Wednesday, August 31, 2016

oh ber months!

Check-up Time:

Hello from the other side!
 
Ang bilis bilis ng panahon noh? Parang kaja-January lang ngayon eh papasok na ang Ber season.
 
Uso nanaman ang mga taong magiinarte na magpopost ng wake me up when September ends... Wag nyo nga gisingin ng matuluyan. Keme lang!

 
 







Yung iba naman eh hinihintay na ang boses ni Jose Mari Chan at ang pinakasikat na kanta nyang Christmas in our hearts. 








Tapos maglalabasan na ang mga baratillo at tyange na nagbebenta ng kung ano ano na maaaring pagkunan ng idea na pangregalo.

 
 





Madami nanaman ang tatambay sa Ayala Triangle para manood ng Christmas Light show.

 
 





Dadami na din ang tao sa Divisoria at tutuban para bumili ng mga pangregalo kahit na maaga pa para lang hindi na makipagsiksikan sa mga tao lalo na kapag Christmas rush na.

 
 






Titindi na naman ang traffic di lang sa mga major na kalsada. Pati na yata eskinita traffic na din.

 
 






Pagkatapos ng Halooween, All Saint's at all Soul's day eh magsisimula na din ang pagiipon ng sticker para sa planner ng overated na mga coffee shop.

 
 



Magsusulputan na din ang mga nagtitinda ng bibingka at puto bumbong.


 
 


Tapos nun magsisimula na ang simbang gabi habang ang iba naman ay simbang tabi. Makikita mo na ulit ang mga grupong ito na baka manghuli lang ng pokemon habang nag mimisa ang pari. (Judgemental ko lang lolz).




 
 
At dahil nagsimula na din ang simbang gabi. Magiging maingay na din ang labas ng bahay nyo dahil sa makakarinig ka na ng mga tinig ng mga batang kumakantang pampasko dahil manghihingi ng aginaldo... Ilang kantang "Thank you, Thank you, ang babarat ninyo thank you!" ang maririnig mo sa labas ng bahay nyo?










 
Tapos magpe-prepare na ng Noche buena ang lahat. Tapos habang ang lahat ay nagbibilang ng mga regalong natanggap, ikaw naman ay nakanganga lang dahil walang naka alalang magbigay sayo ng kahit medyas man lang... Saklap noh? Choz lang
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
Tapos ilang araw lang pagtapos ng Noche buena eh maghahanda naman kayo ngayon para sa Medya Noche.
 
 
 





 
Hayzt ang cycle nga naman ng Ber months....
 
(credits to the owner of the pics)

Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!

Friday, August 19, 2016

malungkot na umaga

Check-up Time: 7:17am

Nanlalamig 'yong dating nagbabaga. 
Kung maibabalik lang sana.
Titiisin ko na kahit paulit-ulit 
Tapos pipilitin ko na di maulit 
Ang masulyapan mo yung dulo
Akala ko walang hanggan
pero may dulo.

Bawat segundo sa aking puso iuukit. 
Lahat ng alaala aking iguguhit, 
Para makalimutan mong may dulo.
Ang sabi mo walang hanggan,
pero eto tayo sa dulo.


****

Nung Lunes pa masama ang pakiramdam ko dahil sa trangkaso at dahil sa nakakaramdam na ako ng sobrang pagkabagot ay sinubukan kong makinig ng mga kanta sa Spotify. Hindi ko alam kung ano ano ang aking na kaltis sa telepono ko hanggang sa isang malumanay na melodya ang tumogtog. At dahil mas masarap makinig ng mga ganitong musika kapag masama ang pakiramdam ay hinayaan kong magpatuloy ang musika.

Hindi ko inaasahan na sobrang sakit ng bawat linya ng kantang ito. Inulit ko ang kantang ito at sa pagkakataong ito halos lahat ng linya nya ay lumalatay sa damdamin ko. Ito ay ang kasalukuyang naririnig nyo sa BGM ko ☺

May mga pagkakataong hindi ko maiwasang ihambing ang sarili ko sa taong umaawit.

Ayon sa mga dalubhasa sa larangan ng sikolohiya, ang taong nakakaramdam ng matinding emosyon ay nakakarelate sa kantang pinakikinggan nila.

Para sa buong liriko ng kanta paki-visit po yung music room ni Maestro.


Be funny, so everyone is happy... Have a PsychoRix day!!!!