Check-up Time:
Omg! Sorry naman kung natagalan ang pag return of the come back ko sa kwento ko.
Kasi naman humuling hirit sa tag-init pa si akiz hehehe.
Sige continue ko na ang kwento ko tungkol sa..........
After namin sa Dumaguete gabi ba kami nakarating ng Siquijor ng pareho din araw. Ang isa sa mga kilalang tour guide ng Siquijor ang nakausap ko na tumulong sa amin maghanap ng accommodation at mag-tour na din sa amin, si Kuya Joam.
Puno ang halos lahat ng mga backpacker lounge at hotel dahil sa peak season ng pumunta kami. Wala kaming choice kundi magstay sa medyo pricey na accommodation. Nagpunta kami sa Chelle's guesthouse. Ang booking namin doon ay 2 gabi lang, ibig sabihin sa last night namin doon maghahanap pa kami sa tutuluyan. Hagard! lolz.
Kinaumagahan, nagsimula na ang adventure namin. First stop ang Capilay's Spring Park. Cool ng park na ito. Open sya sa public tapos sa gitna ng park na ito ay may malaking lagoon/pool na ang tubig ay galing sa bundok. Ang attraction nito ay pwede ka maligo sa lagoon/pool. Ang linaw ng tubig kita mo ang ilalim ng lagoon/pool.
After namin i-enjoy ang place, fly na kami sa sunod na lugar, ang Enchanted Balete Tree.
Para sa akin, mas malaki pa rin ang balete tree ng Baler, pero ang isa sa pinaka-cool na gawin dito ay habang pinagmamasdan mo ang matayog na puno eh iloblob mo ang paa mo sa spring doon para mag pa-fish spa. Walang required na bayad ito. Donation lang. Galing di ba?
Sunod na pinuntahan namin ay ang isa sa mga oldest church ng Siquijor, ang simbahan ng Lazi. katulad ng nakaugalian ko. Kapag may napuntahan akong simbahan nag titirik ako ng kandila at nagdadasal. ☺
After nito ay magsisimula na ang mga water activities namin, Umakyat na kami sa burol dahil papunta na kami ng Cambugahay falls. Malinaw ang tubig ng 3 falls ng Cambugahay yung nga lang kung sa iba ay ite-trek ang mga falls dito naman ay bababa ka ng burol para makarating ka.
Akala ko ang monkey swing na ang pinaka intense na activity namin that day hindi pala lolz.
After namin magenjoy sa tubig ay nagpack-up na kami papuntang Salagdoong beach para mag cliff dive. Yep mag-cliff dive lolz.
Lunch na nung dumating kami ng Salagdoong. Hindi kami nakabili ng food o nagbaon kaya wala kaming choice kung di bumili ng food doon. Medyo pricey ang food dito kaya if ever man na pupunta kayo mas mainam na may baon kayo.
After namin mag lunch ay nag jumping jack kami ng medyo madami dami ng matigtig ang kinain namin dahil tatalon na kami ng cliff. Ako pa ang pasimuno na nandun ka na din naman hindi mo pa itry eh nung nandun na ako at sumilip sa egde ng diving board nanginig ang tuhod ko. At hindi ako nag bibiro.
Habang nagtalunan na ang mga kasama ko ako nanatiling nangangatog ang tuhod ko sa dulo ng jumping board. Hindi nyo ako masisisi. May fear of heights ako. Hindi ko namalayan na napagtawanan na ako ng mga tao na lulundag sa akin nung tinanong ako ni Basha kung bat di pa ako tumatalon. Sabi ko lang "ang langoy ko de-susi. 30 seconds lang, pag-naexpired na yun ay at di ako nakalangoy baka game over na ako."
Mukha namang safe ako. May built in salbabida ako kita nyo ba? lolz |
Pero nakahanap din ako ng tapang lumundag, yun nga lang sabi ng life guard dapat daw lumundag ako palayo ng diving board hindi sa edge ng diving board dahil medyo mababaw daw doon. Susko sa loob loob ko lang, 10 feet na nga ang lalim ng tubig na binagsakan ko (hindi pa kasama ang 25 feet na taas ng diving board papuntang tubig dagat) eh mababaw pa ba yun? lolz.
After ko lumundag hindi na sila nagpalundag pa dahil sa lowtide na. Baka mamaya mag-cause ng injury ang iba pang tatalon dahil sa impact ng pagtalon nila sa cliff at maabot ng paa nila ang bottom surface ng dagat. Buti na lang nakatalon pa ako.
Feeling proud naman ako habang pasakay na kami ng multicab namin at papunta sa sikat na bilihan ng Ensaymada.
The ensaymada is so good, kahit walang lipstick (margarine at asukal). napakasoft ng tinapay manamis namin ang mismong tinapay nya at hindi dry ang loob nito. Ganun din ang Pan de coco nila na ang palaman ay bagong luto na murang buko. hongshorep! Yung cheese bread nila kagit mura di tinipid ang keso sa malambot at manamis namis na tinapay. Pati yung Pan de rosa nila na kahit walang palaman, butter o asukal malasa yung tinapay.
