Friday, August 22, 2014

Are you Teachable?

Check-up Time: 9:23pm


Hello mga friends ☺

Napansin nyo ba na hindi masyado comedic ang mga post ko ngayon? Well, hindi lang kayo ang nakapansin nyahahaha. Ako man dama ko sya. Ewan ko ba medyo seryoso ang peg ko ngayon. And I really don't know why?

Hindi ko naman iniisip na sign of maturity ito, kasi may mga tao na kahit matured eh alam ang ibig sabihin ng sense of humor.. At isa sa pinaka magandang attitude, behavior at personality ng tao ang may sense of humor pero ewan ko nga ba? Hindi ko makita ang sense na yan sa akin ngayon lelz.

Henny ways! Who knows naman in the next post eh bigla gumana ang creative juices ko for comedic post...

O sya, I just want to share this news letter that our company is rolling out... Nakakatuwa na pagmuni-munihan yan promise!



==== **** ====


Sa kabilang dako.....

Sa mga kamukha kong estudyante! naku malapit na ang mid-term dama nyo ba ang nerbiyos? Ang parang jinajabar kayo kapag may exam? Yung mag-ni-ninja moves kayo magkasagot lang ang papel nyo? Hihihi that is what I miss in college. Tulad kanina, Inaantok pa ako ng pumasok sa classroom dahil sa galing pa ako ng trabaho, sinabi nga kaklase ko na may pre-midterm exam daw kami at kapag nakapasa exempted na sa mid-term. Aral aralan naman ako kunyare ilang minuto pa ang lumipas dumating na ang Prof ko at nagbigay na ang exam. Jinabar akiz ng hard. Di ko know kung ma-eerna ako dahil sa sobrang hindi ko matandaan ang sagot ibang tanong ni Madam. In fair-view nakapasa ako, kaya naman exempted na si akiz sa midterm sa Physics next Friday. Wala lang naman feel ko lang sya i-share nyahaha.

Enjoy the weekend mga fwenships!

Mwuah! Mwuah! Tsup! Tsup!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Wednesday, August 13, 2014

sa wakas

Check-up Time: 8:04pm

Sa wakas!!!

Natapos ko ng basahin ang aklat ni Ricky Lee na "Para kay B".

Nalungkot ako para sa manunulat na lumikha ang kwento na magisip na may teyorya ang pag-ibig. Dahil sa limang kwento ginawa nya, ang kwento niya ang may pinakamasalimuot na bahagi.

Natutuwa ako sa mga linyang binibitawan ng mga karakter sa kwento. Kung ikaw ay nakaranas ng dalawa o higit pa sa limang kwento ng pag-ibig na nasaad sa libro eh makakarelate ka ng tunay.

Tatlong taon din mahigit bago ko nagawang tapusin ang librong ito.

Ang tao na nagturo sa akin magmahal ang sya ring nagturo sa akin na magustuhang magbasa ng libro. Sya ang nagbigay sa akin ang libro na ito. Sa paglisan niya, ay nahinto din ang hilig ko sa pagbabasa. Subalit sa paglipas ng panahon at sa pagtanggap ng mga bagay na ang masayang pagsasama minsan ay hindi pang habang buhay ay na tututo tayo na mag patuloy. Dahil dito ay nagbalik muli ang interest ko sa pagbabasa at nagawa kong tapusin ang libro na binigay nya.

Sa ngayon ay nag-iisip ako muli kung ano ang babasahin kong libro.

Ingat kayo mga kaibigan ☺

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, August 10, 2014

ABNagBBSNAKo again

Check-up Time: 10:57pm

Hey!


Hey!


I said hey, heeeyyy I love you til the morning comes..... May pag-bo-vocalize? charot!

Kamusta naman kayo? Ako ito ubod pa din ng lusog! nyarots lang!

Minsan sa buhay ko ay naka-adikan ko ang magbasa ng libro.. Minsan sa buhay ko???

Opo! sa totoo lang kasi tamad ako magbasa ng libro. Bihira ako tablan ng amor sa kanila. Pero may mga pagkakataon naman na may libro na sa unang tingin ko palang ay meant to be kami at kailangan ko syang mai-kama...

Oooppps wag bastos.... Maikama kasi sa kama ko ako madalas magbasa ng book. Kung may book ako na gusto ko basahin dapat sobrang relax ang position ko para naman maintindihan ko maigi... Kayo talaga lolz.

So ito na nga, recently ay kasama ko ang kaibigan ko sa isang kilalang bookstore sa mehrow (ngongo!?!) nakita ko sya na tinitignan ang mga libro na gawa ni Ricky Lee. Sabi nya gusto nya mabasa ang "Para kay B".



Noong panahon na naadik ako sa pagbabasa binigyan ako ng dati kong pag-ibig ng kopya ng librong ito. Nabasa ko sya pero hindi ko sya natapos ng dahil sa may parte ang libro na hindi ko masyado gusto at naging busy na rin ako. Sinabi ko sa kanya na ipapahiram ko na lang ang book na iyon.

Sa di ko malamang dahilan parang binigyan na ako ng premonisyon ng panahon na muli akong magbabasa ng libro dahil may nakita akong magnetic bookmark eh nagkaroon ako ng pakiramdam na kailangan ko nito...

True enough, after basahin ng kaibigan ko ang libro ni Ricky Lee eh nabuhay sa kalooban ko a muling buklatin ang mga pahina nito at muling paggunaygunayan ang titik, salita, pangungusap, saloobin at idea ng mga karakter sa librong ito. At ang ginagamit kong bookmark ay ang magnetic bookmark ng 2013 starbucks planner lolz.


Sa ngayon ay lagpas kalahati na ako ng mga pahina ng libro at mas naiintindihan ko ang mga palitan ng linya at mga kaganapan sa bawat bahagi ng kwento ng mga karakter. Sana sa pagkakataon na ito ay matapos ko ng basahin ito at malaman kung talaga nga bang para kay B ang librong ito...

(credits to the owner of the pics)


 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Monday, August 4, 2014

Cold treatment

Check-up Time: 4:14pm

Ang obvious ko daw magbigay ng cold treatment sa tao, yan ang sabi sa akin ng mga kakilala ko. Ewan ko lang, siguro dahil ayaw ko maging fake sa nararamdaman ko lalo na sa tao na in a way ay inisip ko na kaibigan. Ayaw ko maging plastic sa kanila dahil alam ko naman ang talagang nararamdaman ko sa kanila.

Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit pati ang mga tao sa cyberworld eh alam kung nagbibigay din ako ng cold treatment sa kanila... Does it mean I really can't fake my feelings? Arte ko lang! ☺

Pero ewan ko, dahil ba sa kapag nakakausap nila ako nasanay sila na madaldal, ubod ng loko loko, garapal sa pagkabaliw ako kaya naman kapag hindi na ako ganun nakipag usap eh alam na nila na there is something wrong? hmmmmmm possible!

Hayzt! Bakit ba kasi hindi ko kayang maging contributor ng baha sa Maynila at kailangan ko pa tuloy magmukang may dual personality kapag may binigyan ako ng cold treatment...

Hmmm dahil dyan parang gusto ko magpa-hair treatment... Charot lang! maipilit ko lang ahaha.

Hay naku mag-ingat po kayo, maulan ngayon dahil may bagyo ata. Wag kalimutan magdala ng payong..


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!