Sunday, June 21, 2015

Summer Sarap pt. 3

Check-up Time: 10:18am


Kamuesta? Naku before anything else gusto ko batiin ang lahat ng tatay nakakilala ko, Happy Father's day sa inyo.


Natry nyo na ba makipag mingle sa mga sea creatures? Hindi maliliit ha yung mga malalaki talaga? As in malaki?

Huling banat kasi namin sa escapade namin sa Visayas ay ang nakipag mingle ako sa mga kasize ko na butanding hihihi.

9 na ata ng umaga kami nung makarating sa isang resort sa Oslob, Cebu na nagca-cater ng Butanding adventure. Note may body clock ang mga butanding. Kapag 12 noon na kusa na silang pumupunta sa laot at iniiwan ang mga nagsi-site seeing kaya dapat maaga kayo sa site.

After namin magpahinga at magbayad ng charges (500 per head ang adventure kasama na ang life vest, snorkeling gear at seminar tungkol sa safety pag nasa encounter na kayo.

So ito na ready na kami makipagmingle sa kanila. Nung nasa laot na kami kala mo naman ang galing ko lumangoy at ako ang unang tumalon sa bangka.

Agad na may pinalapit sa amin na butanding. Kahit na sa ibabaw ka ng dagat maaninag mo ang mga palapit na butanding. Eeeeeee bigla ako kinabahan kasi nga naman mas malaki pa sila sa jeep considering ilang buwan pa lang ang mga butanding na yun. So imagine nyo na lang kung gaano kalaki ang parents nila.



Sa kasamaang palad nagloko ang action can ni Kamae kaya wai kaming picture sa ilalim ng tubig pero kahit paano may picture namin kami sa ibaba na kasama sila.

Every once in a while dini-dip ko naman ang sarili ko sa tubig para naman makita ko nga sila since may goggles naman. Grabe hindi ko inimagine na ang isa pang butanding na sumayad ang fins sa puwet ko e makikita ko ng sobrang lapit. Medyo nakakatakot na nakakatuwa na makita mo ang mga gills nila pero its so amazing to see this creature in action... terhey english talaga?

Henny waist, buti na lang at medyo matagal din kaming nakipag rubbing elbows sa kanila kasi nung saktong paalis na kami eh nagsi-alisan na din sila feeling namin tuloy kami lang ang hinintay nila.

After nito dapat ay pupunta pa kami ng ibang gagalaan within the are kaso lang this is our 4th day na naggagala na puro tagtag ang katawan because of the activities we tried. Sa totoo nga lang pagod na din ang katawang chubby ko kaya naman napahpasyahan na lang namin na maghanap ng lugar para makapagpahinga dahil bukas bago kami pumunta sa airport ay dadaan pa kami ng Magellan's cross at sa Cathedral ng Sto. Nino.

Wala sumasagot sa mga accomodation na kinocontact ko buti na lang yung driver ng tricycle namin is so kind, sabi nya kung gusto daw ba namin na magstay sa isang private na resort. Eh private sya so iniisip namin kami lang ang nanduon eh di why not! True enough, kami nga lang ang nandoon. Nakakapraning pa na ang accomodation namin is 2.5K lang tapos good for 8 na edi ang saya. Napansin ko na malapit lang kami sa Cuartel dahil walking distance lang sya. So atleast my adventure pa din kami doon. Inenjoy namin ng hard ang place dahil sa kami nga lang ang tao sa resort na yun.



Bandang 4 na ng hapon, dahil di na mainit nagsimula na kaming maglakad papunta ng Cuartel ang kanya kanyang kuhaan ng picture. Nung nagdilim na ng tuluyan nagpasya na kaming umuwi para maghapunan at matulog.






7 na ng umaga kami nagsibangon ay naggayak para magabang ng bus papuntang Cebu city, after ng 3  na byahe eh nakarating din kami sa destinasyon namin. Nakakatuwa lang ang Cebu dahil sa 20 years na ng huli akong mapadpad sa Cebu eh ngayon ko lang nalaman na may coding na ang route ng mga jeep dito at ang pinakagusto ko dito hindi choosy ang mga taxi driver kesehodang malayo ang pupuntahan mo wala silang magagawa ihahatid kanila ng nakametro at walang dagdag na hinihingi. Ito ay dahil sa ipinatupad nilang batas para naman mapromote ang tourism sa kanila. Galing noh?

Narating namin ang Magellan's cross ng around 11am hindi pa kami makapasok kasi inaayos pa sya kaya sa labas na lang kami nag picture picture. Yung Cathedral ng Sto. Nino ganun din, inaayos pa sya dahil sa kita pa rin ang damage na ginawa ni Bagyong Yolanda sa kanya kaya naman madalas eh nagmi-misa sila sa labas ng Simbahan.




After nito eh naghanap lang kami ng kakainan ng saglit at tumungo na kami ng airport dahil sobrang traffic sa Mactan kaya para hindi kami magmadali eh kami na din ang nagpasya na maaga ng pumunta ng Airport.

May mga hindi pa ako nagawa at napuntahan sa mga lugar na ito kaya feeling ko babalik ako sa mga ito. Eh may nakutsaba na akong kasama na 2 blogger din na pumunta dito... For sure masaya ito lolz.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

8 comments:

  1. Mabuti naman at maamo ang mga butanding. Marami pa akong hindi nagawa tulad ng ginagawa mo at sa pagbabasa dito, puwede ka nang mag endorse ng Philippines. Kailangan kasi natin ng mga turista. Sige lakwatsa lang ng lakwatsa hanggang kaya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha yep ayaw ko naman kasi maglakwatsa kung kelan hindi na kaya ng tuhod ko. hihihi

      Delete
  2. Yun oh gala nang gala ... iba na ang mayaman he he he ... ako naman ay kaya lang nakakagala ay dahil sa nature ng work ko ... kung walang work wala ding gala he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Luh? hindi po ako nakakariwasa sa buhay hahaha.

      Delete
  3. Yun oh, nagkipag-mingle sa gentle giants of the sea!
    Ang sabi, pinakamalakas daw na parte ng Butanding is yung buntot nila.
    Kaya ingat-ingat din sa paglapit sa kanila lalo na pagmalapit ka sa tail :)

    Mowdel lang peg dun sa pagkakaupo sa puting bench hihihi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko naman masyado naramdaman siguro kasi di sya disturbed dahil pinapakain sya...

      Delete
  4. Sayang naman nandun ka sa Cebu. Timing wala ako :( haha

    ReplyDelete

hansaveh mo?