Sunday, July 19, 2015

Best of the Best

Check-up Time: 10:01pm

Best of the best!

Hmmmm masarap pakingan, Lalo na kapag nanamnamin mo ang bawat kataga..

Sinuwerte ako na maexperience ko ang tawagin na best of the best. 5 taon na ako sa kumpanya ni minsan hindi ko inisip na makakasama ako sa mga piling piling mga tao na kikilalanin na mga nag-excel sa kani-kanilang line of business.

Sinuwerte? Oo, yan ang palagay ko. Alam ko ang kapasidad ko kaya naman alam ko kung saan ako nararapat lumugar. Maaring hindi ko ganun kini-claim ang title na ito dahil alam ko na nakalusot ako dito dahil sa swerte pero medyo masaya na rin ako dahil sa mararanasan ko na i-pamper na sagot ng kumpanya. Gayun pa man tulad ng nasabi ko hati ang nararamdaman ko sa titulo na ito.

Sa darating na Lingo ay pupunta ako ng Kamana sa Subic para dumalo sa survivor inspired na outing/team building ng mga naging best of the best sa iba pang line of business.

Moving on!

Sa totoo lang stress ako pero may mga hindi na niniwala na stress ako. Wala daw sa itsura. Minsan hindi ko alam kung matatawa ko o maaasar dahil hindi ko pinaniwalaan lalo na pag-edad na ang usapan.

Nagchill/ inuman kami nila Nutty Thoughts sa mansion nya last week at may bagong satla na kasama. Naguusap kami ng tungkol sa trabaho at hindi ako pinaniniwalaan na stress ako hanggang sa tinanong ang edad ko.

Stranger: Ilang taon ka na?
Ako: Hmmmm bakit? ano hula mo?
Stranger: Hmmmm 26?
Ako: Wait lang tutumbling lang ako ng 26 times lolz.


Pinabata ako ni stranger ng more more hahaha.

Parang naniniwala na ako na hindi ako mukang stress nyahaha!!!!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, July 12, 2015

Spoken Word Poetry

Check-up Time:  1:55pm


Muli akong narating ang lugar na puro saya
bagama't ang panahon ay masama ang badya.
Maulan na nung ako ay lumisan sa Manila,
kaya di nakapagtataka na ang alon sa lugar na ito ay talagang nakamamangha...

Sa lugar na mas marami pa ang taong banyaga,
na mas mukha pang turista ang mga taong galing sa inyong sariling lupa.
Sa lugar na puro pagdiriwang ng dala
umaga man at gabi may dahilan ka para tumawa.

Maaring makasalanan ang lugar naito sa iba
pero may kakaibang kang hatid sa bata man o matanda.
Sa gabi kung saan may mga kasayahan,
Sa umaga ay mga kastilyong buhangin ang madadatnan.

Ang lugar kung saan malaya ang mga tao,
walang diskriminasyon sa kung ano ang suot mo pampaligo.
Lugar na ang hubog ng katawan ay hindi batayan
kung ikaw ay nga ba ay kaaya-aya bang tignan.

Matayog man mga alon sa dalampasigan,
ang pasuot ko ng aking pampaligo ay di nito napigilan.
Sa lugar na ito ay kahali-kalina ang kahit sino,
Kahit pa nga ang timbang mo ay at lagpas ng 70 ang kilo..




Yep, 2nd time ko marating ang isla ng Boracay at naganap ito last week. Umuulan oo, pero hindi tuloy tuloy gaya ng sa Manila. Nakapag-gala at nakapag Boracay adventure pa ako. At isang nakakasakit sa mata ay ang pagsusuot ko ng trunks sa beach. Dead ma na, sabi ko nga sa post ko sa instagram sa lugar na ito hindi issue ang hubog ng katawan mo para makapagsuot ka ng damit pampaligo...

Bakit nga ba dinaan ko sa tula ang post na ito. Nanonood ako ng bottom line ni Boy Abunda kagabi at ang topic nila ay tungkol sa spoken word poetry. Isa sa mga guest ang nagsabi an ito ay fussion or marriage of peom reading at theater acting. Nagkaroon tuloy kami ng balak ni Nutty Thoughts na bisitahin ang bar kung saan nagaganap ang spoken word poetry. Pero paalala, walang binatbat ang gawa ko sa mga napanood ko kagabi.

"Patawarin mo ako dahil bumitiw ako sa pagkakahawak ko sayo,
patatawarin kita dahil hindi ka kumapit sa akin ng mahigpit.

Patawarin mo ako dahil hindi ako tutupad sa pangako ko,
patatawarin kita dahil hindi ka nakinig sa pangakong iyon...

Patawarin mo ako dahil susuko na ako sayo,
patatawarin kita dahil hindi ka sumugal sa akin..."


Hindi ako sigurado kung ito ang eksaktong tipa ng mga ilan sa linya sa tula na narinig ko pero masasabi ko na gumihit ang mga linya na yun sa puso ko. Kaya naman nagkaroon ako ng interest dito..


Masaya ang naging nagdaang linggo, 4 na araw walang pasok pero pakiramdam ko wala pa din akong pahinga... Weird!



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!