Thursday, January 30, 2014

Liebster Award

Check-up Time: 2:48pm






Yep ako po ay natag ni teacher Kat sa award na ito... Akala ko po ay sa FAMAS sya, yun pala echuresong frog lang ako ahaha.


So lets get it on ito na!!!!

Here are the rules:
1. Link the blog that nominated you for the award.
2. Answer the 11 questions given to you.
3. Create 11 questions for the people you nominate to answer.
4. Choose 11 bloggers to nominate who have less than 200 followers.
5. Let the people you have nominated know that you have done so.
6. You can't nominate the person who nominated you.

Ito ang mga questions ni teacher Kat:

1// Bakit ka nga ulit nagboblog?
2// How do you mend a brokenheart?
3// Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
4// If you're not human, what are you? why?
5// Tent Camping or Hotel staycation? Why?
6// Quickie or Take your time? Why?
7// What's the best lesson in life you've learned so far?
8// What's your ultimate goal this 2014?
9// What food do you hate the most?
10/ Coffee or tea?
11/ What is the Theme Song of your life?

1) Bakit ka nga ulit nagboblog?
- Ito ang ginawa kong outlet para iexpress ang mga nararamdaman ko na hindi ko masabi ng personal, Oo maaring personal na diary (kahit na pwede basahin ng lahat) ang blog pero nung naglaon ay naging iba ang tingin ko dito. Ang pagbblog ay pagbabahagi ng mga kaalaman, ideya, nararamdaman hindi lamang sa ibang bagay kundi sa halos lahat ng paksa na pwede mong maisip.

2) How do you mend a brokenheart?
- Ginagawa ko ang mga bagay na ginagawa namin noong magkasama pa kami, pumupunta sa mga lugar na madalas namin puntahan, kumakain ng pagkain na gusto namin at madalas ko tignan ang litrato nya. Naniniwala kasi ako na kapag nag hiwalay na kayo at ginawa mo ang mga bagay na madalas nyo gawin at hindi ka na nakakaramdam ng sakit at pait ay ok na ako at handa ko ng ilet go ang mga kabanatang iyon ng buhay ko.

3) Have you ever wondered kung bakit di ka crush ng crush mo? Anong napala mo sa pag-iisip?
- Hindi, ayaw ko kasi magisip lalo na kung wala naman akong isip... Lolz. Seryoso hindi alam ko naman kasi na iba iba ang taste ng tao mahirap ang maging trying hard ka na gustuhin ang mga gusto ng crush mo. Mahirap pilitin maging ibang tao.

4) If you're not human, what are you? why?
- I" AM SPARTAN AHU! AHU! para naman hunk ang katawan ko lolz.

5) Tent Camping or Hotel staycation? Why?
- Tent camping. Ang saya kaya nun. Adventure.

6) Quickie or Take your time? Why?
- Hahaha nahawa ka a ba kay sep? lolz Joke lang sepsep ehehehe

7) What's the best lesson in life you've learned so far?
- Show how you love the people around you. Maiksi ang buhay hindi mo alam kung hanggang kailan mo sila kasama.

8) What's your ultimate goal this 2014?
- Magkaroon ng "beach body-ish" na figure CHAROT!!

9) What food do you hate the most?
- yung mga extreme exotic na food.

10) Coffee or tea?
- Both, siba lang lolz

11) What is the Theme Song of your life?
- Through the rain ni ate Mariah. hmmm very inspiring kasi yung tipong alam mo na marami ang mga bagay na pwede magbigay ng pasakit sayo pero kapag alam mo na naging mabuti kang tao at naniniwala ka sa sarili mo you can surpass every strugles.

So ito na ang mga question ko na gusto kong sagutin ng mga tao na itatag ko:

1) Ano sa tingin mo ang purpose mo sa earth?
2) Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamili ang lugar kung saan ka titira, saan mo gusto?
3) King bibigyan ka ng pagkakataon na makadati ang isang celebrity sino ang gusto mong idate?
4) Slippers o Shoes? Bakit?
5) Balot o Penoy? Bakit?
6) Gusto mo ba ang tinapos mong course? Bakit?
7) Ano ang isang bagay na gusto mo magkaroon ngayon?
8) If I could fall into the sky do you think time would pass me by?
9) Where do broken hearts go?
10) Do you know where you're going to?
11) Do you like the thing that life is showing you?

Nutty Thoughts
Jon DMur
FiftyShadesOfQueer
Kalansay Collector
Ms. Lee
Mr. Tripster
Jei Son
Ric
Fiel-Kun
Zai Zai
Gracie
D. Gravity


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

22 comments:

  1. Na-mention talaga ako dito huh. Bakit ba kapag kabatusan, ako agad ang ina-associate niyo? *hahahahahahahaha!* Aychechuol! :*

    ReplyDelete
    Replies
    1. ahaha ano ba joke lang yun lolz

      Delete
    2. Awesome teacher yan si sepsep. Hahahaha...

      Delete
    3. @KC nyahahaha
      @Sep hindi ako nag sabi nyan ha lolz.

      Delete
    4. sep si teacher kat ohhh ahahaha.

