Sunday, October 4, 2015

Android ako

Check-up Time: 8:00am


3 hours!

Yan ang maximum na tulog ko kada araw sa loob na ng 3 linggo pero di pa natatapos dyan. Parang blockbuster lang sa pelikula ang ganyang oras ng tulog ko dahil... "Now in it's 4th week!".

True po yan. Bakit po ba? Dahil sa dalawang thesis na ginagawa ko para makulpeto ang mga requirements ko this sem. Sa totoo lang super sakit sa gums. Sabi nga ng kaibigan ko baka mamaya hindi na ako umabot ng graduation (knock on woods). Feeling ko naman hindi mangyayari yun ako pa ba? ☺

Ang hirap na pagsabayin ng werk at aral. Noon slightly naiinis ako sa mga working student kong classmate nung nasa sintang paaralan pa ako dahil parang wala naman silang kers sa mga subject namin. Pero nagbago talaga ang lahat ng yan nung ako na mismo ang nakaranas. Alam mo yung minsan nagbibyahe ka papasok sa klase mo at nagdadasal ka na sana may absent kang prof para makaidlip ka kahit burberry light lang, mga ganurn na level.

Pero sabi nga nila every hardship na ini-invest mo ay may reward na nag-a-abang. Akalain nyo nakuha pa ako ng award hahaha. Best actor in the human android role nyahaha.





In fairness natuwa naman ang chubby kong heart kasi sa loob ng ilang taon ko sa company ko, ngayon lang recognize ang energy ng effort ko. Ang saya saya ko talaga ate Charo. Charet lang!

And in fairness din naman sa Engagement Team ng company namin, they know how to treat the employees. Hindi ko alam kung bakit pag-gising ko kaninang umaga eh sunod sunod ang notif ko sa FB at may nakatag sa akin. Nasa video clip pala ako ng Krispy Kreme PH. Buti na lang nakuhaan akong nakangiti doon hindi kumakain.



Sinubukan ko icheck kung nasa youtube ang video pero nabigo ako... Ang tanging meron lang ako ay ang link nya Krispy Kreme: Share the Joy in CVG.

Bumaha ng donut at kape sa office kaya naman mas lalo ako nahirapan matulog dahil sa kape. But then again, thanks sa awesome treat Krispy Kreme.

Kahit may exam, interview, report at thesis ulit ako bukas... WALA AKONG PAKI!!!! Matutulog ulit ako...





Charut lang, gising lang ako mamayang hapon bibili pa ako ng token sa iinterviewhin ko at magrereview pa ako.

Night night muna guys.. Night night talaga habang may araw na? lolz

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!



15 comments:

  1. At may time pang mag blog at mag visit ng blogs. Ano ba ang iniinom mo? Pahingi naman. Nung working student ako, nakakatulog pa naman ako ng maayos, Rest my friend!

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahaha wala po akong iniinom. prayers lang madals

      Delete
  2. Magbahagi ka naman ng kasipagan Rix! :)
    Lalo na sa akin hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. lolz ilang kilo po ang kailangan mo? ☺

      Delete
  3. Replies
    1. yun lang malapit na ata ako malowbat

      Delete
  4. Nice .. ikaw na model ng Krispy Kreme he he he : )

    ReplyDelete
  5. Woot? anu ba pwede itawag sayo? Super Saiyan?
    Aliw ung Krispy Kreme vid.
    Pwedeng pwede ka na talagang maging commercial mowdel XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. lol nooooooo. nyahaha uu nga eh hindi rin lolz

      Delete
  6. pano napapagsabay sabay lahat? anong secret? napapaindak aka sa tugtugan dito sa blog mo hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi ko nga din alam basta nangyari na lang. Lolz galing yan sa laro sa PS1

      Delete
  7. Sana sapian din ako ng espiritu ng kasipagan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nyahahah tinatamad na nga ako eh lolz

      Delete
    2. P.S.

      I want to receive an email po every time na may new post ka. Here's what you need to do: (easy lang po 'to.)

      •Step 1: Bisitahin ang Blogger.com
      •Step 2: I-click mo ang "Settings".
      •Step 3: Sunod na pindutin ang “Mobile and email”.
      Step 4: Meron kang makikitang dalawang boxes. Isulat mo po sa bottom box (na may nakasulat na "Email posts to" sa bandang itaas nito) ang aking email ad na anonymousbeki@gmail.com.

      Heto po mga pictures example: (Tagalized)

      Step 1:

      http://4.bp.blogspot.com/-GI1HT0floAs/VhjIrRkmTMI/AAAAAAAAAGY/YmL7QMg85ak/s1600/www.blogger.com.JPG


      Step 2:

      http://4.bp.blogspot.com/-dO05bJ5DIT8/VhjKE36FvTI/AAAAAAAAAGk/TbRp_F5E_o4/s1600/hghgg.png


      Step 3 & Step 4:

      http://2.bp.blogspot.com/-Ve7rSkODMX0/VhjKOUyMlrI/AAAAAAAAAGs/xt6Xd7PeWg4/s1600/Mga%2BSetting-Mobile%2Bat%2BEmail.png

      Less than 10 minutes lang po 'yan. If may time po kayo. Please?

      Delete

hansaveh mo?