the gym hard with a hook, jab, uppercut, knee drop, suflex, at pile driver pero ang ending dumating kami ng Vorecey ng tiyabi pa rin akiz. Luz Valdez akiz dahil di ko na achive ang Channing Tatum na figure charut lang!

In Fairview, Quezoon Citeeey! Winnur ang mga tiyabi doon. Hindi issue kung nauuna ang mga Tiyaning Tatum ng mga girlilets sa mga dibdib nila, ikinaganda nila ang mag kaholding hands sila boylet at hindi din issue sa mga guys kung nauuna ang Tiyantal Umali nila at may Ethel Booba pa, kasi ang mga kaholding hands nila eh super curvacious inget muts lang ako, gusto ko na humanap ng blade dun at mag laslas pero syempre charut lang yun henevey!

So heto na dahil may plano ako to go back to the future sa isla ng wagas ang two piece at trunks, pinagiigihan ko ang pagwoworkout ko at kahit na lumabas pa ang almuranas ko kakawork out deadsea lungs hihihi.

Gusto ko kahit hindi masyado define ang figure of speach ko tulad nitez






















ay mali masyado skinny si kuya malayo sa katotohanan... ito pala...



























yung may bilog para malapit sa katotohanan

Pwede na yan kesa naman sa ganito...
























Malay mo eh mas ganahan pa ako at maachive ko itez...






























Ay shemay ano yan sorry very wrong piktiyur ahaha.

Tapos jo-join ako sa beach games, yung ganito...































Opppsss mukang rated spg, patnubay ng magulang ay kailangan...

Ahaha bet nyo ba sumali sa amin? Har Har Har.

Pag naging keri boom boom na ang figure ko pwede na siguro ako maging superhero, ang costume ko ito...




































O sya, magpapapawis muna akiz sa gym... Dyan po muna kayo, til next time po ehehe..


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Thursday, January 30, 2014

Liebster Award

Check-up Time: 2:48pm






Yep ako po ay natag ni teacher Kat sa award na ito... Akala ko po ay sa FAMAS sya, yun pala echuresong frog lang ako ahaha.


So lets get it on ito na!!!!

Here are the rules:
1. Link the blog that nominated you for the award.
2. Answer the 11 questions given to you.
3. Create 11 questions for the people you nominate to answer.
4. Choose 11 bloggers to nominate who have less than 200 followers.
5. Let the people you have nominated know that you have done so.
6. You can't nominate the person who nominated you.

Ito ang mga questions ni teacher Kat:

1// Bakit ka nga ulit nagboblog?
2// How do you mend a brokenheart?
3// Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
4// If you're not human, what are you? why?
5// Tent Camping or Hotel staycation? Why?
6// Quickie or Take your time? Why?
7// What's the best lesson in life you've learned so far?
8// What's your ultimate goal this 2014?
9// What food do you hate the most?
10/ Coffee or tea?
11/ What is the Theme Song of your life?

1) Bakit ka nga ulit nagboblog?
- Ito ang ginawa kong outlet para iexpress ang mga nararamdaman ko na hindi ko masabi ng personal, Oo maaring personal na diary (kahit na pwede basahin ng lahat) ang blog pero nung naglaon ay naging iba ang tingin ko dito. Ang pagbblog ay pagbabahagi ng mga kaalaman, ideya, nararamdaman hindi lamang sa ibang bagay kundi sa halos lahat ng paksa na pwede mong maisip.

2) How do you mend a brokenheart?
- Ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa namin noong magkasama pa kami, pumupunta sa mga lugar na madalas namin puntahan, kumakain ng pagkain na gusto namin at madalas ko tignan ang litrato nya. Naniniwala kasi ako na kapag nag hiwalay na kayo at ginawa mo ang mga bagay na madalas nyo gawin at hindi ka na nakakaramdam ng sakit at pait ay ok na ako at handa ko ng ilet go ang mga kabanatang iyon ng buhay ko.

3) Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
- Hindi, ayaw ko kasi magisip lalo na kung wala naman akong isip... Lolz. Seryoso hindi alam ko naman kasi na iba iba ang taste ng tao mahirap ang maging trying hard ka na gustuhin ang mga gusto ng crush mo. Mahirap pilitin maging ibang tao.

4) If you're not human, what are you? why?
- I" AM SPARTAN AHU! AHU! para naman hunk ang katawan ko lolz.

5) Tent Camping or Hotel staycation? Why?
- Tent camping. Ang saya kaya nun. Adventure.

6) Quickie or Take your time? Why?
- Hahaha nahawa ka a ba kay sep? lolz Joke lang sepsep ehehehe

7) What's the best lesson in life you've learned so far?
- Show how you love the people around you. Maiksi ang buhay hindi mo alam kung hanggang kailan mo sila kasama.

8) What's your ultimate goal this 2014?
- Magkaroon ng "beach body-ish" na figure CHAROT!!

9) What food do you hate the most?
- yung mga extreme exotic na food.

10) Coffee or tea?
- Both, siba lang lolz

11) What is the Theme Song of your life?
- Through the rain ni ate Mariah. hmmm very inspiring kasi yung tipong alam mo na marami ang mga bagay na pwede magbigay ng pasakit sayo pero kapag alam mo na naging mabuti kang tao at naniniwala ka sa sarili mo you can surpass every strugles.

