Thursday, December 31, 2015

Apey nu nyer!

Check-up Time: 4:00 am

Yes isang taon nanaman ang lumipas tulad ng marami sa gutom ko at ngayon ay haharapin naman natin ang panibagong taon...

May mga planner na ba kayo kahit na wala naman kayong plano sa buhay? Charot lang!

Para maiba naman ano nga ba ang mga hindi ko nagustohan at nagustohan ko ngayong taon?

Well! Well! Well! ito ang Pasok sa banga at mga lumuwa sa bangang pangyayari sa akin this year. Uumpisahan ko na ang mga luwa sa banga..


1) Haggard ang June til December kong sched sa totoo lang ito ang major challenge ko dahil sa back to back thesis ko at mga demanding na prof. Idagdag mo pa ang OJT na matakaw din sa oras. Ngunit, subalit, datapwat parang di naman daw ako mukang haggard. May nagtanong pa nga kung ano daw ginagawa ko. Ang sagot ko... "Prayers lang po!" charot lang!

2) Dahil sa busy sched ko ito din ang naging dahilan ng pagbigat ng timbang ko. Haizt! frustration ko pa rin magkaroon ng ganitong katawan...




























Charot lang! hahaha. Pero kers lang yan. At least kahit wala akong pera muka pa rin akong may pambili ng pagkain ahaha.

3) I really hate APEC summit yan ang naging isa sa naging dahilan ng pagdudusa ko pumasok sa trabaho dahil sa nagmistulang malaking parking lot ang mga kalsada. Wala akong makitang bright part dyan.

4) Simula ng linsyak na APEC summit na yan ay nag dere-derecho na ang traffic sa letsugas na Magallanes area sa Makati. Wala tuloy ako choice kundi sumakay ng PNR araw araw at makipag body slam-an sa mga construction worker. Minsan iniisip ko na kailangan ko ng deodorant kesa pabango dahil paglabas ko ng PNR pakiramdam ko amoy kilikili ako.

5) Dahil sa linsyak pa din na APEC summit na yan nawala sa akin ang cellphone ko. Ang pinanghihinayangan ko ay ang mga picture sa memory card ko. 4 na taong memories din yun. Haizt! *bagsak balikat*. Hudyat na din ata ito to start a new life... Sige pa Rix artehan mo pa yan! lolz

6) Nagbago ng scheme ang payday sa amin at ganun din ang pagbibigay ng bonus. Ok ang scheme ng sahod eh kahit papaano naka-adjust ako pero yung scheme ng bonus potek! ang hirap. Isang beses pa lang ako nakakakuha. Pero ayos na rin. Iniisip ko na lang na ok lang na walang bonus kesa naman sa walang sahod.

7) Naiiyak ako sa hirap ng OJT ko bilang 3 ang setting na kailangan namin pasukan. Isa sa guidance office, isa sa HR at isa sa clinical institution. Susko ang hirap magipon ng mga requirements at mga documents na kailangan para ipasa idagdag mo pa ang sobrang demanding na prof.

8) May mga dadating talaga sa buhay ng isang tao at may mga mawawala. Hindi mo man kayang manatili ang lahat pero isa itong paalala na dapat ay lagi kang handa sa mga ganitong pagkakataon.

So ayun na nga. Matapos ng mga luwa sa banga eh dumako naman tayo sa mga pasok na pasok sa banga.

1) Unang beses ko mabigyan ng imbetasyon para sa taonang outing para sa mga pinakamagagaling na ahente sa kanya kanya nilang programa sa kumpanya namin. Nakakatuwa dahil hindi ko inaasahan ito at nakaka-proud dahil masasabi ko na sa wakas nagbunga din ang mga effort ko.


2) Enjoy ako sa first ever 5 days 3 provinces (Dumaguette, Siquijot at Cebu) travel adventure ko nung summer. Gagawin ko ulit ito


3) Naranasan ko din maging regular na student kahit isang sem lang. 2 subject na lang ang tinatapos ko magkakadiploma na ulit ako. Sa wakas!

4) Nakasama ako sa video clip ng krispy kreme nakakatawa dahil halos buong floor namin eh panay ang tanong sa akin tungkol sa clip na yun. Sana man lang binigyan ako ng Krispy Kreme ng isang taong supply ng donut. Charoz!



