Sunday, October 18, 2015

Gift and Cake

Check-up Time: 4:00pm

Alam mo ba o nabilang mo ba kung ilang beses ka nakakuha, binilhan, naregaluhan ng birthday cake sa buong buhay mo? Ako, oo dahil bilang naman sya sa daliri.

In my entire existence, apat na beses pa lang ako nagkaroon ng birthday cake. Dalawa doon ay bigay ng sobrang malapit na kaibigan, at ang dalawa naman ay bigay ng mga makukulit at masasayang kaopisina ko at kasama sa trabaho.

First ever birthday cake na nareceived ko 2 years ago

I grew up in a family who work so much for a living. Yung tipong London ang nagsalba sa buhay namin. yung Loan dito, Loan don ganern. Ito ang reason kaya hindi ko naging ugali ang magdemand sa kanila ng salo-salo kapag birthday ko.

For me birthday gifts and birthday cakes only exist in my dreams or a fantasy. Pero hindi ito dahilan para kaingitan ko ang mga kaibigan ko kapag  may mga ganyang bagay sila kapag birthday nila dahil naiintindihan ko ang sitwasyon namin lalo pa nga at ang birthday ko ay malayo sa petsa ng sweldo.

Ito na din siguro ang dahilan kung bat psychologically eh nagkaroon ng impact ito sa akin. In short nagkaroon ako ng compensation issue. Nagkaroon ako ng interest sa baking pero dahil hindi namin afford ang bumili ng gamit nagkasya na lang ako sa pagbabasa ng mga recipe kung paano gumawa ng non-bake na cake at naging successful naman ako from non-bake dark choco cake, plain na cheese cake, oreo cheese cake, mango cheese cake at strawberry cheese cake.

2nd cake na nakuha ko, this was in Guimaras na umeffort ang mga kasama ko dahil walang bake shop sa Island last year.

Para sa akin hindi dahilan para sabihin mo na hindi ka gusto ng mga tao kung walang may magbibigay ng regalo or birthday cake sa birthday mo. Naniniwala lang ako na sadyang maintindihin lang ako kumpara sa mga taong kakilala ko na kapag malapit na ang birthday nila eh inoobliga ka nila na magbigay ng regalo o sumagot ng handa para sa kanila. Yung totoo mga ate at kuya? May trabaho ka di ba at ang regalo ay hindi mandatory?


The 3rd birthday cake na nakuha ko at mga small gifts na nareceive ko cute nila.

Sa mga experince namo-mold ang pananaw at pagkatao ng isa nilalang, dahil dyan ay natutunan ko na pahalagahan ang effort ng tao na nagbibigay sa akin. Nagstick sa kokote ko ang bagay na sinabi sa akin noon na walang regalong pangit. Ibinigay sayo ang regalo dahil inisip ng nagbigay sayo na magagamit mo yan kaya dapat ay magpasalamat ka.


This cake I received this year. Talagang sa house of Barbies po galing yan ang babait nila sa akin.

This year my only wish of myself is good health medyo napabayaan ko kasi ang sarili ko ng husto dahil sa work at school kaya naman nadisregard ko ang health ko which is may maganda naman nadulot dahil sa dalawang subject na lang ang kailangan ko tapusin at sigurado na akong ga-graduate next year. Ang sumunod ay ang maging ok ang panahon dahil balak ko umakyat ng Baguio kasama ang family ko.

Sa lahat ng mga Librans na magce-celebrate ng kani-kanilang kaarawan maligayang bati sa inyo ☺


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Sunday, October 4, 2015

Android ako

Check-up Time: 8:00am


3 hours!

Yan ang maximum na tulog ko kada araw sa loob na ng 3 linggo pero di pa natatapos dyan. Parang blockbuster lang sa pelikula ang ganyang oras ng tulog ko dahil... "Now in it's 4th week!".

True po yan. Bakit po ba? Dahil sa dalawang thesis na ginagawa ko para makulpeto ang mga requirements ko this sem. Sa totoo lang super sakit sa gums. Sabi nga ng kaibigan ko baka mamaya hindi na ako umabot ng graduation (knock on woods). Feeling ko naman hindi mangyayari yun ako pa ba? ☺

Ang hirap na pagsabayin ng werk at aral. Noon slightly naiinis ako sa mga working student kong classmate nung nasa sintang paaralan pa ako dahil parang wala naman silang kers sa mga subject namin. Pero nagbago talaga ang lahat ng yan nung ako na mismo ang nakaranas. Alam mo yung minsan nagbibyahe ka papasok sa klase mo at nagdadasal ka na sana may absent kang prof para makaidlip ka kahit burberry light lang, mga ganurn na level.

Pero sabi nga nila every hardship na ini-invest mo ay may reward na nag-a-abang. Akalain nyo nakuha pa ako ng award hahaha. Best actor in the human android role nyahaha.





In fairness natuwa naman ang chubby kong heart kasi sa loob ng ilang taon ko sa company ko, ngayon lang recognize ang energy ng effort ko. Ang saya saya ko talaga ate Charo. Charet lang!

And in fairness din naman sa Engagement Team ng company namin, they know how to treat the employees. Hindi ko alam kung bakit pag-gising ko kaninang umaga eh sunod sunod ang notif ko sa FB at may nakatag sa akin. Nasa video clip pala ako ng Krispy Kreme PH. Buti na lang nakuhaan akong nakangiti doon hindi kumakain.



Sinubukan ko icheck kung nasa youtube ang video pero nabigo ako... Ang tanging meron lang ako ay ang link nya Krispy Kreme: Share the Joy in CVG.

Bumaha ng donut at kape sa office kaya naman mas lalo ako nahirapan matulog dahil sa kape. But then again, thanks sa awesome treat Krispy Kreme.

Kahit may exam, interview, report at thesis ulit ako bukas... WALA AKONG PAKI!!!! Matutulog ulit ako...





Charut lang, gising lang ako mamayang hapon bibili pa ako ng token sa iinterviewhin ko at magrereview pa ako.

Night night muna guys.. Night night talaga habang may araw na? lolz

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!