Sunday, July 19, 2015

Best of the Best

Check-up Time: 10:01pm

Best of the best!

Hmmmm masarap pakingan, Lalo na kapag nanamnamin mo ang bawat kataga..

Sinuwerte ako na maexperience ko ang tawagin na best of the best. 5 taon na ako sa kumpanya ni minsan hindi ko inisip na makakasama ako sa mga piling piling mga tao na kikilalanin na mga nag-excel sa kani-kanilang line of business.

Sinuwerte? Oo, yan ang palagay ko. Alam ko ang kapasidad ko kaya naman alam ko kung saan ako nararapat lumugar. Maaring hindi ko ganun kini-claim ang title na ito dahil alam ko na nakalusot ako dito dahil sa swerte pero medyo masaya na rin ako dahil sa mararanasan ko na i-pamper na sagot ng kumpanya. Gayun pa man tulad ng nasabi ko hati ang nararamdaman ko sa titulo na ito.

Sa darating na Lingo ay pupunta ako ng Kamana sa Subic para dumalo sa survivor inspired na outing/team building ng mga naging best of the best sa iba pang line of business.

Moving on!

Sa totoo lang stress ako pero may mga hindi na niniwala na stress ako. Wala daw sa itsura. Minsan hindi ko alam kung matatawa ko o maaasar dahil hindi ko pinaniwalaan lalo na pag-edad na ang usapan.

Nagchill/ inuman kami nila Nutty Thoughts sa mansion nya last week at may bagong satla na kasama. Naguusap kami ng tungkol sa trabaho at hindi ako pinaniniwalaan na stress ako hanggang sa tinanong ang edad ko.

Stranger: Ilang taon ka na?
Ako: Hmmmm bakit? ano hula mo?
Stranger: Hmmmm 26?
Ako: Wait lang tutumbling lang ako ng 26 times lolz.


Pinabata ako ni stranger ng more more hahaha.

Parang naniniwala na ako na hindi ako mukang stress nyahaha!!!!


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

8 comments:

  1. The thing is when you always smile, hindi ka tatanda. Congrats being one of the best of the best, tama ba yang sentence na yan, lol! Have a great time sa next team building ninyo.

    ReplyDelete
  2. Naks! congrats Rix :)
    You're one of the ELITES now... hihihi XD

    ReplyDelete
  3. Naks best of the best ikaw nahhh ... ako yata least of the least he he he ... at saka young looking ka pala , good for you , inom pa more ng fresh milk he he : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. lolz natawa ako sa inom ng fresh milk

      Delete
  4. Replies
    1. Oi salamat sa muling pagbisita Kikomax

      Delete

hansaveh mo?