Friday, January 15, 2016

4am

Check-up Time: 7:48pm

Hindi ko inaasahan ang pagbabago ng schedule ko sa trabaho dahil sa kailangan daw sa negosyo kaya naman na-move ang schedule ko ng alas-siete ng gabi hanggang alas-cuatro ng umaga.

Unang araw ng pagbabago ng schedule ko medyo hirap ako kasi medyo kakaunti pa lang ang sasakyan na bumabyahe. Idagdag mo pa ang mga lugar kung saan ka sasakay na mapapa-sign of the cross ka dahil sa sobrang nakakatakot dahil ubod ng dilim.






Nakakatakot na baka tabihan ka na lang ng kung sino at tutukan ng kung ano at magdeklara ng hold-up. O kaya naman ay bigla na lang lapitan ka ng isang manyakis at bigla ka na lang rape-in.... wait gusto ko yun! Charot lang! O kaya naman ay may magpakita sayo ng kakaibang nilalang na hindi na nabibilang sa mundo natin.

Scary di ba?

Medyo praning ako sa pangatlong bagay na binangit ko dahil ilang oras bago ako tumayo sa sakayan ng jeep papuntang Bicutan ay nakikipagkwentuhan pa ako ng nakakatakot na karanasan sa mga katrabaho ko.






Inabot ako ng halos 20 minuto sa pagaabang ng masasakyan dahil ang mga dumadaang jeep ay hindi dadaan ng DOST kaya naman ganun din katagal akong praning at kung ano ano ang iniisip.

Sa wakas nakakita din ako ng jeep may sign board na DOST Bicutan Halos mag twerk ako sa tuwa ng makasakay na ako ng jeep.

Dahil sa maaga pa halos 10 minuto lang eh narating na namin ang Bicutan. Hindi ko alam kung hindi lang din bet ni kuya driver na magsakay pa ng pasahero, kung natatae sya at nagmamadali pumarada o talagang tanggap nya ng maluwag sa puso nya na sobra pang aga kaya matumal pa ang pasahero.

Ayos na ayos! Isa na lang ang hinihintay ng tricycle at aalis na ito. Nag-abot muna ako ng bayad bago ako tuluyang umupo sa tricycle at matapos nun ay umarangkada na ang sasakyan namin. Nang mapadaan kami ng PUP-Taguig nagtanong ang driver ng tricycle kung may bababa daw ng PUP. Laking pagtataka ko dahil wala pa namang alas-sinco ng umaga pero nagtatanong na sya kung may bababa sa naturang unibersidad.



Gusto ko sana syang tanungin kung seryoso sya sa tanong nya pero nakita ko ang muka nya na medyo balisa. Medyo hindi ko gusto ang vibes na ito kaya nanahimik na lang ako. Ilang minuto pa ang nakalipas ay bumaba na din ako at naglakad papunta ng bahay amin.

Dahil nasa probinsya na ang tatay ko (taon taon sya umuuwi ng Leyte para sa fiesta ng Sto. Nino na patron din ng kanilang probinsya) kaya ako at ang kapatid ko lang ang nasa bahay. Sobrang vocal ako na merong entity sa bahay namin kaya naman sa mga naganap kanina ay aaminin ko na nilulukuban ako ng kaba at kaunting takot.

Pagpasok ko ng bahay ay nagsindi agad ako ng ilaw at sinalubong ako ng aso namin. Matapos kong ibaba ang bag ko ay hinubad ko na din ang sapatos at medyas na suot ko. Nagtungo ako ng kusina para uminom ng tubig.

Pagsindi ko ng ilaw ay....






























































































wala naman masyado bago sa kusina kaya okay lang. Pumunta ako sa ref para kumuha ng malamig na tubig ng biglang......
































































Nagulat ako at halos gusto ko sumigaw dahil sa.....











































































































































Natapakan ko ang tae ng aso ko...
Ang saklap! Nakakabadtrip!

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

16 comments:

  1. Ang haba ng post na ito, ha,ha,ha. Oks sa kuwento, baliw ka nga!

    ReplyDelete
  2. Ha ha. Nakakapraning basahin. Psycho ka nga talaga. hehe. Napapadalas ata ang pagkakape mo lately.

    ReplyDelete
  3. Galing ng climax he he he ... nice one Rix : )

    ReplyDelete
  4. Ngeek! sabi ko na nga ba, puro kalokohan na naman ang dulo ng post mong ito wahaha!!!

    Well, well, Caramel!
    I'm slightly back in block hopping hihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. "Blog hopping" I mean... anu ba yan, ba't ko ba natype ang block wahaha

      Delete
    2. hmmm baka naman may binlock ka talaga

      Delete
  5. Hahaha, na-miss namin yung mga ganito mong post lols :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. napansin ko hindi mo pa nacomment ito ng unang beses dahil sa interval ng time stamp ahahahaha

      Delete
    2. Nyahaha ito ang epekto ng sabog at bangag kong estado ahaha. Pasensya

      Delete
  6. Hahaha! Excited pa naman ako, akala ko kung ano na 'yung nakita mo :P

    ReplyDelete

hansaveh mo?