So ito na ang mga question ko na gusto kong sagutin ng mga tao na itatag ko:

1) Ano sa tingin mo ang purpose mo sa earth?
2) Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamili ang lugar kung saan ka titira, saan mo gusto?
3) King bibigyan ka ng pagkakataon na makadati ang isang celebrity sino ang gusto mong idate?
4) Slippers o Shoes? Bakit?
5) Balot o Penoy? Bakit?
6) Gusto mo ba ang tinapos mong course? Bakit?
7) Ano ang isang bagay na gusto mo magkaroon ngayon?
8) If I could fall into the sky do you think time would pass me by?
9) Where do broken hearts go?
10) Do you know where you're going to?
11) Do you like the thing that life is showing you?

Nutty Thoughts
Jon DMur
FiftyShadesOfQueer
Kalansay Collector
Ms. Lee
Mr. Tripster
Jei Son
Ric
Fiel-Kun
Zai Zai
Gracie
D. Gravity


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, January 27, 2014

Relo

Check-up Time: 8:24pm

Ilang taon ko na din iniingatan ang relo na ginagamit ko. Para sa akin napakahalaga nito dahil sabay nating binili ang relo ko na kawangis na kawangis ng sa iyo.

Kahit na humantong sa magkaibang landas ang daan na tinahak natin ay inalagaan ko ng husto ang relo na ito dahil ito lang din ang nagsilbi na alaala mo.

Kahit pa marami ang mga gasgas sa salamin nito na iniisip kong ganito din kadami ang mga sugat na ginawa mo sa puso ko, ay hindi ko sya magawang ipagpalit sa iba kong mga ginagamit na relo. Namumukod tangi ang bagay na iyon para sa akin.

Nagmamadali ako na umalis ng bahay dahil sa natatakot ako na abutan ng traffic. Natatandaan ko na nakalapag iyon sa mesa dahil inipon ko ang mga bagay na dadalhin ko sa araw na iyon. Sapagkakatandan ko ay sinuot ko na ito matapos kong bigyan ng yakap ang aking ama para mag paalam na ako ay papasok na sa trabaho.

Sinuot ko ang headset ko at nakinig ng musika sa aking cellphone. Nasa bus na ako na nagkaroon ako ng dahilan para sipatin kung ano na ang oras ng mapansin ko na wala ang relo ko.

Nag text ako sa tatay ko ganun din sa aking kapatid upang tignan kung naiwan ko ang aking relo subalit nabigo silang makita.

Pakiwari ko ay nasira ang bracelet nito na syang madalas na maging sira nito at nahulog sa daan.

Ito na ba ang hudyat na kailangan ko ng harapin ang buhay na wala ang alaala mo? Panahon na siguro para tapusin na ang pagdadalamhati ko ay yakapin ang bagong mga araw na malayo sa anino ng nakaraan ko....



(credits to the owner of the pic)




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, January 24, 2014

Apollo...

Check-up Time: 11:41pm


Ang entry na ito ay rated SPG...















Gusto kitang tikman Apollo.














Hindi ka mawaglit sa aking isip sinula nang matikman kita.

















Ang karanasan ko na ubod ng sarap.


















Kaligayahang hindi ko maalis sa akin isipan.
































Ang makita ko ang hubad na kabuohan mo.























Ang pagdikit ng mga labi ko sa bawat parte mo.





















Ang lahat ng ito ay kakaibang sarap na hindi ko makalimutan at hinahanaphanap...





























Kailan kaya kita muling matitikman..




































 Apollo.....








Ang chocolate at blueberry wafer na ito ay dala ng officemate ko from Zamboanga noong nagbakasyon sya.





Kayo ha alam ko nanaman yang iniisip nyo...



Umayos nga kayo! Charot lang ahahaha.




Ang entry na ito ay hindi pala Strong Parental Guidance... Strong Patay Gutom po pala Charez! LOLZ



 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, January 19, 2014

Bakit po? Pa-explain po!!!

Sinumpong ng: 12:00pm


Bakit nagsara ang Asylum?

1) Ang asylum ko ay ikinandado ko na dahil sa ipinanganak na ang bago kong pahina..

2) Dito ko nalaman kung sino talaga ang mga talangang nagbabasa at sumusubaybay sa pahina ko... Totoo ikinataba ng man boobs ko ang mga komento ninyo nung ipinaalam ko na magsasara na ang Asylum ko.





Bakit ako nag palit ng blog name?

1) Ang haba kasi ng pangalan ng una kong blog hirap tandan lolz.

2) Dahil sa pangalan ng luma kong page ay parang isang mortal na kasalanan sa akin ang mag-post ng entry na hindi kakikitaan ng komedya at kabaliwan. Kahit wala akong isip eh napapadalawang isip ako kung mag popost ako ng emo lolz.

3) Sa bagong pangalan ng Blog ko eh mas mukang mas malaya akong makakapag post ng mga entry na sumasaklaw sa obserbasyon, sariling pananaw, sariling opinyon, mga adkang base sa fiction o maaring malapit sa tunay na buhay at syempre pa, ang komedya.

4) Halos kabaliwan pa rin naman ang tema ng pahinang ito subalit sa tingin ko ay mas akma sa akin ang bago nitong pangalan.


Bakit psychoRix?

1) Kasi nga po ayaw ko na ng mahabang name ng blog.

2) Pinagsama ko ang pangalan ko at ang character ko sa blog na baliw kaya nabuo ang pangalan na psychoRix.

3) Malapit pa rin sa personalidad ko ang pangalan ng blog ko kaya sa tingin ko ay ito ang mas akmang pangalan para sa bago kong pahina.




Ito po ang ikalawang taon sa pagbo-blog ni Rix, kilala din bilang Rixophrenic.. Maraming salamat sa mga nanatiling nakakapit sa pahinang ito... Ikinalulugod ko hangang gulugod ko ang pananatili nyo sa page ko hihihi....


Cheers sa mga taon na patuloy na pinapatulan ang page ko ahahaha.....



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!