Friday, November 7, 2014

Sa Coffee Shop

Check-up Time: 7:50am

Isang kaibigan na matagal nang hindi nagparamdam ang biglang nagyaya na magkita sa isang sikat na coffee shop. Dahil sa hindi naman ganun ka dami ang gagawin ko sa araw na gusto nya ay pumayag ako makipag kita.

Dahil sa likas na maaga sa mga usapan, nauna na akong umorder ng kape at umupo sa lugar na hindi masyadong pansinin ng mga tao. Ilang minuto pa ang nagdaan at dumating na din sya. Sinenyasan nya ako ng o-order muna sya ng kape at tumango lang ako. Pagtapos makuha ang kape nya ay nagtungo na sya pwesto na napili ko.

Ako: O kamusta na? Nakisabay ka sa araw ng mga patay ha, nagparamdam ka.

Friend: Tadu ka talaga. Wala lang na miss kita kausap.

Ako: Weh? Talaga? Parang hindi naman. Naguusap naman tayo sa FB at sa text ah.

Friend: Iba pa rin yung personal.

Ako: Hindi ako naniniwala. Kilala kita. Hindi ka makikipag-kita at makikipag-usap ng personal nga basta basta. Kilala kita simula roots ng buhok mo hanggang ingrown mo. May problema ka noh?

Friend: Hahaha baliw ka.

Ako: Aminado ako na baliw ako at hindi mo na ako kailangan i-remind.

Friend: (tahimik)

Ako: (binasag ang katahimikan) Sya noh? May problema kayo... Ano nanaman ginawa mo?

Friend: Hindi ko kasi sya maintindihan. Ayaw ko kasi sa ibang ginagawa nya. Sinabi ko sa kanya pero nagalit sya.

Ako: Teka, kapag ba sinasabi mo sa kanya kung bakit ayaw mo sa ibang ginagawa nya eh ini-explain mo kung bakit hindi mo gusto yun?

Friend: Hindi na, kasi ayaw ko ng away.

Ako: Ayaw mo ng away pero ano ang nagyayari? Alam mo, kung magka-partner kayo dapat ay open kayo sa mga ikinagagalit, ikinatatampo, hindi nyo gusto. Kasi paano iiwas ang isa sa inyo na gawin ang mga bagay na ayaw nyo paguusapan.

Friend: eh kasi ang pangit ng ginagawa nya.

Ako: Alam mo para sa akin kasabay ng pagmamahal mo sa mga magagandang bagay sa kanya eh dapat mahalin mo ang mga pangit na bagay sa kanya at mga kapintasan nya. Kung gaano sya kalakas kumain, kung gaano sya kalakas humilik, kung may alipunga sya, kung mabaho ang utot nya kasi sya ang gusto mong mahalin eh. Hindi sa magandang aspeto mo lang mamahalin ang tao lalo na at gusto mo sya makasama sa buhay. Kung talagang mahal mo sya, mahalin mo sya ng buong pagkatao nya at dapat ganun din sya sayo.

Friend: Haizt! Salamat ha.

Ako: Saan?

Friend: Sa pakikinig at pagbibigay ng payo.

Ako: Sira ulo, akala mo libre ito... May bayad ito.. Kailangan mo punuin ang sticker ng side ng booklet na ito gusto ko ng planner.

Friend: Grabe ka naman!!!!





Panahon na naman ng pagkumpleto ng mga sticker para makakuha ng planner. For sure ang mga parokyano nag sisimula ng magkumpleto. Good luck!



*** Based on a true story ***






Higit sa planner ang mas gusto ko ay kahit saan sa dalawang ceramic mug na nasa baba, Gusto ko na kasi palitan ang ceramic mug ko sa office.




Isusulat ko na lang ito sa wish list ko dahil sa mukhang forever wish na lang sya hihihi... ☺



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

17 comments:

  1. 'Tis the season to be jolly falalalalalalalah!
    Panahon na naman ng sticker collections for SB planner/mug hihihi
    Pero in peyrness akala ko about networking ang kakauwian ng usapan nyo.
    Tungkol pala sa pag-ibig at stickers lol XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ahaha
      Hmmmm some kindda pero kasi may planner na ako na gusto hindi yung nasa taas pero kung makukumpleto naman sya why not.

      Delete
  2. Ha ha galing mo pala mag advise ... parang si Papa Jack lang : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku hindi din.

      Sapat lang naman yung advise na binigay ahaha

      Delete
  3. Ang mahal mo naman maningil ng advise haha..

    ReplyDelete
  4. So yung wishlist talaga ang point ng post na to e. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nagpapahanap ako sa mga kaibigan ko nyan.

      Wala ako matiyempuhan na ganyan design :( :( :( :(

      Delete
  5. Ang aga ng wishlist. Hayaan mo, sa dami nang extra jobs mo, kayang kayang bilhin yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang problem hindi ko alam kung saan hahanapin :(

      Delete
  6. Waaaa.. Ako nga di pa nakapag-start. May 3 months pa para karirin! Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang kahit hindi ko mapuno ang stciker sa planner... I want the mug.

      Nakakita kasi ako ng planner na bagay sa akin.. Baliw na planner ☺

      Delete
  7. Hindi sa magandang aspeto mo lang mamahalin ang tao.
    From experience ba itong payo mo?

    Gusto ko rin ng red planner na yun. Kaso wala pa akong plano. :)

    ReplyDelete
  8. Wow ang galing mo namang magpayo sa usaping pag-ibig. Pa-advice naman oh, CHOZ!

    ReplyDelete

hansaveh mo?