Sunday, October 18, 2015

Gift and Cake

Check-up Time: 4:00pm

Alam mo ba o nabilang mo ba kung ilang beses ka nakakuha, binilhan, naregaluhan ng birthday cake sa buong buhay mo? Ako, oo dahil bilang naman sya sa daliri.

In my entire existence, apat na beses pa lang ako nagkaroon ng birthday cake. Dalawa doon ay bigay ng sobrang malapit na kaibigan, at ang dalawa naman ay bigay ng mga makukulit at masasayang kaopisina ko at kasama sa trabaho.

First ever birthday cake na nareceived ko 2 years ago

I grew up in a family who work so much for a living. Yung tipong London ang nagsalba sa buhay namin. yung Loan dito, Loan don ganern. Ito ang reason kaya hindi ko naging ugali ang magdemand sa kanila ng salo-salo kapag birthday ko.

For me birthday gifts and birthday cakes only exist in my dreams or a fantasy. Pero hindi ito dahilan para kaingitan ko ang mga kaibigan ko kapag  may mga ganyang bagay sila kapag birthday nila dahil naiintindihan ko ang sitwasyon namin lalo pa nga at ang birthday ko ay malayo sa petsa ng sweldo.

Ito na din siguro ang dahilan kung bat psychologically eh nagkaroon ng impact ito sa akin. In short nagkaroon ako ng compensation issue. Nagkaroon ako ng interest sa baking pero dahil hindi namin afford ang bumili ng gamit nagkasya na lang ako sa pagbabasa ng mga recipe kung paano gumawa ng non-bake na cake at naging successful naman ako from non-bake dark choco cake, plain na cheese cake, oreo cheese cake, mango cheese cake at strawberry cheese cake.

2nd cake na nakuha ko, this was in Guimaras na umeffort ang mga kasama ko dahil walang bake shop sa Island last year.

Para sa akin hindi dahilan para sabihin mo na hindi ka gusto ng mga tao kung walang may magbibigay ng regalo or birthday cake sa birthday mo. Naniniwala lang ako na sadyang maintindihin lang ako kumpara sa mga taong kakilala ko na kapag malapit na ang birthday nila eh inoobliga ka nila na magbigay ng regalo o sumagot ng handa para sa kanila. Yung totoo mga ate at kuya? May trabaho ka di ba at ang regalo ay hindi mandatory?


The 3rd birthday cake na nakuha ko at mga small gifts na nareceive ko cute nila.

Sa mga experince namo-mold ang pananaw at pagkatao ng isa nilalang, dahil dyan ay natutunan ko na pahalagahan ang effort ng tao na nagbibigay sa akin. Nagstick sa kokote ko ang bagay na sinabi sa akin noon na walang regalong pangit. Ibinigay sayo ang regalo dahil inisip ng nagbigay sayo na magagamit mo yan kaya dapat ay magpasalamat ka.


This cake I received this year. Talagang sa house of Barbies po galing yan ang babait nila sa akin.

This year my only wish of myself is good health medyo napabayaan ko kasi ang sarili ko ng husto dahil sa work at school kaya naman nadisregard ko ang health ko which is may maganda naman nadulot dahil sa dalawang subject na lang ang kailangan ko tapusin at sigurado na akong ga-graduate next year. Ang sumunod ay ang maging ok ang panahon dahil balak ko umakyat ng Baguio kasama ang family ko.

Sa lahat ng mga Librans na magce-celebrate ng kani-kanilang kaarawan maligayang bati sa inyo ☺


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. We're very much the same pala. I felt like I was reading my own story. Like you, bihira din akong bigyan ng birthday cake. Siguro nga less than 4 'yung cake na nairegalo sa akin. Nakikita kong mas nage-effort sina mama at papa sa b-day ng two sisters ko than mine. Pero like you (again), hindi naman ako nagdadamdam o naiinggit kasi sa isip-isip ko pag dumating yung time na mag-work ako mabibili ko din naman ang lahat ng yun. Mas madami, mas masarap at mas mahal pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Today is 20 so Happpyyy Birthdaaayyyy!!! Hinintay ko talaga 'yan para mas feel mo kesa sa belated o advance :) hehe

      Delete
    2. nyahaha salamuch Anon Beks

      Delete
  2. Hindi ko na rin nabilang kung ilan. I do appreciate small things kahit nga greetings lang. Kaya nga I even make short youtubes just to say thank you. Sa FB nga, even if I have about a hundred 'friends', umaabot lang ng 30 ang nag greet pero oks na yun. At least may nag effort to type happy birthday. Give yourself a break and that Baguion trip is a good one esp kasama pa ang family.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Effort really counts. Sana nga wala ng bagyo by then.

      Delete
  3. Gifts, surprises, greetings.... Any form of remembering and appreciating is worth it... Happy Birthday Rix!!! Nakakatuwa yung from house of barbies! Hihi. And wag nga pabayaan ang health, aanhin nga naman ang earnings and degree kung palyado na ang katawan. Congrats in advance too!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree! Thank you ☺. Yep I had 8 hours of sleep today sana for the whole sem break

      Delete
  4. Pareho tayo na appreciated even the smallest of gifts like cards and small stuffs ... ang sabi nga ng Hallmark " it's
    the thought that counts " he he ... by the way pareho pala tayong Librans ako last September 30 ... belated Happy Birthday my fellow Libran : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. True! Hehe, bukas pa lang ako magce-celebrate ☺

      Delete
    2. Hala dapat ay advance Happy Birthday pala he he : )

      Delete
    3. Nyahaha kahit ano pa thank you ☺

      Delete
  5. Happy Bday Rix! Wish ko na sana lalo kang bumata at maging masaya!

    ReplyDelete
  6. Belated Happy Birthday! Sorry mejo late. Have too much going on :)

    ReplyDelete

hansaveh mo?