Saturday, August 29, 2015

Saan na nga ba?

Check-up Time: 5:38am


Like am not shur kung what happen sa ibang mga tao sa blogsphere. Phurang nagagaya na ako sa kanila na matumal pa sa lablayp ang pag-u-update.

Yung iba phurang nabaon na sa limot ang mga page nila, yung iba phurang ginamit na yung link ng ibang nagaadvert kembot.

Henny waist, Sa hindi ko naman sila masisi kung sobrang busy nila sa kani-kanilang mundo. Kahit pa nga yung iba masyado silang bida sa kanilang YOU-niverse hihihi.

Namiss ko na yung sobrang pag-sinaltik ako, gawa agad ng entry. basa basa ng ibang post and all that. Ngayon kasi mas mahigpit pa sa pagkapit nga taong hindi makamove-on ang security sa werk ko kaya hindi ako maka-ninja moves nga burberry hard. Suma total weekend lang ako nakakalamyerda sa page ko at sa mga page na rin ng mga madalas magcheck ng page ko.

Namiss ko na magbasa ng mga kwentong gawa gawa at kwentong barbero, kwentong p0hxu sa p0hxu (jejemon?), kwentong may katotohanan, kwentong may pakikibaka, kwentong walang kwenta, at kung ano ano pang kwento.

Sana lang bumalik sa dati ang saltik ko. Ay para sa akin pala yung patama ng entry na ito? Cheres lang! Sana magbalikan at sipagin ulit mag post ang mga dating mga kilalang mga manunulat sa blogsphere, mas sikat pa sa sikat ng araw na mga blogero, mahusay na kwentista, magaling sa kwentong kutsero, Mas mataba pa sa pataba ang utak na manunulat.

Kung hindi man sila magsibalikan... 




















Pa-o-orasyonan ko sila......






Charut lang mga meym at sher. Ang totoo po kung hindi sila magsisibalikan....


 
























Eh di wag!


Wala naman po tayo magagawa kung ayaw na nila hohoho. Let's be happy na lang kung yun ang desishen nila ☺



Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

10 comments:

  1. Okay lang kahit madalang mag post basta ang mahalaga hindi nawawala at may kwenta ... kung ako nga araw araw ang post wala namang kakwenta kwenta ha ha ha ... but still pinangangatwanan ko kasi daily BITES nga he he ... pero kapag di na q makapost papalitan q na name ng blog
    q magiging annual BITES na he he he : )

    ReplyDelete
  2. Last year, ang dami kong free time since hindi pa ako nag-aaral. I got to visit and read several blogs almost everyday. Nung mga panahong iyon, nagwa-wonder din ako kung bakit madalang mag-post ang ibang blogger. But now naintindihan ko na sila kasi I myself ay sobrang busy na rin at bihira na rin akong makapag-post. Kaya pag nagpo-post ulit ako, medyo hinahabaan ko kasi para naman sulit yung paghihintay nung readers at siyempre ginagandahan ko rin yung pagka-kwento at may konting humor para naman di sila ma-bored. Hindi ko rin fino-forget na humingi ng paumanhin para sa kanilang mahabang paghihintay.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha well same experience hayaan mo na sabi nga ni edgar bast nag uupdate pa din ng blog push lang ng push

      Delete
  3. grabe, hindi ko lam kung pumasok ba yung una kong comment. Nagerror eh, huhu,. But anyways, yip sa wakas ako eh nakapagninja na din dito sa opis, weeks kasi before hindi at kagaya mo, weekend nalang tlaga ako nakakapagblog, sobrang pagod lang sa werk kapag weekdays. :)

    ReplyDelete
  4. natawa naman ako dito sa post na ito. tsk tsk

    ReplyDelete
    Replies
    1. baket? saan part ka natawa? paki explain lolz

      Delete

hansaveh mo?