Wednesday, August 13, 2014

sa wakas

Check-up Time: 8:04pm

Sa wakas!!!

Natapos ko ng basahin ang aklat ni Ricky Lee na "Para kay B".

Nalungkot ako para sa manunulat na lumikha ang kwento na magisip na may teyorya ang pag-ibig. Dahil sa limang kwento ginawa nya, ang kwento niya ang may pinakamasalimuot na bahagi.

Natutuwa ako sa mga linyang binibitawan ng mga karakter sa kwento. Kung ikaw ay nakaranas ng dalawa o higit pa sa limang kwento ng pag-ibig na nasaad sa libro eh makakarelate ka ng tunay.

Tatlong taon din mahigit bago ko nagawang tapusin ang librong ito.

Ang tao na nagturo sa akin magmahal ang sya ring nagturo sa akin na magustuhang magbasa ng libro. Sya ang nagbigay sa akin ang libro na ito. Sa paglisan niya, ay nahinto din ang hilig ko sa pagbabasa. Subalit sa paglipas ng panahon at sa pagtanggap ng mga bagay na ang masayang pagsasama minsan ay hindi pang habang buhay ay na tututo tayo na mag patuloy. Dahil dito ay nagbalik muli ang interest ko sa pagbabasa at nagawa kong tapusin ang libro na binigay nya.

Sa ngayon ay nag-iisip ako muli kung ano ang babasahin kong libro.

Ingat kayo mga kaibigan ☺

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. Limang kwento pala ang Para Kay B :)
    At isa ay kay Ricky Lee? Interesting.

    ReplyDelete
    Replies
    1. mukang magulo nga sa sinabi ko.. lolz.

      yung story kasi nya is tungkol sa isang manunulat at ang storya ng buhay ng manunulat sa kwento ay sinama nya sa kanyang kwentong pagibig na inalay nya sa mahal nya.

      Delete
  2. naks , natapos din sa wakas after three years whew ... bili pa ng more books to read : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha naghahanap na nga ako ng sunod na book na babasahin

      Delete
  3. woot? bigla tuloy akong na-intriga dito sa book ni Ricky Lee na tinutukoy mo. makaka-relate ba talaga ako dito, pag itoy aking nabasa? XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm malay natin kaibigan isa pala sa mga kwento doon ay hawig ng sayo ☺

      Delete
  4. ANG GANDA NITOOOOOOOOOOOOOOOOOO!!!!!!!!!! I LOVE PARA KAY B!!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha apir!

      dahil isa ka sa mga nakabasa ng masalimuot na kwento ni Irene, Sandra, Erica, Ester at Bessie ☺

      Delete
  5. Awww... Mahirap nga siguro at first kung galing sa kanya, pero buti naman at natapos mo na rin!!!

    ReplyDelete
  6. 'di ko alam kung bakit pero pinaka nalungkot ako para kay Sandra. :((

    nung natapos ko 'to at nagbasa ulit ng isang librong tungkol sa pag-ibig, hindi nagwork. lol* napaka husay lang talaga ni Ricky Lee. I suggest Humor naman :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. parehong malungkot ang kwento ni Sandra at ni Lucas :(

      Delete

hansaveh mo?