5) Sakauna unahang pagkakataon eh naranasan ko na bigyan ng award sa opisina. Kahit ang saya na makatanggap ka ng plaque of appreciation pero mas kailangan ko talaga ng cash. Choz lang!


6) Naulit ang out of town namin ng family ko. After ng birthday ko ay nagpunta kami ng Baguio. Kung nung una ako lang mag-isa ang pumunta ng dun at nung pangalawa ay mga katrabaho ngayon ay pamilya ko naman ang kasama ko. Sa sunod kaya lovelife ko na ang kasama? hmmm


7) Naranasan ko na kalabanin ang takot ko sa matataas na lugar nung nagpunta kami ng Siquijor. Unang beses ko gawin ang mag cliff dive at kahit natatakot ako ay nagawa ko na ma conquer ang fear ko sa hieghts

Inuulit ko ulit pasensya sa salbabida sa loob ko sya sinuot hahahaha

8) Kahit paano ay natutuwa ako sa takbo ng karera ko dahil sa kahit na may trabaho ako ay nagagawa kong hindi bumagsak sa mga subject ko sa pag-aaral ko. Bagay na lagi ko naman pinagdadasal

9) Nakasama namin si Diko ng ilang buwan at dahil sa bahay sya naglagi nung mga panahon na wala sya sa UAE kasama namin ang pamangkin ko at asawa nya. Nakakatuwa dahil marunong na sya maglakad at madaldal na. Kailangan ko pilitin maka punta ng Iloilo next year para makabonding ang pamangkin ko.


10) Masaya ang puso ko. Period!



Kahit paano marami pa ding masayang bagay na nangyari sa akin ngayon taon kesa sa hindi maganda na dapat ko pa rin ipagpasalamat. Kung datirati madalas ko sabihin na bahala na kung ano ang mangyayari sa susunod na taon, ngayon ay excited ako sa mga darating, adventure, blessing at mga supresa sa darating na taon. Sana puno ng swerte ang susunod na taon para sa atin.



Maaga na akong babati sa inyo ng.......



















Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

14 comments:

  1. yey! happy new year RIX :)
    damang-dama ko pa rin dito ang never-ending mong ENERGY :)

    konti na lang pala at makakatapos ka na, kaya CONGRATZ in advance :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Happy new year Sir Jep!

      Hahaha susko sana gawin na akong commercial endorser ng enervon lolz!

      Yeast! konting padyak na lang ☺

      Delete
  2. Happy New Year :) Grabe naman the struggle that you go through every single day :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haizt! *insert silence*

      lolz yun lang nasabi...

      Happy new year Simon

      Delete
  3. Ha ha Happy New Year Rix ... natawa ako dun sa deodorant he he ... tiyaga lang pasasaan bat matatapos ka rin ... goodluck sa ating lahat ; )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yep yep! dapat lang ahaha.

      Happy New year Edgar

      Delete
  4. At least APEC made your year memorable. Hahaha! Happy new year! Tandaan, may katapusan dinnang lahat ng paghihirap.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nahalata mo din Mr.T lolz.

      Gusto ko na ng sarap eh ahaha

      Delete
  5. shet naalala ko tuloy ang APEC. ikaw kasi.
    happy new year!

    ReplyDelete
  6. Happy New Year sa'yo Rix! Good luck sa pag-aaral. Sana matupad natin ang kanya-kanya nating mga wishes.

    P.S.
    You don't look haggard, pramis. Fresh na fresh. Ano bang sekreto mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat!

      Hahaha hindi ko alam. wala naman ako ginagawa talaga.

      Delete
  7. Happy New Year! Napaisip ako na kung isusulat ko ang good points and bad of 2015, alin kaya ang mas mahaba? Malapit na, malapit nang matapos ang mga pinagdaraanan at ang pinakamaganda, may lovelife na! Suwerte ng nars! Ha,ha,ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. So true! Makakatulog na din ako ng mahaba haba.

      haha hindi ko sure kung swerte sya. baka mag-sisi nga lolz

      Delete

hansaveh mo?