      Delete
    5. Napakadalisay at mayumi ko kaya. Daig pa nga kita Yccos eh! LOL

      Delete
    6. wala ikaw na ang ubod linis @sep

      Delete
    7. sorry natawa lang si FSOQ

      Delete
  2. dahil natag na mga dapat kong itag dito na lang ako sasagot gaya nung ginawa ko kay sepsep. hehe

    1. magmaganda? charot. haha well to touch the lives of the filipinos? charot ulit. haha
    2. london, englanda. ewan. may fascination ako sa london at sa mga british. lol
    3. uhm si dennis trillo crush ko e. hihi pero gusto ko ring makadate si papa p!!! :)
    4. depende sa ganap. kung chill chill lang slippers, kung medyo formal or may ganap, shoes.
    5. penoy. hindi masyadong messy kainin. haha ang arteh ko lang.
    6. ay sobra! sobrang naenjoy ko ang course ko nung college at nagagamit ko naman siya ngayon.
    7. fault in our stars ni john green. or plane ticket papunta kahit san. :)
    8. yes. if you make your way downtown, walk fast as faces pass and you're home bound.
    9. i dont know but i hope they can find their way home.
    10-11. yes and i like the things that life is showing me.

    adiktus answers!!! haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. true ahaha keri lang yan more baliw more fun...

      Delete
  3. Salamat PsychoRix :) Baliw tayo pareho. Patola pareho :D mwuahugz... At pwede sumagot lang din para masaya!
    1) ang maging hardworking earthling.
    2) Sa Maldives siguro. Para chill lang. Hehe.. Lakas-makamayaman ng lugar. Wahehehe..
    3) si JLC!
    4) Tsinelas. Para lang nasa bahay.. Hahaha
    5) balut! Kasi marunong akong kumain ng balut. Hahaha
    6) i think, oo naman. Technically, nagagamit ko na sya pero yung major ko, hindi.
    7) boyfriend! Hahaha.. Ay bagay pala, sige, bagong unan na lang. Lols.
    8) oo naman, kasi ang accelaration due to gravity ay 9.8 m/s2.
    9) sa pagawaan ng mighty bond o kaya sa recycling shop, hehe..
    10) uhmm... Sa Binondo, pagkatapos ko nito sagutin. Hihi,
    11) hmm.. Hindi, pero do I have a choice? Either embrace it or ignore it lang yan... ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha ayos pwede ang mga sagot pero sinamahan mo pa ng physics dahil dyan 98.9% ang grade mo lolz.

      Delete
  4. 1) Ano sa tingin mo ang purpose mo sa earth?
    - to be of great help and (inspiration - ansaveh?) to others :D

    2) Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mamili ang lugar kung saan ka titira, saan mo gusto?
    - Gusto ko sa Korea at Japan!

    3) King bibigyan ka ng pagkakataon na makadati ang isang celebrity sino ang gusto mong idate?
    - Si Alodia Gosiengfiao :))

    4) Slippers o Shoes? Bakit?
    - Both. Slippers pag maulan. Shoes for cold weather.

    5) Balot o Penoy? Bakit?
    - Penoy. Naaawa ako sa sisiw ng balut eh.

    6) Gusto mo ba ang tinapos mong course? Bakit?
    - Well kinda... mas gusto ko sanang mag take up ng IT dati kaso waley budget namans.

    7) Ano ang isang bagay na gusto mo magkaroon ngayon?
    - Playstation 3

    8) If I could fall into the sky do you think time would pass me by?
    - I think so.

    9) Where do broken hearts go?
    - No idea eh. Siguro kung saan makakahanap sila ng inner peace.

    10) Do you know where you're going to?
    - Saan nga ba? lol

    11) Do you like the thing that life is showing you?
    - Sort of... minsan ayus sa alright, minsan sakto lng lol

    ReplyDelete
  5. Dito na lang din po ako sasagot. La na rin ako ma-tag. Haha.

    1. To be devirginized. Jowk. Di ko pa alam. Yet to be known. All I know is I want to have a generous heart to be able to help other people. Tska generous bulsa na rin. Hehe.

    2. Dito pa rin sa Pilipinas at dito pa rin sa probinsya ko. Kung papipiliin man ako ng lugar sa probinsya ko sana sa Elbi or dito pa rin sa bayan namin. :)

    3. Xian Lim. Hihihi. Kinilig ako bigla. Pwede rin kay Tom Rodriguez. Hihihihi. Ay pwede rin si Aljur Abrenica. Pwedeng humirit ng isa pa? Gusto ko rin kay Papa P at Diether Ocampo. Hahah! Pagbigyan.

    4. Shoes. My feet tend to dry easily so whenever I use slippers I have to have lotion with me. Hassle.

    5. Di pa ako nakakatikim ng Penoy at sabaw lang kinakain ko sa Balot. So, balot? :)

    6. Yes. Although, I have to say it's an acquired interest.

    7. Nokia Lumia 1050, a tub of Whey Protein, and an Android tablet. Haha. It's a tie between the three of them. I recently had a Lumia 625 and I fell in love with it. So in love that I want to have their flagship device. As for the Whey Protein, I need it for le gym sesh. The android tablet is so-so.

    8. Di ko nagets ito. So, um pwedeng Yes na lang?

    9. Sa bar then after ng bar e sa motel. Hahaha!

    10. Yes. I just need the confidence to make the first step.

    11. Yes. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks for sharing your thoughts ehehehe

      Delete
  6. gusto ko sana makisagot kaso di ako na-tag.. lol. joke lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha pwede ka naman sumagot Sir loz. go lang ng go!

      Delete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Salamat Rix sa pagtag. May sagot na ako, post ko nalang pagnasagot ko rin yung tinag sa akin dati ni fiel na isa ring award para isang publicity nalang ;)

    ReplyDelete

hansaveh mo?