Alam ko uber late na itong kwento ko about sa trip namin sa Guimaras but its ok pasensya ng malala.
Sa totoo lang kasi wala ako sa mood magsalitype lately idagdag mo pa ang mga nabura kong picture sa cellphone ko ng trip namin, that is so lalong nakakagalit ng very hard. Pero ito na, magkkwento na din ako.
So ito na nga.
Sabado ng October 18 and we are so excited and we just can't hide it na to ride the plane as in OKD in all that... (Arti) lolz. Maaga kami ng 1 hour sa airport papuntang Iloilo kaya slight kwentuhan muna kami ng mga gagawin, briefing sa mga ieexpect at kung ano ano pa. Finally tinawag na kami para sumakay ng plane at dahil sa ako ang mas maaga nag-book ng flight, nasa row 7 ako habang ang mga kasama ko ay nasa row 24 lolz..
3-ish ng hapon kami nakarating ng Iloilo pagdating doon ay naghanap na kami ng van na sasakyan paputang Jaro, dahil gusto namin na dumaan muna ng cathedral bago magtuloy ng port ng Guimaras. Medyo kabisado ko papunta ng daan papuntang port going to Guimaras simula doon. So pagdating namin ng Cathedral ng Jaro pray muna kami ng very slight lang ang nakakatawa hindi namin pinagpray ang smooth trip namin sa bangka going to Guimaras lolz.
Jaro Cathedral
Yung nasa left photo ay bell tower yan ay nasa tapat ng Cathedral ng Jaro
Dahil sa namili ang mga kasama ko ng 40 pesos per kilo ng lanzones at 80 pesos na inihaw na mais na tig-10 piso ang isa, naabutan kami ng very fierce na ulan pero parang walang nagyari kasi more ngasab kami at di alintana ang ulan kahit na mga basang sisiw kami.
Para kaming nalugi lolz
Pagdating namin ng port ng Jordan, Guimaras akala naman namin eh very well ang weather eh yun pala ang akala namin. Dahil parang kanta lang sya ni Gary V., Nawawala, bumabalik heto nanaman. Pero kebs lang naman. Masasabi ko na 3 lang ang means of transportation nila sa isla. Ang multicab o jeep, tricycle na mas common pa sa multicab at ang private vehicle.
Inabot ng almost 45 minutes ang byahe namin simula port hanggang Reyman's Resort kung saan kami maglalagi sa mga susunod na araw. Sobrang luwag ng kalsada talagang araw araw ginagamit. Chars lang! What I mean is kakaunti pa lang ang may sasakyan sa lugar. Dito nga masarap mag-maneho dahil wala kang kalaban sa kalye at hindi mahirap mag maneobra. Sa buong 45 minutes na byahe eh parang 5 multicab lang ang nakita ko at mangilan-ngilan na pribadong sasakyan.
Sobrang sarap ng simoy ng hangin sa isla, lasang malinamnam na cake. Charos lang! Pero seryoso sobrang napakagaan sa pakiramdam na malanghap ang simoy ng hangin doon dahil hindi polluted ang hangin. Malalanghap ang amoy ng sariwang damo, amoy ng dahon ng palay, mga dahon ng puno at ang amoy ng tubig dagat ganyan.
Ilang minuto na lang mag-a-alas 5 na ng hapon. Inayos na namin ang gamit namin habang ang ibang kasama namin ay nag pahinga. Lumabas kami ni Erin ng kwarto namin matapos magayos ng gamit at tinignan ang dalampasigan ng beach.
Sya muna ang bida next time na ako lolz
Like napanganga kami as in sayad lupa ang baba, syempre keme lang yun. Ang ganda ng place naka make up hihihi. Sige na nga wala ng echos, ang ganda ng place kasi from the shore matatanaw mo ang ibang isla na kasama sa mga pwedeng puntahan kung i-a-avail mo ang island hoping nila.
Yan ang mga island na pupuntahan kung i-a-avail ang Island Tour ng Reyman's Resort
Alam mo yung biglang pinatugtog ang kantang "RUDE" ng magic (na until now ay naLSS pa rin ako) at sa saliw ng kanta ang sarap umindak indak sa tabing dagat, ganyan habang may hawak kaming serbesa tapos biglang punch line ng "Kanina ka pa dito?" Sheret leng!!!! Wala kaming ginawa ni Erin kundi umispot ng mga magagandang view. Yung tinitignan namin yung mga naliligo na patok sa panlasa namin, kems lang. Syempre yung nature kaya ang inaapreciate namin (labas sa ilong, lolz).
Henny waste high waste so ito na nga, nung nag pasya na kami mag-dinner kanya kanya kaming isip kung ano ang kakainin namin pero habang ang kanila ay mga silogs ako naman ay sandwich lang pero sa isang bagay kami nag kasundo gusto daw nila ang may sabaw so bilang ang Mama ko ay Ilongga alam ko na masarap ang authentic na molo soup ng Iloilo so ending yun ang pinaghatihatian namin isang malaking bowl na para sa akin ay good for 6 pero its only 90 pesos may kasama pang pagmamahal... Charos lang! ahaha.
Ang Molo soup ng mga Ilonggo
Susundan... (Lakas maka-komiks lolz).
Henny waist again, if bet nyo mag-foodtrip try nyo dito... The Rixcovery
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
Hindi pa ako nakapunta jan .. Im such a waley he he he ...
ReplyDeleteabang ka ng seat sale, punta ka ang ganda ng lugar.
DeleteI cant wait to visit this place soon ;) In a few months I will be assigned in Iloilo for my clinical rotation and I would make sure to visit this place :) :)
ReplyDeletetry mo mag weekend gate away doon. mag book ka lang ng accomodation sa resort tapos mag avail ka ng land tour para mabisita mo yung mga patok na lugar doon.
DeleteEnjoy life! I though suka ni doggie yong huling pic. Haha! Sorry, Molo soup pala. Lol!
ReplyDeletegrabe sya oh :p
DeleteSarap grabe!
ReplyDeleteGlad you guys enjoyed your short trip over Ilo-ilo :)
Sino ba kase ang nang-sabotage ng mga piksyurs, sayang din un ahaha lol
next time ingat-ingat na lng sa pagde-delete ahaha!
DeleteHindi nag security wipe ako sa phone ko, hindi ko alam na sa model ng phone pati pictures kasama ma bubura :(
Deleteyep now I know na lolz
Deleteang peaceful naman ng lugar, sana mapuntahan ko ang Guimaras balang araw
ReplyDeletego day.. maganda sa place..
DeleteSayang yung mga pica, pero I'm sure na makakabalik ka pa naman diyan e, ikaw pa. Importante nag-enjoy ka ng vunggaaah!
ReplyDeletenaku sana nga :(
DeleteHindi ko na maalala ang itsura ng Guimaras dahil nineteen kpong kopong pa ako nakarating diyan, marami na talagang pagbabago. Sayang talaga ang mga litrato, try mo dropbox since everytime I take a photo na sync na sa drop box at google apps. Hindi na nga ako nag da download.
ReplyDeletemaganda ang gimaras tahimik ang hindi wala pang gaanong pulusyon
Deleteay bongga! mukhang winner sa guimaras!
ReplyDeleteWinner talaga as in
Delete