Monday, January 27, 2014

Relo

Check-up Time: 8:24pm

Ilang taon ko na din iniingatan ang relo na ginagamit ko. Para sa akin napakahalaga nito dahil sabay nating binili ang relo ko na kawangis na kawangis ng sa iyo.

Kahit na humantong sa magkaibang landas ang daan na tinahak natin ay inalagaan ko ng husto ang relo na ito dahil ito lang din ang nagsilbi na alaala mo.

Kahit pa marami ang mga gasgas sa salamin nito na iniisip kong ganito din kadami ang mga sugat na ginawa mo sa puso ko, ay hindi ko sya magawang ipagpalit sa iba kong mga ginagamit na relo. Namumukod tangi ang bagay na iyon para sa akin.

Nagmamadali ako na umalis ng bahay dahil sa natatakot ako na abutan ng traffic. Natatandaan ko na nakalapag iyon sa mesa dahil inipon ko ang mga bagay na dadalhin ko sa araw na iyon. Sapagkakatandan ko ay sinuot ko na ito matapos kong bigyan ng yakap ang aking ama para mag paalam na ako ay papasok na sa trabaho.

Sinuot ko ang headset ko at nakinig ng musika sa aking cellphone. Nasa bus na ako na nagkaroon ako ng dahilan para sipatin kung ano na ang oras ng mapansin ko na wala ang relo ko.

Nag text ako sa tatay ko ganun din sa aking kapatid upang tignan kung naiwan ko ang aking relo subalit nabigo silang makita.

Pakiwari ko ay nasira ang bracelet nito na syang madalas na maging sira nito at nahulog sa daan.

Ito na ba ang hudyat na kailangan ko ng harapin ang buhay na wala ang alaala mo? Panahon na siguro para tapusin na ang pagdadalamhati ko ay yakapin ang bagong mga araw na malayo sa anino ng nakaraan ko....



(credits to the owner of the pic)




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. Replies
    1. wala kang pasok noh? ehehehe. yep i let it go na...

      Delete
  2. Ibig sabihin, gustong sabihin sa iyo ni Tadhana na iwanan mo na ang nakaraan. Siya na ang gumawa ng paraan para tulungan kang makalimot ng lubusan. *hugs*

    ReplyDelete
  3. sabi nga nila mahirap pakawalan ang bagay na mahalaga pa sa iyo (sa nakaraan) pero kailangan mong gawin upang mas maging masaya ka sa kasalukuyan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi Zero sa muling pag bisita mo..

      Uu nga, panahon na talaga ;)

      Delete
  4. alam mo ba yung kantang, The art of letting go?

    listen to it... namnamin mo hihihi :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. yep alam ko yun. iba kasi ang dating nu sa mga nagttrabaho sa call center lolz...

      ang art ng pag drop ng call ng hindi nahahalata nino man lolz.

      Delete
  5. Buti na lang relo lang yan eh kung diamanteng singsing, may letting go kaya. Siguro we can let go of the person pero yung singsing itatago natin, he,he,he. Puwedeng isanla!

    ReplyDelete
  6. andrama... ! makakakita ka rin ng bagong relo mas maganda pa kesa sa batayan ng maganda mong relo noon.. :)

    ReplyDelete
  7. minsan mahirap maglet go, pero kailangan. hehe.

    apir sa bagong relo! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamuch KC ehehehe... medyo nakakalito lang sya. pero masasanay din ako lolz.

      Delete
  8. Time to move on. Look for a better one...

    ReplyDelete
    Replies
    1. i think im wearing a better watch now ehehehe.

      Delete

hansaveh mo?