Kakaiba ang way nila ng pagluluto ng tinapay eh, nung nakita ko ang pugon nila ang concept nya eh parang nagluluto ka ng bibingka... Astig!
After namin mabusog pumunta kami sa bakawan, dahil nga low tide, makakapaglakad sa sa mismong bakawan hindi mo kailangan ng bangka hihihi.
Pagtapos namin pagmasdan ang bakawan dito ay sumugod na kami sa accommodation namin para magpahinga ng slight. Nagrerecharge kami para naman sa susunod na araw ng activity namin sa probinsya.
Nung pangalawang araw namin, ang nakalatag na adventure namin ay ang pagexplore ng cave, at ang silipin ang isa sa mga folk healer ng Siquijor.
Bago namin simulan ang adventure namin ay tinignan namin ang Casa Miranda kung may available silang room dahil nga last day na namin sa Chelle's guesthouse. At sinuwerte namin kami dahil may isang room na available. pero dahil 8 kami (yung isa namin kasama ay naunan ng pumunta ng Cebu) at 4 lang ang pwede sa room, 4 sa amin ang nagrent ng tent at nagdecide ng matulog sa area na tapat ng dagat, isa ako doon. ang Cool nya promise.
After namin maglagay ng gamit sa pa kami kami pumunta ng Cantabon cave para mag explore, eh dumaan muna kami sa Paliton beach. Sa totoo lang kung ikukumpara ko ang tubig ng Boracay at white sand eh mas ok ang lugar na ito. Ang pinagkaiba lang nila ay ang texture ng buhangin. Sa Boracay kasi pag-pinagpag mo ang buhangin matatanggal sila sa balat mo pero dito kailangan mo maghugas para maalis ang buhangin sa balat mo. Pero I must say, very inviting ang tubig dito.
After namin nagpunta ng Paliton ay umakyat na kami ng bundok. Nasa 20-30 minutes din ang binaybay namain sa maliit na highway na habang patagal ng patagal eh pakunti ng pakunti ang bahay na nadadatnan mo ay puro matatayog na puno naman at malamig na hangin ang sasalubong sayo... Medyo scary ba? hahaha.
Nung narating na namin ang lugar kung saan kami magpaparegister ay agad na kami nagpalista, nagbayad ng taripa at kumuha ng kanya kanyang helmet at flash light. Agad na din namin tinguno ang lugar at sinimulan ang 1.2 kilometers (papunta at pabalik) na cave exploration. Sa totoo lang dito ko na realize na kung sporty at medyo mahilig ka sa mga sporty na activity ay may advantage ka pagnag-ca-cave exploration ka dahil hindi biro ang dadaanan mo along the way. Yung bago kong flaps parang isang taon ng nagamit nung natapos namin ang activity na ito.
Matapos namin sa medyo matinding activity na ito ay nagpasya na kaming pumunta sa folk healer. Ayaw subukan ng mga kasama ko ang activity na ito. Bilang ako naman ang nagyaya ako na lang ang sumubok. Wala na ang kilalang fold healer na si Aling Conching sabi ni Kuya Joam, ang pagkakaintindi ko sa kwento nya ang apprentice nya na si Annie Ponce na ang nagpatuloy ng gawain na ito.
After nito ay nagkaroon pa kami ng marami-rami pang oras para naman iexplore ang mga pwede makita sa Casa Miranda. Low tide pa rin at dahil nag lalabasan ang sandbar nagtrip kami ni Erin at Kamae na pumunta sa gitna ng sandbar at magkuhaan ng picture.
Ang aking Superman shot Siquijor edition lolz |
Inabot na din kami ng 6 ng hapon sa mga pinaggagawa namin, Pumunta kami sa hmmm sort of bancheto na malapit sa Casa Miranda at dito na naghapunan.
Pagbalik namin ng Casa, ay nagpahinga na kami dahil sa 6 na umaga ang alis namin ng Siquijor pabalik ng Dumaguete papuntang naman ng Oslob, Cebu.
Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!
So much fun and adventure. Thanks for sharing:)
ReplyDeleteNyahaha. meron pang 1 lolz
DeleteNapagod ako, eh nagbasa lang ako noh, ano pa kaya kung ako yung naglalakad.
ReplyDeletePuro tubig, buti hindi ka nilumot, ha,ha,ha.
Hindi naman matibay ang balat lolz
DeleteInggit much me! Hehehe! Exotic at adventurous ang mga lakad mo. Hay nako namiss ko na naman ang Pinas...
ReplyDeleteBalik na Mr. T lolz
DeleteSaya naman ng Siquijor trip , medyo nakakapagod nga lang he he he , hoping someday ay makapunta din ako jan ... yap kitang kita q ung imaginary salbabida mo he he he : )
ReplyDeleteHindi po sya imaginary... totoo po sya..
DeleteGrabe, kayo na talaga ang mga literal na pusang gala ahaha XD
ReplyDeleteKatakot naman yung cliff dive mo >_<
Ganda talaga ng mga old churches.
Yung giant Balete tree, looks creepy. Feeling ko may mga matang nagmamatyag sayo lol
And syempre, di mawawala ang masasarap na local delicacies nila sa isla.
Napagod din ako sa kwento mo ahaha!
Nyahaha
Delete