Monday, September 1, 2014

"Ber" season na nga.

Check-up Time: 3:59pm

Kamustasa kalaba?

Ano na ang mga ganap sa sari-sariling life natin?

Ako kering keri lang... kering keri na mategi lolz

Patayan na talaga ang sched ko at ngayon ko nararamdaman kung gaano ka hard ang mga ganap sa current life. Demanding na ang mga prof ko pero naiintindihan ko naman. Kahit na 3rd year pa lang ako eh gusto na nila i-anticipate namin ang mga magaganap sa 4th year.

Info overload, mukang kailangan ng utak ko ng panibagong flash drive, ewan ko lang pero yun ang pakiramdam ko. Wala pa kami sa hard core na mga topics eh may 8 kilong dugo na ang lumabas sa ilong ko. Gripo? lolz

Minsan nga nakikita ako ng tatay ko na naglalakad ng pabalik balik sa kusina at may minememorize ako  o parang kinakalma ang sarili ko. Sabi ko way ko ito para irelax ang mga neurons ko para hindi sila mastress dahil alam ko na kung pipilit ko sa sarili ko isaksak ang ibang information sa kokote ko eh sisimulan na ako ng migration.. Migration? Migrane pala lolz.

So ito na nga alam mo ba ang pakiramdam ng punapasok ka sa school unknowing na may exam pala kayo tapos biglang instant pre-midterm pala yung ganap na yun? Haggard mag-review ng less than 1 hours lang at lahat ay iaasa mo sa pornographic memory, este photographic memory pala kung ano ang matatandaan mo na nakita mo sa blackboard nyo during discussion. Hazyt nageevaporate ang mga cerebral fluid ko sa eksena. Paano na lang kaya kung Finals na? Bahala na nga katabi ko chars!

☺ =*= ☺

Nalipat nanaman ako ng bagong team. Sabi nila sa set up ng business sa BPO changes is inevitable pero parang applicable naman ito sa lahat.

Good news:
May mga close ako sa bagong team na ito kaya hindi ko masyado problema ang adjustment.

Bad news:
Mukang magagamit ko nanaman ang poker face skill ko dahil sa hindi ko masyado gusto ang hahawak sa akin.

Kung sa bagay nagta-trabaho naman ako para sa sarili ko, kung ano ang output ko eh output din naman ng hahawak sa akin at output din naman ng account.

Wag lang ako paandaran lalo na at ginagawa ko ang part ko sa team, bilang isang responsableng team member.

** Akala ko may chance pa ako maglevel up sa post ko. Hindi ko na check na mataas na pala ang level ko (nung nag level up ako last May) dahil "Sernior CS Specialist" na pala ako. So hindi na level up ang after ko ngayon. Developing new skill and talent na ang gagawin ko at naka schedule na ito this summer ☺


☺ =*= ☺


Sumali ako sa spread the Positive thought campaign sa Facebook ni mommy Joy ng Joy's Notepad. I was tagged by Fiel ng Fiel-kun's Thoughts. Ang pagkakaintindi ko in the next 5 days magpopost ka ng at least 3 positive random thoughts at itatag mo ang 2 sa mga kaibigan mo para sila naman ang mag share ng kanilang positive though para naman in a way eh mag silibing inspiration sa ibang mga kaibigan mo sa FB.

Ito ang una sa mga Positive Random Thoughts ko:




☺ =*= ☺

"Ber" season na!

Christmas season na at alam na natin na kapag ganitong panahon eh madaming exited na mga tao. At mukang ako pa lang ata ang babati sa inyo ng MERRY CHRISTMAS!!!!

At dahil ako ang unanag bumati, gusto ko lang po ipaalam sa inyo na handa na ako tumanggap ng gifts at cash! Charuts! ahaha

Well, kailangan ko na mag set ng meet up sa mga kaibigan ko sa blog bago man lang mag-December. tagal ng tenga ang meet-up at group eyeball namin hihihi.

Psssst! coordinate nga lolz.




Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. Merry Christmas! Medyo isa ako sa mga excited.

    Ang hindi ako excited ay sa Physics. Hate. Or siguro dahil lang sa Prof ko nun.
    Kaya saludo ako sayo. Nawa'y magamit mo ito sa iyong pang araw araw na pamumuhay. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ehehe merry xmas Red!

      Nyahaha hindi ko naman alam kung magagamit ko yan ng madalas mas masarap pa mkipaglampungan sa unan kesa isipin yan.

      Delete
  2. hey rix, gudlak sa acads! & merry christmas in advance.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sayo Olivr! musta na? long time no hear ☺

      Advance merry xmas din

      Delete
  3. Konting tiis pa kahit maubos na ang dugo mo. Tandaan: Mabuti nang nahihirapan ka sa pag-aaral kaysa naghihirap ka dahil wala kang pinag-aralan. Kahit ako pressured na pressured sa upcoming examination ko sa October. Kaya todo na naman ako sa petiks. Hahaha! Namiss ko talaga ang magbakasyon.


    Kung may mag tag sakin ng positive thinking na yan. Ewan ko lang. I am rage incarnate eh. hehehe!

    Merry Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayun naman! tama ka sa sinabi mo dyan Mr. T. Good luck sa exam mo. Ipagdadasal ko na makapasa ka.

      Delete
  4. maligayang paskooo!

    ay natag din ako sa positive thinking challenge na yan pero bakit iba yung nakarating na sa aking mechanics? haha mga bagay na thankful ka for the day yung ipopost mo for five days ang peg. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay ganun? ahaha yan naman kasi ang pagkakaexplain sa akin ☺

      Delete
  5. I so love September not just because it's my birthmonth but moreso because it heralds the coming of Christmas and New Year .... advance Merry Christmas na din : ) ... hindi pa ako nata-tag sa PTC na iyan huh ... spin-off ba iyan sa ALS buket challenge he he he .... sana may part din na this time ang ibubuhos naman ay mainit na tubig he he he ...just joking, smile September na eh : )

    ReplyDelete
  6. oh diba, 1 week bago ako nakabisita ulit dito lol
    haayyyssssttt... sabaw mode + katamaran = toinks XD

    anyways, MERRY CHRISTMAS din hihihi...
    sobrang bilis ng panahon... pasko na naman!

    kaaliw yang positive thoughts ni Mommy Joy.
    Yung saken nga, di ko pa nagagawa yung pang Day 5 lol

    congrats again sa Physics exam mo :))

    ReplyDelete

hansaveh mo?