Sunday, August 10, 2014

ABNagBBSNAKo again

Check-up Time: 10:57pm

Hey!


Hey!


I said hey, heeeyyy I love you til the morning comes..... May pag-bo-vocalize? charot!

Kamusta naman kayo? Ako ito ubod pa din ng lusog! nyarots lang!

Minsan sa buhay ko ay naka-adikan ko ang magbasa ng libro.. Minsan sa buhay ko???

Opo! sa totoo lang kasi tamad ako magbasa ng libro. Bihira ako tablan ng amor sa kanila. Pero may mga pagkakataon naman na may libro na sa unang tingin ko palang ay meant to be kami at kailangan ko syang mai-kama...

Oooppps wag bastos.... Maikama kasi sa kama ko ako madalas magbasa ng book. Kung may book ako na gusto ko basahin dapat sobrang relax ang position ko para naman maintindihan ko maigi... Kayo talaga lolz.

So ito na nga, recently ay kasama ko ang kaibigan ko sa isang kilalang bookstore sa mehrow (ngongo!?!) nakita ko sya na tinitignan ang mga libro na gawa ni Ricky Lee. Sabi nya gusto nya mabasa ang "Para kay B".



Noong panahon na naadik ako sa pagbabasa binigyan ako ng dati kong pag-ibig ng kopya ng librong ito. Nabasa ko sya pero hindi ko sya natapos ng dahil sa may parte ang libro na hindi ko masyado gusto at naging busy na rin ako. Sinabi ko sa kanya na ipapahiram ko na lang ang book na iyon.

Sa di ko malamang dahilan parang binigyan na ako ng premonisyon ng panahon na muli akong magbabasa ng libro dahil may nakita akong magnetic bookmark eh nagkaroon ako ng pakiramdam na kailangan ko nito...

True enough, after basahin ng kaibigan ko ang libro ni Ricky Lee eh nabuhay sa kalooban ko a muling buklatin ang mga pahina nito at muling paggunaygunayan ang titik, salita, pangungusap, saloobin at idea ng mga karakter sa librong ito. At ang ginagamit kong bookmark ay ang magnetic bookmark ng 2013 starbucks planner lolz.


Sa ngayon ay lagpas kalahati na ako ng mga pahina ng libro at mas naiintindihan ko ang mga palitan ng linya at mga kaganapan sa bawat bahagi ng kwento ng mga karakter. Sana sa pagkakataon na ito ay matapos ko ng basahin ito at malaman kung talaga nga bang para kay B ang librong ito...

(credits to the owner of the pics)


 Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

6 comments:

  1. Puro endorsements, yayaman ka niyan. Sige ikuwento mo na lang sa amin ang laman ng aklat na yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha wala naman ako ni-endorse Sir lolz

      Delete
  2. nice , bookworm ka na he he he ... ganda naman ng theme song nito , LSS tuloy ako he he

    ReplyDelete
  3. Wala pa akong nabasa na libro ni Ricky Lee, pero may binili akong isa na hindi ko pa rin nasisimulang basahin hahaha. Amapola ang pamagat.

    Sana mabasa ko rin yang Para Kay B... :)

    ReplyDelete

hansaveh mo?