Sunday, July 12, 2015

Spoken Word Poetry

Check-up Time:  1:55pm


Muli akong narating ang lugar na puro saya
bagama't ang panahon ay masama ang badya.
Maulan na nung ako ay lumisan sa Manila,
kaya di nakapagtataka na ang alon sa lugar na ito ay talagang nakamamangha...

Sa lugar na mas marami pa ang taong banyaga,
na mas mukha pang turista ang mga taong galing sa inyong sariling lupa.
Sa lugar na puro pagdiriwang ng dala
umaga man at gabi may dahilan ka para tumawa.

Maaring makasalanan ang lugar naito sa iba
pero may kakaibang kang hatid sa bata man o matanda.
Sa gabi kung saan may mga kasayahan,
Sa umaga ay mga kastilyong buhangin ang madadatnan.

Ang lugar kung saan malaya ang mga tao,
walang diskriminasyon sa kung ano ang suot mo pampaligo.
Lugar na ang hubog ng katawan ay hindi batayan
kung ikaw ay nga ba ay kaaya-aya bang tignan.

Matayog man mga alon sa dalampasigan,
ang pasuot ko ng aking pampaligo ay di nito napigilan.
Sa lugar na ito ay kahali-kalina ang kahit sino,
Kahit pa nga ang timbang mo ay at lagpas ng 70 ang kilo..




Yep, 2nd time ko marating ang isla ng Boracay at naganap ito last week. Umuulan oo, pero hindi tuloy tuloy gaya ng sa Manila. Nakapag-gala at nakapag Boracay adventure pa ako. At isang nakakasakit sa mata ay ang pagsusuot ko ng trunks sa beach. Dead ma na, sabi ko nga sa post ko sa instagram sa lugar na ito hindi issue ang hubog ng katawan mo para makapagsuot ka ng damit pampaligo...

Bakit nga ba dinaan ko sa tula ang post na ito. Nanonood ako ng bottom line ni Boy Abunda kagabi at ang topic nila ay tungkol sa spoken word poetry. Isa sa mga guest ang nagsabi an ito ay fussion or marriage of peom reading at theater acting. Nagkaroon tuloy kami ng balak ni Nutty Thoughts na bisitahin ang bar kung saan nagaganap ang spoken word poetry. Pero paalala, walang binatbat ang gawa ko sa mga napanood ko kagabi.

"Patawarin mo ako dahil bumitiw ako sa pagkakahawak ko sayo,
patatawarin kita dahil hindi ka kumapit sa akin ng mahigpit.

Patawarin mo ako dahil hindi ako tutupad sa pangako ko,
patatawarin kita dahil hindi ka nakinig sa pangakong iyon...

Patawarin mo ako dahil susuko na ako sayo,
patatawarin kita dahil hindi ka sumugal sa akin..."


Hindi ako sigurado kung ito ang eksaktong tipa ng mga ilan sa linya sa tula na narinig ko pero masasabi ko na gumihit ang mga linya na yun sa puso ko. Kaya naman nagkaroon ako ng interest dito..


Masaya ang naging nagdaang linggo, 4 na araw walang pasok pero pakiramdam ko wala pa din akong pahinga... Weird!



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

12 comments:

  1. anong meron sa ulan, 5 tula na nabasa ko dahil d'yan, dahil kaya matagal na hinintay, o' dun lang nagflashback ang mga paghuhugutan :D .. at buti ka pa may gala pa rin, ako sa bahay lang XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha hindi naman. dahil lang yun sa napanood ko nung sabado ☺

      Delete
  2. Makata ka na Rix ;)

    Di lang ako sure kung yun bang sinasabi mong 'spoken word poetry' ay tulad ng mga napapanuod ko sa YouTube... pero ang galing nga nila ;) tumatagos ang bawat pagbigkas.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ko pa nakikita yung sa youtube eh pero ang masasabi ko lang astig sila

      Delete
  3. Naks kahit may mga pabebe storms Boracay ka pa din ha , ikaw nahhh he he ... ay waley ako jan sa poetry na yan, d q keri , mahina ako sa Balagtasan : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha ewan ko ba kung bakit tumaon pa sa byahe namin yung bagyo

      Delete
  4. Eh ano ba kung trunks ang suot
    Pagtanaw sa likod ito ay maumbok.
    Sana naman pagharap ay walang lulusot
    At mga babae eh mapapalunok.

    ReplyDelete
  5. I love this whole new idea about poetry. It used to be poetry reading. Palibhasa kasi ako lang nag nerd sa barkadahan namin ako lang ang pumupunta sa mga event na yun. Minsan talaga napaka boring. Pero interesting ito kasi they added more spice sa poetry.

    Nerds unite! Time to take over at labanan ang mga putragis na pabebe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nyahaha uu nga eh. one of this days eh balak namin puntahan ang bar kung saan nagaganap ito ☺

      Delete
  6. Makapagsuot na nga rin ng trunks para maging poetic din ako wahaha!

    ReplyDelete

hansaveh mo?